Chapter 24

14.3K 600 174
                                    

Sa dami ng mga napanood na video ni Cale tungkol sa panganganak at pagli-labor, inakala niyang kaya na niya at magiging kalmado siya. Kalmado naman, pero nangingibabaw ang kaba habang nakatingin siya kay Keanna.

Bakas sa mukha ng asawa niya ang sakit. Halos anim na oras na rin sila sa ospital at naghihintay na tuluyang manganak si Keanna.

Kagagaling lang nila sa paglalakad. Morning routine na nila iyon simula nang bigyan sila ng go signal at pag-uwi sa bahay, sandaling nagpahinga, naligo pa nga nang biglang maramdaman ni Keanna ang pananakit ng tiyan.

Cale was ready. Physically, he was. Kumpleto na rin ang bag nila para sa panganganak. Lahat ng kailangan, nakaayos na, at ang panganganak na lang.

Ngunit nang nasa sitwasyon na siya kung saan nakita niyang namimilipit sa sakit si Keanna, kinailangan niyang tumawag sa mga kaibigan niyang malapit sa kaniya para magmaneho.

"Si Keanna?" tanong ni Aston, ang nagmaneho papunta sa ospital.

Nasa sala sila ng kwarto kung saan naka-confine si Keanna. It was three in the afternoon.

"Nakatulog, e," umiling si Cale at malalim na huminga. Sumandal siya sa pader. "Sana nga makapanganak na kaagad para hindi na rin mahirapan. Salamat pala sa pagsama mo. Just in case, okay na. Maghihintay na lang din ako."

"Ayos lang. Ano ka ba? Wala rin naman akong gagawin kaya ayos lang," ani Aston. "Nag-request na rin ako ng pagkain sa baba. Fifteen minutes nga lang, pero puwede na."

Magkasosyo ang pamilya nila sa ilang businesses. May mga pagkakataong nanghihingi ng tulong ang pinsan ni Aston sa pamilya nila patungkol sa telecommunications. Wala pang nababanggit ang daddy niya tungkol doon, pero  may kaunti na siyang idea.

Sa pagkakaalam ni Cale, para iyon sa isang ahensya na siya ring parte ng security team ng pamilya nila.

Pinsan ni Aston ang madalas nilang katransaksyon.

The Alonzo-Mathias were a good friend of theirs.

Nakakain na sila ni Aston, hindi pa rin nanganganak si Keanna. It was already five in the afternoon and they were still waiting. Kinakabahan na siya at hindi na rin alam ang gagawin lalo na sa tuwing nahihirapan si Keanna.

Tinawagan na rin niya ang parents ng asawa niya na kaagad na bumyahe papunta sa Manila. Tumawag na rin si Cale sa parents niya na nasa Indonesia para sa isang conference at sinabing uuwi naman kaagad para sa kanila.

Cale was glad that Aston was around. Tumawag na rin naman si Flynn, ang bestfriend niyang nakatira sa Spain. Nangangamusta ito at humihingi ng pasensya na hindi nakarating sa kasal niya pati na rin sa panganganak ni Keanna.

Nang makaalis si Aston, pumasok si Cale sa kwarto at naupo sa gilid ng kama ni Keanna. Mahimbing pa rin itong natutulog.

Hinawakan niya ang kamay ng asawa niya. Mayroong swero at medyo nagdugo pa nga. Bigla rin niyang naisip na paano na lang kung hindi siya umuwi galing New York at hindi niya kaagad nalaman ang pagbubuntis ni Keanna. Malamang na mag-isa na naman ito.

Lumipas ang dalawang oras pa nang magising si Keanna. Nakita rin sa monitor na tuloy-tuloy na ang contraction at iyon ang hinihintay nila.

Cale asked the doctor if he could come inside the delivery room with Keanna, and they agreed.

Nang binigyan na sila ng go signal na malapit na at dadalhin na si Keanna sa delivery room, nagsuot si Cale ng necessary attire para sa loob. Hawak niya ang kamay ni Keanna habang papasok sila at siya ang kinakabahan.

Pinisil ni Keanna ang kamay niya at tipid na ngumiti.

Hindi alam ni Cale kung maaawa ba siya sa asawa niya o ano dahil ang singkit na mga mata ay lalo pang naningkit at pilit na ngumingiti.

Just About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon