Hi, I'm Liviana Jaye Gomez. 16 years old and currently studying in St. Agnes College of M******.
This is my last day as a junior high school student and today is our pictorial kaya naman nag m-makeup na ako para naman hindi ako mag mukhang madungis sa picture. Habang nag lalagay ako ng eyeliner, narinig kong paparating na ang pinsan kong si Nami. Si Nami ay nag aaral sa University of Pangasinan. Grade 11 student na siya ngayon currently taking the strand, STEM.
Andito na naman siya para kulitin ako na lumipat na ng school para naman daw may kasama siyang mawala if ever Face-to-Face. Oh diba dinamay pa ako nang gaga sa kaabnormalan niya.
"Lipat ka na kasi, Sabihin ko kay Mom mo na lipat ka na sa UPang." sabi ni Nami habang niyuyugyog ako.
Napaisip din ako kung lilipat ba ako kasi for sure madaming matatalino doon baka hindi ko kayanin yung level nila pero kung mag s-stay naman ako sa school na 'to, baka wala din lang mangyayari sakin.
" Fine, kapag pumayag si Mommy lilipat ako." iritadong sagot ko sakanya. 'yan na lamang nasabi ko para matapos na ang usapan at makaalis na ako kasi nga pupunta pa ako sa school para sa pictorial.
Pagkadating ko sa school, sinalubong agad ako ng mga bestfriend ko, Si Keisha and Zandra.
"Buti naman dumating ka na. Kahit kailan talaga ang tagal mo, ang lapit lapit lang naman nang pinag s-stayan mo e. Walking distance lang." pag bubunganga sakin ni Zandra.
"That's the point Zandra. Ang lapit lang ng pinag s-stayan ko, so chill. Atleast andito na ako and you already know kung paano patakbo nitong school. Call time is 9am pero 11am talaga mag uumpisa. You know na uso dito ang Filipino Time right?" naiiritang saad ko.
"Ang tagal naman bw*sit nagugutom na ako." naiinis namang sabi ni Keisha. Napatawa nalang kami kasi ganyan talaga siya, laging gutom.
Pumunta nalang kami patungong second floor, kung saan andun yung iba namin kaklase at sakto dumating na din ang aming adviser. Pero as expected hindi magsisimula hanggat hindi kumpleto. Out of 23 student, 15 palang ang present so no choice kami kaya nag hintay nalang kami.
Nagpaalam samin si Keisha na lalabas muna saglit nang Campus para bumili nang pagkain at sinamahan na din siya ni Zandara kasi nagugutom na din siya. Nabobored ako kaya pumunta ako sa isang sulok ako lang mag isa. Kinuha ko ang Cellphone ko at Earphones ko. Mag papamusic nalang ako and itatry ko mag nap kaso naririnig ko na mga ingay ng mga kaklase naming lalaki kaya di ako makatulog.
Bigla naman lumapit si Aaron sakin, kaklase kong muslim na mabait naman abnormal nga lang.
"Bakit ka mag isa dyan? Hindi mo ba kasama sina Keisha?" tanong niya saakin.
"May binili lang sila sa Labas" sagot ko. Tumango na lamang siya.
"Liv" tawag sakin ng pinsan ko and the same time kaklase kong si Tyrone. Nako papalibre na naman yata to sakin. Hindi ko siya pinansin pero tawag pa din siya nang tawag sakin.
As a warning, I just give him a death gaze. Tumigil siya nang ilang saglit at ginulo ulit ako. "Will you please shut your mouth Tyrone? Ang ingay ingay mo kairita!" sigaw ko sakanya. Tinawanan lang kami ng mga kaklase namin.
Biglang tumahimik nang dumating na si Ma'am Rose. The pictorial is about to start but as usual boys will go first.9 lang ang boys so mabilis lang. Andaming arte nung nagpipicture may pa pose pose pang nalalaman.After a veryyy boring pictorial, natapos na din at nauna na akong umuwi kasi I don't want to waste time talking to my plastic classmates.
Pag kauwi ko nakita ko agad si Mom sa may garahe.
"Lilipat ka nang school." bigla niyang sabi sakin. Nabigla ako pero hindi na ako umimik. Siguro narealize na ni Mama na wala akong natututunan. Sa sobrang bilis nang araw, tapos na ang Recognition and kinuha ko na din yung mga papers na kakailanganin sa pag transfer ko sa UPang.
Malapit na Birthday ko and 'di talaga ako makapaniwala na mag g-grade 11 na ako. Sa mukha kong 'to? No one will believe na senior high student na ako.
BINABASA MO ANG
The Class Mayor: Luke Ashton Buenavista (ON-GOING)
Teen FictionThis is a story of a lady who has feelings for a capable, trustworthy, and an accountable student leader. Although he doesn't look intimate, many people think he does. They didn't realize that he had a soft side since when he is serious, you will b...