Work for Worth!

22 1 0
                                    

Ang sarap ng may laman ang wallet no? Yung ATM mo, kahit araw-araw mo isaksak sa ATM Machine, may lalabas at lalabas pa rin na cash. Yung bang pag nagutom ka, chill lang na kumain sa fastfood chains o kaya kapag bet mo yung medyo pa-sosyal, aba'y i-restaurant mo sarili mo. Yung may nakita kang magandang damit at sapatos sa divisoria, bibili ka ng mga tig-a-apat na pares nun. O kaya kapag may nakita ka sa mall na bago sa summer collection ng favorite mong brand, ayan waldas agad. Yung cellphone mong panay de touch na, aba'y naka-unli txt ka na nga, may unli-call pa. Yung tipong akala mo kumakandidato kang brgy. captain sa barrio mo kung magpainum sa mga tambay sa kanto.

Ang saya ng buhay kung ganun e no?

Maliban na nga lang kung ikaw ay pinanganak na mayaman, paano mo nga naman kaya makakamit ang ganyang kaginhawaan sa buhay? Paano mo mararanasan ang ganyang sitwasyon kung naknakan ka naman ng tamad?

Gusto mo guminhawa? MAGTRABAHO KA. Paano?

Simulan mo sa paghahanap ng trabaho.

Sabi nila, ang hirap na raw maghanap ng trabaho ngayon lalo na yung mga walang natapos. Kapag highschool graduate ka, sasabihin sayo; "uy! apply ka dun sa grocery na malapit sainyo" o kaya "may carinderia dun, apply ka?". Ganun na lang ba talaga dapat yun? Na kapag highschool graduate ka, sa maliit na grocery ka magta-trabaho, na kailangan mong gumising ng maaga kasi opening ka at maraming kayong iiventory sa hapon, marami ka ring bubuhatin na kung ano-ano. O sa carinderia, na all around ang labanan, na hugas dito hugas dun. Serve dun, serve pa more. Penge sabaw, penge suka. Hay! pagkatapos ng ilang oras na parang trumpo, ayun at sasahod ka ng wampipti. Ayun, bakit di nalang magbigti ano? haha! Pwera biro. Marangal ang trabaho na ito. Pero hahayaan nalang ba natin na ganun nalang yun? Bakit di natin gawin na ang taga-serve sa carinderia ay maging isang CHEF? Ang taga-linis sa fastfood ay maging branch manager? Ang taga-ayos ng libro sa library ay maging Writer, Director, o Producer? Posible. Kaya!

Di biro ang maghanap ng trabaho, that's a fact. Lahat tayo magsisimula sa mababa. Hayaan natin na maranasan natin ang hirap sa mga simpleng trabaho. Pero huwag natin hayaan na maiwan tayo sa ganung sitwasyon. Let's all be productive in our own effort ways.

Pag nakahanap ka ng trabaho, learn to value and appreciate kung ano ang meron ka. Lalo na kung ang perang hawak mo, laman ng wallet mo, o nasa loob ng ATM mo.. pinaghirapan mo yan. Treat yourself, enjoy!

On the other side, sabi rin nila yung mga naka-pagtapos ng may itim ang toga.. swerte kasi paniguradong magandang trabaho ang mapupunta sa kanya. Tama nga kaya? Kapag graduate ka ng college secure ka na ba talaga sa trabaho? Unless anak ka ng politician, tycoon o kahit pa yung naknakan ng hangin na pamilya. Marami sa mga tapos.. ang natapos na rin. Huminto na ang journey to being productive. May nag-asawa, may naging mayabang hanggang sa napariwara, may naging walang kwenta nalang sa di malamang dahilan. Bakit? Siguro napagod na sa pagiging mabuting tao. Napagod na kakahanap ng trabahong akma sa kursong natapos. JOB MISMATCH? Oo, ewan. Siguro, siguro nga.

Marami pa rin naman ang naging tagumpay right after college. Yung mga nerdy noon, andun na sa mga bangko at pabilang-bilang nalang ng pera at tutok na tutok pa sa mukha ang aircon. Yung mga basagulero noon, ayun Engineer na ngayon. Pasukat-sukat nalang ng hecta-hectaryang lupa. Yung mga tambay sa canteen, akalain mo na may sariling resto na?! E yung bookeeper at librarian nyo dati, ayun bookeeper pa rin. haha! Pero sa munisipyo na at kumikita na ng sapat para sa pamilya. At ang mga simpleng estudyante lang dati na panay ang tawanan at harutan sa daan, may mga kanya-kanyang trabaho na rin ngayon. May naging teacher sa kinder, elementary, highschool at profesor sa college. May nagtrabaho sa mga pautang para sa mga farmers, sa mga negosyante, sa mga simpleng taong gustong umutang, sa mga pensionado na inaadvance na ang pensions nila. May mga nagtrabaho rin sa bilihan ng appliances, gadgets, furnitures, motor, sasakyan o kahit sasakyan para sa patay. May mga nag-trabaho sa puro telepono at headphone ang nasa tenga. May mga nakapag-trabaho sa de palda ang labanan, yung tipong all day formal kung formal ang attire, yun bang coat and tie. In short, marami pa rin ang options natin pagdating sa trabaho. Nasa atin na kung paano natin mahahanap ang trabahong aakma sa atin.

Minsan kasi, kahit gaano kaganda ang trabahong meron ka. High-paid-salary-job man yan, pare-parehas lang din yan sa taong nagta-trabaho sa carinderia o sa construction sites. Parehas din yan na hinihingan ng trabaho nila ng good performance. Na sa bawat galaw at kilos mo, bawal ang tantyahan. Dapat kalkulado mo. Dapat mong palaging isipin, na sa bawat maling galaw mo, pagkatao mo ang nakasalalay. Na sa bawat desisyon na gagawin mo, dun mo mapapatunayan kung ano ang kaya mong gawin para sa trabaho mo. Na sa bawat kilos mo, ididikta nun kung kaya ka nga bang bigyan ng respeto ng mga taong nakapaligid sayo. With that, kapalit ng mga yan ay ang respeto at tiwalang gusto mong makuha sa iba. Na hinihingian mo ang trabaho mo ng something to help you grow in your own. Na mas makita at mailabas ang kakayahang nagtatago sa hiya at takot within you.

Ikaw, oo ikaw! gusto mong guminhawa sa buhay mo. Magtrabaho ka at magsumikap. Wag mong hayaan na maiwan kang nagtatago dyan sa mga takot na lumalamon sayo. Posible ang lahat ng bagay dito sa mundo. Ang kailangan mo lang gawin, is kumilos ka. Patunayan mo ang sarili mo. Anuman ang trabahong meron ka, paka-ingatan mo yan. Uulitin ko, sabi nila mahirap maghanap ng trabaho. Mahalin mo yan, but never forget to grow.

May trabaho ka? MAHALIN MO.

THE BEST IN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon