5

277 25 4
                                    

Imelda's POV

'Mahaaaaaalllllll???? Bonggeeeettt??? Saan na kayooo' hanap ko sa asawa ko at sa only boy namin

'Labas na kayo.. papa try ko lang sainyo yung spaghetti na may Chocolate eh' naka pout ko na litanya dahil parang tinataguan nila ako

'Sweetheart pag hindi pa ikaw lumabas hindi mo na ako Mahal..' naiiyak ko ng sabi

'Sige ka hindi mo na ako love..' sabi ko habang humihikbi na

Naramdaman ko namang may yumakap sa akin sa likod

'Shh tahan na sweetheart baka mapaano pa kayo ng baby natin' pagpapakalma niya naman

'Saan ka galing? Kanina pa kita tinatawag tiyaka hinahanap' humihikbi kong sabi at sumiksik sakaniya

'Nag CR ako sa kwarto natin darling, palabas na ako ng kwarto nung marinig kitang umiiyak' explain niya naman at hinahagod ako sa likod

'Really? Are you telling the truth?' paninigurado ko

'Yes darling promise' sagot niya

'Kakain ka ng spaghetti na may Chocolate with me?' naka pout and pleading eyes kong tanong

I saw him gulped and tumango

'But let's find bonget first.. gusto ko din siya kasabay kumain eh' sabi ko sakaniya

'Sure darling, hanapin natin si Bonget' ngiting sabi niya at inalalayan na ako para hanapin so Bongbong

Hinanap namin siya kung saan saan at natagpuan lang namin siya sa may dining area

'Sakto bonget nandito ka pala, kanina ka pa hinahanap ng mommy mo' sabi sakaniya ni Ferdinand habang inaalalayan ako paupo

'A-ako? B-bakit?' utal niyang tanong

'Kasi sasabayan natin siyang kumain ng spaghetti na may Chocolate' sagot ni Ferdie sakaniya at pinag sandok na ako

'Ako magbubuhos ng chocolate darling pasta and sauce muna lagay mo sa three plates po' sabi ko sakaniya habang halatang natatakam

'Okay, noted darling' sagot niya

I smiled at him naman and he smiled back

After he served the spaghetti ay umupo na siya sa tabi ko same din kay bonget

'Uhm yung sayo lang po naman yung may chocolate right?' alanganing sabi ni Bongbong na napakamot pa sa batok niya

'Nooo tayong tatlo ang kakain ng may chocolate na spaghetti hihihi' naka bungisngis kong sagot sakaniya

'O-okay mom' utal niyang sabi at hilaw na ngumiti then I heard Ferdinand laugh kaya natawa rin ako

'Lagyan mo na darling, I know gutom kana' nakangiti na sabi ni Ferdie kaya nilagyan ko na ng chocolate ang spaghetti naming tatlo

Nakita ko naman na parehas na napalunok ang mag ama ko

Hinalo ko naman yung akin at tinignan ko naman kung anong ginawa nila at hinahalo din Naman nila yung kanila.

Sakto din naman na dumating yung tatlo pa naming anak na babae at nakita ang dalawang Ferdinand na kasabay ako

'Oh my mommy napakain mo yang dalawang Ferdinand ng ganiyan?' natatawang tanong ni Imee sa akin na tinanguan ko lang dahil busy ako sa kinakain ko

'Shut up Ime at baka ipatikim ko sayo ito..' kunwaring pagsusungit ni Bonget kay Imee

Natawa naman si Ferdinand

'Anyways hello dad.. I have something for you' lambing ni Imee sa ama

'Haha hello din my darling genius of a girl.. is it a new book for me to read or what?' malaki ang ngiting sabi ni Ferdinand

'Wait yung kay mommy muna bibigay ko' sabi ni Imee at lumapit sa akin para humalik sa pisngi

Alam niyo ano ginawa nung dalawang bunso namin? Pinagtri tripan nila ang kuya Bongbong nila

'Mom I bought you maternity dresses and new books po' sabi nito at inilapag ang paper bag sa sahig

'Nasaan na yung akin anak?' tanong ni Ferdinand

Nakita ko namang ubos na yung pagkain niya kaya nilagyan ko siya ulit ng kaunti pa.. ganoon din ang kay Bongbong

Dahil wala na siyang nagawa ngumiti nalang siya sa akin

'Hehe napaka UNDERstanding talaga ng asawa kooo' gigil kong sabi sakaniya at pinisil pa siya sa pisngi

'I love you sweetheart' yun na lang ang nasabi niya atsaka ngumiti

Nginitian ko din siya

'I love you too sweetheart..' sagot ko

'Imee anak ibigay mo na yung bibigay mo sa daddy mo' sugo ko kay Imee

'Here dad I bought you a new watch and new polos and a new book to use and read' sabi nito sa ama niya

'Thank you darling, it's so nice of you to give me and your mom a lot of new things' Ferdinand answered

Pagkatapos nun ay umexit na ang panganay namin at yung dalawa naiwan para patuloy na asarin si Bongbong

Third Person's POV

'Go kuya Bonget na pangettt!!!' sigaw ni Aimee habang vini video si Bongbong

Naibuga naman ni Ferdinand ang kaniyang iniinom na tubig at naubo

'Ehem!! Ehem!!' ubo nito habang natatawa

'Okay ka lang sweetheart?' alala pero natatawa ding tanong ni Imelda sa asawa

'Yes darling, napaka bully talaga ng dalawang bunso natin' malaki ang ngiti ni Ferdinand habang pinapanood ang mga anak

Sinandal naman ni Imelda ang ulo sa balikat ng asawa at malaki din ang ngiting pinapanood ang mga anak

'Go Bonget!!! Kahit dika naka tuck in mukha ka paring Lolo!' sigaw rin ni Irene

'Bonget kumain ng pakbet at chocolate, Sara napa Yes!!' sigaw ni Imee na nasa hagdan

'BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA' malakas na tawa ng pamilya except kay Bongbong na masama ang tingin sa tatlong babae niyang kapatid

'Bonget remember what I told you, ang babae hindi sinasaktan kundi inaalagaan regardless of what they did' paalala ng ama nila sa only boy

Kaya natawa nalang ang apat na babae sa buhay nila

_____________________________________________

A/N: Sana ol po ano, Sana ol sa pasensiya ni Papa Macoy at sa pasensiya ng Only boy

This Time AroundWhere stories live. Discover now