Chapter 7

699 25 5
                                    

It was my dad who held my pulse.


Bakit siya narito? Ano'ng ginagawa niya rito?! I secretly gritted my teeth when I realized that he was the one who was following me.


"Anak..."


He planned on hugging me, but I avoided him right away. "Ano pong ginagawa niyo rito?" My voice screamed anger.


Bakas ang kalungkutan sa kaniyang mukha. "Hindi kita ma-contact, anak, kaya hinanap kita. Tanong ako nang tanong sa mga kamag-anak ko pero kahit sila, 'di nila ako tinulungan. Ni isa, wala akong ma-contact-an sa inyo."


"Ano po 'yung rason kung bakit niyo po ako hinahanap?" Matagal na akong nagtitimpi sa kasalanan na ginawa ng tatay ko. Hindi lang nanay ko ang nasaktan, pati na rin ako ay sinaktan niya.


"Gusto kong magpaliwanag sa—"


I distanced myself from him. "'Di ko na po kailangan ng paliwanag niyo. Nagawa niyo na, e. Ano pa bang ipapaliwanag doon?"


"Pakinggan mo muna ako. May nagtatangka sa buhay mo kaya ko nagawa 'yon—"


Napakuyom ako ng kamay. "Tama na, please. 'Di ko na po kailangan 'yang mga dahilan niyo. Bumalik na po kayo at 'wag na 'wag niyo na po kaming hahanapin ng nanay ko."


Nang tinalikuran ko siya, patuloy-tuloy pa rin siyang nagmamakaawa sa'kin ngunit hinayaan ko na lang 'yon. Marami na kaming pinagdaanan ng nanay ko, hirap na hirap kami, at masyado na kaming nasaktan. Ayaw ko nang bumalik pa sa dati dahil hindi na maibabalik ang mga araw na masaya kami.


Lumayo ako sa parking, pati ako ay hindi ko alam kung paano ako napadpad sa sulok. I squatted and hugged my knees. I didn't even know why tears were falling from my face. I shouldn't even have to be bothered by his presence. But every time I was reminded of my dad, it made me shredded tears.


"Liz?"


Inangat ko ang tingin nang marinig ang boses niya. I bit my lip when I saw him rushing towards me.


"Why? What happened? Are you hurt?" natatarantang tanong ni Yildiz. Tinignan niya ako kung may sugat ba ako o kung ano ang nangyari sa'kin. "Is there a problem? You can tell me." Niyakap niya ako at dahan-dahang hinahaplos ang likuran ko.


Hindi ako makapagsalita dahil nakita ko siya. Sinubukan ko nang kalimutan ang tatay ko, pero bakit hindi ko magawa? Bakit?


"Shh, I'm here. I'm right here," pagtahan niya sa'kin. I tightened my hug to him. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.


Sa sobrang iyak ko, singhot ako nang singhot. I couldn't breathe properly.


Pinatong ni Yildiz ang isang kamay niya sa itaas ng ulo. "May problema ba?"


"Nakita ko lang tatay ko..." walang ganang sabi ko.


Pumasok kami saglit sa loob ng kotse niya para i-kwento sa kaniya. Pinunasan niya ang mata ko at pinainom ako ng tubig.


Tumango-tango siya nang ma-i-kwento ko ang nangyari kanina. "How do you feel right now? May masakit pa ba?"


"Okay na ako," sabi ko bago uminom ng tubig.


"Wear you seatbelt. May pupuntahan tayo," biglang sabi niya dahilan ng pagkakunot ng noo ko. Saan kami pupunta? 'Di ko na tinanong dahil panigurado 'di niya sasabihin.


My eyes lit when we went to a bay. I removed my shoes and walked in the sand.


"Northern Bay," banggit ko sa pangalan ng bay na ito. Nakasulat sa malalaking letra ang pangalan ng bay sa gitna ng buhangin.


Return of the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon