1 month later..
Pagka gising sa umaga, as usual check yung phone kung may messages ba kahit alam ko naman sa sarili ko na walang magch-chat or mag g-good morning. Hindi ako nag e-entertain ng lalaki kasi sakit lang 'yan sa ulo and wala akong balak pumasok pa sa isang relationship.
Habang naglalakad ako papuntang kusina, biglang tumunog ang cellphone ko. May nag chat yata. Inenter ko na ang password at bumungad sakin sa messenger na may group chat na pala kami pero ako at si Ms. Ysais palang ang andoon.
Naisipan kong i-screenshot at imyday 'to kasi malay mo may mag chat na possible na kaklase ko. Nang nasa kusina na ako, kumuha na ako ng makakain at nag online sa Facebook. Nakita kong inapprove na pala yung request ko doon sa group page for Grade 11 students.
Nagrandom add ako baka sakaling may maging kaklase ako at madami na din ang nag accept sakin. May nang pop up na message galing kay Damian Austine Bartolome. Nag reply siya sa myday ko.
"Hi miss, pwedeng pa-add ako sa gc? Stem 23 din kasi ako."
Ganto pala feeling kapag may bigla-biglang nag ch-chat sayo, kinakabahan ako na natataranta. Gusto ko sana mag pakilala agad para may kaclose ako pero inuunahan ako nang pagka mahiyain ko.
"Sure po, Wait lang." natatarantang reply ko.
Kaya naman inadd ko na siya sa group chat at nag pasalamat na din siya. Yun lang ang usapan naming dalawa. First Impression ko ay ang sungit niya.
Ewan ko ba yung vibes nang reply niya pang cold o sadyang hindi ko pa siya kilala kaya ganon. Isa isa na ding inaadd nang adviser namin ang iba pa naming kaklase. Ang pangalan niya ay si Sir Stanley.
Habang nag aantay sa mga announcement ni Sir, inilagay ko muna ang mga pinagkainan ko sa lababo at hinugasan na din. Sakto nang matapos ako, nag chat na si Sir.
"Good morning mga anak. Hingi po sana ako ng help. Need po kasi natin gumawa ng mga GC para sa inyong SUBJECTS. Sino po pwede tumulong sakin?"
"Eke pe ser joke lang sir" nahihiyahang saad ni Ms. Siaz.
She caught my attention. Kaya naman inistalk ko na siya agad. Parang kalog vibes kasi siya. She's Pretty too. Her full name is Jaya Siaz. Nice name.
"Walang joke joke dto. Ikaw na aa. Hahaha"
"Sige po"
Kayanin niya kayang iadd kami lahat? Gusto ko sanang mag volunteer pero dapat shy type tayo. Biglang nag chat si Damian sa group chat, gusto niya tumulong kaya naman sumang ayon agad si Sir. Mabait naman pala si Damian e.
Inadd na kami sa mga subject group chat. Naisipan kong ichat si Jaya, Kakapalan ko na mukha ko. Gusto ko sana gumawa nang group chat yung kami kami lang walang teacher.
"Hi" nahihiyang chat ko sakanya. Hindi ako mapakali baka naistorbo ko siya.
"Hello."
"Gusto ko sanang gumawa ng GC yung tayo tayo lang walang teacher kaso iniisip ko baka ayaw niyo."
"Sure. Sure. Wait lang ingame kasi ako."
Nakakahiya, Ingame pala siya tapos kapal ng mukha kong ichat siya. Sinimulan ko na gumawa ng GC. Una kong inadd syempre si Jaya at si Damian. Sinabi ko na din sakanya na paki sama yung iba kung may kaclose na siya. Naisipan ko muna silang ichat isa isa kung gusto nilang sumali. Pumayag naman din sila.
Gusto ko sanang iadd si Luke Ashton Buenavista sa Group chat namin, pero hindi ko magawa. Ichachat ko sana para tanungin kung gusto niya sumali sa GC na walang teacher pero nakalagay "Not Everyone can message this account" at walang nakalagay na add friend sa profile niya.
BINABASA MO ANG
The Class Mayor: Luke Ashton Buenavista (ON-GOING)
Teen FictionThis is a story of a lady who has feelings for a capable, trustworthy, and an accountable student leader. Although he doesn't look intimate, many people think he does. They didn't realize that he had a soft side since when he is serious, you will b...