Chapter 3

1.8K 75 15
                                    

Chapter 3

"K-kuya Ruben?"

"Kamusta ka?" Tanong ko rito.

Napaurong naman si Bryce. Mababanaag mo sa mukha nito ang takot. "Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan." Paniniguro ko rito.

"K-kuya, patawarin mo ako. Hindi na ako manggugulo sa'yo. 'Wag mo lang akong gantihan. Promise. Gusto ko lang na mabuhay ng tahimik. Wala akong intensyong sirain ang pamilya mo. K-kuya, please." Pagmamakaawa nito.

Napatawa ako dahil sa reaksyon ni Bryce. "Ano ka ba? Sabi ngang hindi kita sasaktan. Ngayon pa na nakita ko kung gaano ka kabait na bata. Pero balak ko sanang gawan ka ng masama. Kaso, ano bang makukuha ko kung gagawin ko iyon sa'yo? Mababalik ba ang nanay ko? Hindi." Sabi ko rito.

"Kuya, alam kong malaki ang kasalanan namin ng nanay ko sa pamilya mo. Pero mas pinili ni Nanay na huwag nang lumapit pa sa inyo dahil alam naman niyang bunga lang ako ng pagkakamali. Kaya Kuya, hayaan mo na akong makapamuhay ng tahimik." Dagdag pa nito na may pangingilid na ng luha.

"Iyon na nga, e. Binabagabag ako ng konsensya ko. At alam kong ganun rin si Tatay. Baka gugustuhin niyang magkita ang dalawa niyang anak at tulungan ang isa't isa."

Muling kumunot ang noo nito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

Sa totoo lang ay wala akong maisip na dahilan para sabihin rito kay Bryce. Lahat ng ito ay biglaan lang. Ang pakay ko lang ay magantihan ito sa nagawa niya kay Nanay. Pero mapaglaro ang tadhana. Pinakita nito sa akin ang isang side ni Bryce na dapat kong makita upang huwag siyang gawan ng masama.

At sa totoo lang rin, hindi ko gusto ang ideyang madudungisan ang kamay ko dahil lang sa paghihiganti at pansarili kong poot.

"Alam kong mag-isa ka nalang sa buhay. Wala kang katuwang sa pag-aaral mo. Kung papayag ka, gusto kong doon ka na sa akin tumira. Alam kong magugustuhan rin iyon ni Tatay. Para makabawi na rin siya sa ilang taong hindi ka niya naaruga." Sagot ko sa kanya.

"Totoo ba iyan, Kuya? Pero ano namang kapalit."

"Uhm, sabihin nalang natin na tumulong ka sa akin sa palengke para na rin doon mo kukunin ang pambayad mo sa matrikula mo. Mukha namang mahilig kang mag-aral. Ikaw nalang ang magpatuloy ng pangarap ko noon." Sagot ko.

Unti unti ay nagliliwanag ang mata ni Bryce. Ang kanina'y takot na namumutawi sa kanyang mukha ay napalitan na ng tuwa at galak.

Ewan ko ba. Pero parang gumagaan rin ang puso ko. Dagliang nawala ang bigat na nararamdaman ko sa kanya. Siguro'y dahil pinili ko ang magpatawad at huwag gumanti.

Umakbay ako rito at ginulo gulo ang kanyang buhok. "Sorry pala sa nagawa ko sa'yo noong lamay ni Nanay. Dala lang ng galit kaya ko nagawa iyon. Syempre, hindi ko naman alam na may kapatid pala ako."

Ngumiti naman sa akin si Bryce. "Ayos lang 'yun, Kuya. Ako nga ang dapat na humingi ng tawad sa iyo. Wrong timing ako sa pagsasabi ng totoo. At patawad din kung ako ang dahilan ng pagkawala ng nanay mo." Sabi naman nito at muling lumungkot ang kanyang mukha.

"Ano ka ba? Okay na iyon. Pinatawad na kita. Wala na rin naman akong magagawa pa. Siguro'y iyon ang dahilan ng Diyos para pagtagpuin tayong dalawa."

Ang kaninang galit na galit kong awra sa kanya ay napalitan na ngayon ng galak. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng kapatid at may tumatawag sa iyong Kuya. Napakasarap.

Sa isang iglap ay nawala ang galit ko sa kanya dahil sa lukso ng dugong naramdaman ko. Kung ang iba siguro'y baka kung ano na ang nagawa sa kanya. Pero ako, mas okay na rin na may kasama ako ngayon sa buhay. Atleast, hindi ko mararanasan ang mag-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Liwanag Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon