CONFUSED

4 0 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas.

Ilang buwan pa ba ang dapat lumipas?

Hanggang kelan dadalhin ang bigat ng nararamdaman?

Hanggang kelan ang pag-papanggap?

Hanggang kelan magtitiis?

Hanggang kelan magdurusa?

Hanggang saan aabot tong sakit na nararamdaman?

May pag-asa pa bang sumaya?

Ilan taon na ba ang nakalipas Simula ng minahal mo sya?

Ilan taon na ba ang nakalipas pero bakit hanggang ngayon, sya pa din ang nasa isip mo?

Galit o panghihinayang?

Pano mo titimbangin and sarili mo?




















Hindi mo kayang isisi sa kanya ang lahat, bakit? Dahil may kasalanan ka rin. Pero nagmahal ka lang. Nagmahal ka lang. Yan ang paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo. At oo, totoo. Nagmahal ka lang, pero sa maling tao.

Paano mo nga naman kasi masasabi na maling tao ang minahal mo? Wala naman makakapagsabi di ba? Hindi mo malalaman hanggang di ka nagmamahal, at nasaktan. Basta ang alam mo lang nagmahal ka. Yun na yun.





Dahil nga nagmahal ka, sasabihin mo nalang na "wala e, nagmamahal e" "at kapag nagmahal ka, masasaktan at masasaktan ka" -- pero yung totoo, masasabi mo pa kaya yan kapag nasa sitwasyon ka na nyan?

Nagmahal ka, pero hindi nasuklian. Masakit di ba?

Yung tipong mahal na mahal mo na, pero biglang nabago ang lahat dahil sa isang aksidente.

AKSIDENTE.









Aksidenteng tumapos sa lahat ng meron kayo.






Almost perfect. Yan kayo dati. Hindi nag-aaway. At kung magkaroon man ng di pagkakaunawaan, hindi maaaring matapos ang araw na di kayo nagkakaayos.










Mahal ka nya, mahal mo sya. Prinsesa ka para sa kanya. Lahat ng gusto mo, ibinibigay nya. Kasi mahal ka nga di ba?







Palaging ganun. Masaya lang kayo. Hanggang dumating ka sa point na pinangarap mo na ang future kasama sya. Na inisip mo na sya ang magiging ama ng mga anak mo. Na sya ang makikita mo bago matulog at pagkagising mo.

Na sya ang kasama mo humarap kay FOREVER.






Pero lahat ng yan ay parte lang pala ng panaginip mo.

Dahil lahat ng nakikita mong tama para sayo at lahat ng pinangarap mo ay hanggang dun nalang. Na mauuwi ang lahat sa PANGARAP.






Dahil pagkatapos ng aksidenteng iyon, dun na rin natapos ang lahat.




Alam mo kung ano ang masakit?

Nawala sya na parang bula.

Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang trip mo.

Pagkatapos ng lahat-lahat mauuwi ito sa ganito lang?

Aksidenteng hindi mo piniling sabihin.









Ilang araw ang nakalipas, hindi ka nagpaparamdam. Marahil ay busy ka. Hinayaan kita, kasi inakala kong ayos lang ang lahat. Dahil wala naman problema. Dahil ok naman ang lahat. Yun ang alam ko. Yun yung inakala ko. Hinayaan kita, naghintay ako.

THE BEST IN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon