Chapter 5

726 30 11
                                    

"Gusto kita! Okay na?!" Napapikit ako nang mariin nang mapansin kung ano ang sinabi ko. Bahala na talaga!


Tumalikod ako para maglakad ulit pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko kaya napalingon ako sa kaniya.


"Totoo?"


"Ay hindi! Mukha bang nagjo-joke ako?" Kumukulo talaga ang dugo ko rito! Mukha ba talaga akong nagbibiro?!


'Di niya pinansin ang sinabi ko. Umiwas siya ng tingin nang nakaawang ang labi. "Gusto rin kita."


Ha? Ano raw? Tama ba ang narinig ko o bingi lang ako?


"Ano'ng sabi mo?" I raised my brow at him, pretending I didn't hear what he said.


"Bingi ka ba?"


Hinampas ko siya nang malakas sa braso. He chuckled when he saw me rolling my eyes at him. He held both of my hands. He took a deep breath before looking at me directly in the eyes.


"Ang sabi ko, gusto kita," he slowly said.


"Linoloko mo 'ko 'no?"


Napabuga siya ng hangin, mukhang na-i-stress sa'kin. "Mukha ba akong nagbibiro?"


"Bahala ka diyan." Tinanggal ko ang mga kamay ko sa pagkahawak niya at naglakad. I bit my lower lip to prevent myself from smiling after hearing that he had confessed.


Nakangiti naman siyang tumabi sa'kin. Ano nang gagawain ko! Mukhang imposible na iwasan ko siya simula ngayon. Magkukunwari na lang ako na walang nangyari ngayon.


"Does your feet still hurt?"


Umiling ako. Pakiramdam ko ang init-init ng mukha ko ngayon!


"Are you sure? I can carry yo—" Natigilan siya nang may tumunog sa phone niya. "What?"


["Yildiz! Nasaan ka?!"]


Nilayo ni Yildiz ang phone sa tenga niya nang sumigaw si Jonas sa kabilang linya. Grabe, rinig na rinig ang boses niya hanggang dito.


"Uh, we're on our way there." Agad niyang pinatay ang tawag. I was speechless when he suddenly held my hand. "'Wag kang magrereklamo. Maraming tao roon, baka mawala ka."


Nanahimik ako. Tahimik akong sumusunod sa kaniya hanggang sa makaabot kami sa labas ng Night Market, kung saan naghihintay ang apat.


"Ay wow." Naomi held her chest like she was shocked and hurt at the same time. "Nawala ka lang saglit, may jowa ka nang bitbit!"


Tinanggal ko kaagad ang kamay ko nang mapansin na magkahawak pa kami ng kamay. Nakakahiya!


"Ikaw din!" Tinuro ni Jonas si Yildiz. "Nawala ka lang saglit, may jowa—"


"We're not in a relationship yet," sabi ni Yildiz dahilan ng pagkakunot ng noo ko.


Yet?! Ibig sabihin nag-e-expect siya na magiging kami? Sa tingin ba niya ay sasagutin ko siya kapag niligawan niya ako?


Oo, sasagutin ko.


"Uy." Siniko ni Ethan si Jonas. "Yet daw. Y - E - T, yet."


"Hays, ang sakit sa mata," komento ni Zoe.


"Ang sakit nga," sunod si Ethan.


Naomi raised her hand at us. "Ops! Tama na ang harutan!"


Return of the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon