Chapter 4: Best Thing I Never Had

9 0 0
                                    

Shailene POV

Pain demands to be felt.

A line from one of my favourite novel, The Fault in Our Stars.

Naaalala ko pa pagkatapos ko basahin yung book iyak ako ng iyak.

Kasama ko pa si Sam non kasi Christmas break. Sabi pa nya novels are product of a writers wide imagination but some of it are based on the writers own experience kaya wag na daw ako umiyak dahil ang TFIOS daw ay fiction lang. Isang kwento na kapag ayaw mo ng ending pwede mo palitan o baguhin.

Sana ganon din ang sitwasyon ngayon, sana pwede ko din palitan.

Na nandito pa si Sam, buhay at kinukulit ako.

Na hindi na ako magagalit kahit paghintayin pa nya ako ng matagal basta buhay sya.

Sam ang daya mo naman eh.

Nakaupo ako sa gilid ng chapel kung saan nakaburol si Sam.

Ang daming tao. Mga kaibigan , kamaganak, kasosyo sa negsyo  nila Tito Bernard, mga teachers at kaibigan namin ni Sam noong high school at marami pang iba.

Lahat sila tahimik na nakikiramay, lahat sila pabalik balik na tinitignan si Sam, at lahat sila puno ng kwento kung gano kabuting tao si Sam.

Buti pa sila may lakas magkwento, buti pa sila kayang tignan ang nahihimbing na si Sam sa kinalalagyan nito, buti pa sila kayang magpakita ng emosyon.

Buti pa sila, samantalang ako manhid at wala nang maramdaman, nakatulala at ni hindi magawang lapitan ang kinaroroonan nya.

Sam.

“Shailene” si Tita Shirley tumabi sa akin

Hindi ako makapagsalita, nakatitig lang ako sakanya.

“Iha kumain ka oh” inaabutan ako ni tita ng sandwich.

Kinuha ko ito pero ibinaba ko din sa tabi ko.

“Shailene gusto ko sana na isa ka sa magbigay ng eulogy para kay Sam bukas, okay lang ba?”

Eulogy para kay Sam, kaya ko ba?

“iha, okay lang kung ayaw mo, hindi kit-”

“gusto ko po tita, magsasalita po ako bukas.”

“Salamat iha. Halika at doon ka umupo sa harap kasama ko”

Umiling ako. Hindi ko kaya.

Niyakap ako ni tita at pagkatapos ay umalis na.

**

Last night na ni Sam ngayon.

Nagpaalam ako kay tatay at nanay na bukas na ako uuwi para lang magpalit para sa libing.

4:45 na ng umaga, wala na masyado tao.

Sa unang pagkakataon napagdesisyunan kong lumapit kay Sam.

Ang bigat sa dibdib, habang papalapit ay lalong lumalabo ang mata ko at sunod sunod na pumatak ang mga luha ko. Sam.

Hinaplos ko ang salamin na humarang sakanya.

Tahimik akong umiiyak habang pinagmamasdan siya.

Tahimik akong umiiyak habang tinititigan ang maamo niyang muka.

Tahimik akong umiiyak habang inaalala ang mga sandaling kasama ko sya.

**

11:30 am

Ang bilis ng oras, magpapaalam na kami kay Sam.

Nandito kami ngayon sa Loyola Memorial.

Kakatapos lang magmisa ni father.

Tinawag ako para magsalita sa harap.

Lumapit ako kay Sam at tinitigan sya saglit bago humarap sa mga tao.

Pinilit kong ngumiti para sa kanila at saka ako nagsalita.

“the night before the accident, Sam called me.

He reminded me of our dinner later that night.

I was excited and I don’t know what to do.

I waited for him until 10pm, but he did not come.

I was angry and worried at the same time.

I knew that there’s something wrong, but I was eaten by my selfishness.

Little did I know that the call we shared earlier that night was the last time I’ll hear his voice.

Sam is my best friend, my brother from another mother, and is almost my boyfriend.”

Napatawa ako ng mahina

“ang sakit pala, hindi, mas masakit pala.

Mas masakit palang mawalan lalo na kung hindi pa naman talaga sayo.

Mas masakit palang mawalan  na hindi mo pa nasasabing mahal mo sya.

At ang pinakamasakit sa lahat, nawala bago nyo pa man masimulan”

Hindi ko nagawang matapos ang sinasabi ko dahil hindi ko na napigilan pa ang mga luhang matagal kong pinigilan lumabas. Nilapitan ako ni tatay at inalalayan para umupo na.

Ayaw magpapigil ng mga luha ko sa pagpatak, nanlalabo na nag paningin ko.

Halos hindi ko na makita na unti unti na nilang tinatabunan si Sam.

Nanatili akong nakaupo at nanunuod habang unti unting pumapasok sa utak ko na talagang wala na si Sam, na iniwan na nya kami.

Sa pagpatak ng mga luha ko, sa bawat pagtabon kay Sam ay kasabay ng pagbitaw ko ng mga salitang

“I love you Goodbye.”

ArrhythmiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon