Chapter 6: The Big Move

22 0 0
                                    

Shailene POV

Isa?

Dalawa?

O tatlo?

Hindi ko na alam kung ilang oras na ako nakaupo at nakatulala habang hinihintay sila tatay.

Kanina pagkahatid sa akin ni nanay dito sa kwarto ay agad din syang umalis.

Hindi ko na alam kung paano pa sila kukumbinsihin.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako depressed.

Pero bakit ganon, hindi nila ako kayang intindihin.

Sam, ano na ba ang dapat kong gawin?

Napadapa ako sa kama ko at binaon ang muka ko sa unan na sakto naman na narinig ko ang pagbukas ng pinto.

“Lelene, tawag ka ng papa mo. Kain na daw ng hapunan” sabi ni nana Fiona.

Inangat ko ang ulo ko at tumango sa matanda.

Tumayo na ako at sumunod kay nana Fiona.

Wala ako gana kumain pero kailangan ko sumunod.

*********************

Pagdating ko sa dinning ay nakaupo na sila tatay.

Umupo ako sa left side ni tatay at tahimik na tumingin sa kanila.

Kumain kami ng tahimik. Walang umiimik.

*********************

“excuse me po nanay, tatay, aakyat na po ako” paalam ko dahil tapos na ako kumain.

“you wait for us in your room dear, we need to talk”

Bahagya akong natigilan at napatitig kay nanay.

Bigla akong kinabahan sa hindi ko alam na dahilan.

Tumango na lang ako at tuluyan nang umakyat sa kwarto ko.

Napabuntong hininga pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ko.

Hindi na naman ako mapakali, ano kaya ang paguusapan naming nila tatay.

Napagdesisyunan ko muna maligo habang hinihintay sila.

*********************

Pagkalabas ko ng bathroom ay nasa loob na ng kwarto ko sila tatay.

Agad na ngumiti sa akin si nanay.

“come and sit hear anak”

Lumapit ako sa kama ko at umupo.

“nanay ano po paguusapan natin?”

“baby, we’ve talked to your tita Bianca about some solutions to your situation”

“tatay I’m not depressed po” matiim kong sabi.

Napatingin sa akin si tatay.

“anak you listen to your tatay first.” Mahinahong sabi sa akin ni nanay

Napatahimik ako at hindi na muli pa nagsalita.

“as I was saying, after the discussion with your tita, your nanay and I talked and we’ve decided that we’ll send you to New York for the rest of your vacation. I already talked to your kuya and he’ll wait for you there. Your flight is scheduled the day after tomorrow.”

Nanatili akong walang kibo sa kinauupuan ko.

What? New York? What for?

Napansin yata ni nanay na hindi ako nakibo.

“Shai anak, please do as you’re told. This is for your own good”

Hindi pa din ako kumikibo, parang nanigas ang buong katawan ko at ayaw magfunction ng mga muscles ko.

Nanatili ako na nakatitig sa kanila. Pinilit kong masalita

“New York? Ba…bakit?” pabulong na sabi ko

“yes Shailene. New York. We’ve talked to your kuya and he agreed to look after you while you’re still there.”

“but why tatay? What for?”

“Bianca suggested you go someplace that’ll not remind you about Sam. Besides it’s summer, go have fun and spend your vacation there.”

“your nanay and I will visit you at least once a month. Now go pack your things anak”

*********************

ArrhythmiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon