Ang Mamatay Nang Dahil Sa'yo

9 1 0
                                    


"Nandiyan na mga Hapon!" Sigaw ng matanda sa mga batang naglalaro ng piko sa daan. Lahat ng tao ay abala at hindi pa alintana ang panganib na dala ng taon na 'yon.

"Ano ba ang sinisigaw mo tatang?" sagot sa kanya ng ale sa daan. "Bakit naman tayo masasakop ulit eh nasa pangangalaga tayo ng mga Amerikano?"

"Ka-Adel, hindi ka ba nakakapakinig ng radyo? Aba'y kahapon lamang nang pinasabog ng mga hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii ng Amerika," may halong takot na sagot ng matanda. "At kanina lamang, habang nagbabalita ang isang nyuskaster sa radyo, may pagsabog na nangyari, at sampung oras lang ang pagitan!"
histerikal na pagku-kwento ng matanda, habang ang kausap niyang ale na tinawag niyang Adel ay nahiwagaan na lamang sa kanya, na para bang ito'y nababaliw na.

"Nako, tatang! Huwag mong tinatakot sarili mo. Ayaw mo ba n'on sikat ka at tatlong bansa ang naabutan mong sumakop sa bansa natin. Isa pa tatang, 'di ka mukhang Pilipino," suway ng ale sa matanda. "Ang magandang gawin mo ay manatili ka sa bahay at manalangin para tulungan tayo ng Diyos, kung sakaling totoo man ang sinasabi niyo."

Sa kabilang banda, maririnig sa kalangitan ang ugong ng mga sasakyang panghimpapawid na gumuguhit sa mga ulap. Nagpapakawala sila ng Nuclear, ang iba'y sumabog at ang iba naman ay hindi.

Nagulat na lamang ang ale nang marinig ang pagsabog, "Mahabaging Diyos!" sigaw niya matapos makitang nawala na ang bahay sa harapan nila. Nanlambot ang mga tuhod sanhi upang mapaluhod. Habang ang kaninang matanda ay dali daling umalis.

"Nay!" sigaw naman ng bata sa kanya sa 'di kalayuan. Napalingon ang ale sa pinagmulan nang sigaw at laking gulat niya nang biglang sumabog ang ulo ng bata matapos tamaan ng ligaw na bala.

"Apo!" sigaw niya sa nandidilim na paningin.

Ang kaninang maayos at masayang lugar ay napalitan ng nagtatakbuhang mga tao sa takot. Mapabata, matanda, babae at lalaki ang makikitang nakahandusay at tila wala nang buhay sa daanan.

Samantala, sa isang tagong lugar sa parehong oras, nakatindig naman ang simbahan na siyang pinangangasiwaan ni Pastor Facundo. Siya ngayo'y nag-aayos ng mga gamit para sa gawain mamayang gabi. Sa kanyang pag-aayos, isang bisita na di inaaasahan ang dumating at padabog na kinakalampag ang pinto habang ang boses ay pasigaw na tumatawag sa pangalan niya.

"Pastor Fernan!" Sabay sa dabog ng pinto ay ang nagmamadaling pastor upang mapasiyanan ang pamilyar na boses.

"Ka-Fernan, ikaw pala? Ano ang mapaglilingkod ko at hapung-hapo ka." Pinatuloy ng pastor ang kanyang miyembro sa simbahan, akmang sasalok na rin sana ng tubig na maiinom sa gilid upang iabot kay Fernan nang isang malakas na pagsabog ang gumalantang sa kanila.

"Pa-pastor..." Hindi natapos ni Fernan ang sasabihin nang marinig ang isa pang malakas na pagsabog sa di kalayuan sanhi para mawalan na sila ng balanse. Nasundan pa ito ng sunod-sunod na mga putok ng baril.

"Ano ang nangyayari Ka-Fernan?" tanong ng pastor habang pilit na tinatayo ang sarili.

"Pastor, sinasakop tayo ng mga Hapon!" histerikal na sambit ni Fernan. Nang makabawi ng tayo ang dalawa, agad namang nagpaalam si Fernan kay Pastor Facundo na aalis upang dalhin ang kanyang pamilya sa kanya. Nagbabalak na manuluyan muna sandali ito sa kanilang munting kapilya dala ang paniniwalang po-protektahan ito ng Diyos.

Laking gulat ni Fernan nang makitang walang buhay na ang kanyang panganay na anak pagkadating sa kanilang barong-barong, habang ang kanyang buntis na may-bahay naman na si Luping ay umiiyak sa gilid ng kanyang anak. Nang magbalik ang kanyang ulirat, siya'y marahang sumulong naman, at 'di na inalintana ang mga bombamg sumasabog sa gilid sabay sa saliw ng pagdadalamhati ng ina na nawalan ng anak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mamatay Nang Dahil Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon