Kabanata 27

583 19 1
                                    

After 6 years

Azulan POV

Anim na taon, ganiyan katagal na namuhay akong dala dala ang sakit mula sa nakaraan bunga ng desisyong ginawa ko. Anim na taon akong namuhay sa mundo ng mga mortal na wala siya sa aking tabi

Hindi naging madali sa akin ang lahat lalo pa't siya ang kauna unahang lalaki na minahal ko, nasaktan ako sa nangyari, hindi ko inaasahan na magiging ganoon kalala ang epekto ng ginawa kong pasya

Masakit, nakakagalit, nakakadismaya ngunit kahit ganoon ay hindi ko pinagsisisihan ang aking desisyon dahil alam kong buhay siya, sapat na iyon para sa akin

Masaya na akong sa huling pagkakataon ay nakatulong ako sa kaniya, hindi man malinaw ang hinaharap ngunit alam kong iyon na ang huling beses na mag aalay ako ng pagmamahal para sa kaniya, ang nangyari anim na taon na ang nakaraan ay sapat ng kabayaran sa pag suway ko sa utos na huwag papakialam ang sagradong bato

"Mama kakain na po ako I'm hungry na po eh" sigaw ng anak ko mula sa sala

Sa kabila ng sakit, galit at lungkot na aking dinanas ay napanatili ko ang aking katatagan dahil sa biyayang pinag kaloob sa akin, ang aking anak

"Maliah gosh you're bungi na naman, why you're always bungi everytime na nakikita kita" hysterical na tanong ni Zolen sa aking anak, kapapasok lamang niya at madami na namang dalang pagkain, laruan at damit ni maliah

Sinong mag aakalang magiging matalik kong kaibigan ang babaeng ito? Kung anong sama ng ugali niya sa akin dati iyon naman ang bait niya ngayon, siya kasi ang isa sa mga taong tumulong sa akin noong mga panahon na wasak na wasak ang buong pagkatao ko, isa siya sa mga taong bumuo muli sa akin. Tinulungan din niya akong matuto na gumamit ng wikang English kaya naman hindi na ako nangangapa sa mga pinag uusapan nila

"Zolen sumabay kana sa aming kumain madami naman ang naluto ko" nakangiting paanyaya ko dito

"It looks delicious naman so sige I'm gonna kain here na" maarteng sagot nito sa akin, minsan Talaga hirap na hirap akong kausapin siya

"Baby" malakas na sigaw ni zolen habang nakatingin sa may pintuan, ay kaya pala, dumating na ang kaniyang baby bakulaw kasama si Janna

"Kung maglalandian kayo pwede ba huwag dito?respeto naman sa aming mga single" sabat ni Janna habang ang dalawa namang mag kasintahan ay nagyayakapan parin, sana all

"Inggit kalang kasi wala kang ka bebe time" ani Zolen na may halong belat pa

"Huyy babaeng conyo self love ako ngayon, more time for myself ganon" depensa ni Janna sa sarili

"Anong self love ngayon? huuuyyy bansot buong buhay mo self love ka" saad naman ni Kuya Jeff na nakayakap parin kay Zolen, sinong mag aakalang magiging sila?ang galing talaga ng tadhana eh dati hindi naman sila nagpapansinan

"Aba't- gago to ah"

"Bago pa kayo magkapikunan diyan tara na sa kusina kumain na kayo" paanyaya ko sa kanila

                 *****************

Tahimik kaming kumakain ng magsalita si Kuya Jeff, salitang hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang madinig

"Uuwi na daw si boss next week"

"Ano naman?edi umuwi siyang hayop siya ng maputol ko tit-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Janna, pinalsakan ko na ang bunganga niya ng tinapay dahil alam kong kabulastugan iyon, nandito din sa hapag kainan ang anak ko, ayaw ko namang madungisan ang inosente niyang isipan

"You Azulan ha, don't lapit lapit to him na he's so bad, after ng ginawa niya sayo six year ago? No way na siya sa akin for you" masungit na sabi ni Zolen

"Ay wow babe patay na patay ka nga don dati eh, baka mamaya ikaw ang lumapit" nakasimangot na sabi ni Kuya jeff, agad naman siyang hinalikan ni Zolen sa labi at hinawakan sa kamay

"You're my one and only love na babe, I don't like him na, he's bad at tsaka I'm Azulan's friend I will always be in her side no matter what kaya I will not lapit to Clifford the jerk"

Natawa ako sa sinabi niya, ang laki na talaga ng pinagbago  ng babaeng ito, mula sa maitim na budhi ay napalitan iyon ng puti at malinis, iyon nga lang mas lalo siyang umarte, buti nalang mahal na mahal siya ni Kuya Jeff kaya sobrang haba ng pasensya sa kaniya

"Paano kung makita niya si Maliah?baka kunin niya sayo ang bata, ano kaya kung umalis ka nalang sa trabaho sa mansion?" Sabi ni Janna na mababakas mo sa mukha ang pag aalala

Kunin si Maliah? Natawa na lamang ako, sa palagay ko ay kahit makita niya Maliah ay wala siyang pakialam, siguro nga ay papaalisin pa niya ang anak ko gaya ng ginawa niya sa akin noon, itinapon na parang lumang bagay na wala ng pakinabang

"Hindi ako sigurado sa mga susunod na mangyayari pero kumpyansa akong hindi niya kukunin sa akin ang anak ko kahit pa malaman niya ang totoo, saksi kayong lahat sa nangyari sa amin" mahinang sabi ko sa kanila

"Pero diba Azulan si Boss Clifford ay-"

Pinutol ko na agad kung ano mang sasabihin ni Kuya Jeff  "nangyari na ang nangyari, hindi na iyon maibabalik pa kaya ang tanging gawin nalang dapat natin ay ang lumimot, wala naman ding mangyayari kung patuloy akong magkukulong sa nakaraan, siguro kailangan ko lang tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa"

"Bilib ako sayo Azulan, sa kabila ng sakit na dinanas mo ay nanatili kang matatag, kinaya mong magpalaki ng anak na mag isa lang, hindi mo din pinagdamot sa anak mo ang imahe ng kaniyang ama, pinakilala mo pa rin kahit sobrang sakit ang dinulot sayo" nakangiting sabi ni Janna sabay hawak sa aking kamay

"Kinailangan kong maging matapang Janna para sa anak ko at isa pa ang dami niyong nandiyan para sa akin, hindi lang naman si Clifford ang meron ako, alam kong madami pang nagmamahal sa akin" maswerte akong nakita ko si Janna sa unang tapak ko sa mundong ito, hinding hindi ko malilimutan ang mga panahong tinulungan niya akong buoin ang aking sarili kahit alam kong wasak din siya

"Ano ba yan so drama niyo ha let's eat nalang"

Ang arte talaga ng bruha

"Huwag mo paiyakin si Mama ko tita ninang baka tulo uhog na Naman yan" sabi ng anak ko sabay tawa ng malakas, nakita na kasi ako nitong umiiyak noong pinakililala ko sa kaniya Si Clifford gamit ng mga larawan lamang at tama naman siya, tulo uhog nga ako

Kinurot ko ang kaniyang pisngi at hinalikan siya sa kaniyang noo

"Ikaw talaga bata ka palagi mong inaasar si Mama dimo siguro ako love" kunwaring nagtatampo kong sabi

"Hala ka Maliah tampo na si mama mo" pang gagatong ni kuya Jeff

"Hindi mo na ba ako love mama dahil bad na ako? Sorry po mama diko na po sasabihing tulo uhog ka" mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya, di daw sasabihin eh sinabi naman ulit

"Sorry na mama" muling sabi ni Maliah sabay yakap sa akin

"Ang sweet naman ng bata nayan" natatawang sabi ni Janna

"Hindi naman ako galit binibiro kalang ng Tito ninong mo, love na love kita kaya hinding hindi ako maggaalit sayo" malambing kong sabi sa kaniyang sabay kurot muli sa kaniyang pisngi

"Ako din Mama love na love kita kahit pa tulo uhog ka" malakas na sigaw nito sabay yakap sa akin

Dinig na dinig kong nagtawanan sila dahil sa sinabi ng anak kong napaka bibo

"MALIAH LEONESSA" madiing tawag ko sa sa kaniya ngunit tinawanan lamang ako

Napakasarap sa pandinig ng kaniyang mga tawa, tila isa itong musika na kahit kailan ay hinding hindi ko pag sasawaan.

Ano kayang mangyayari kung hindi kami sinugod noong araw ng engagement namin?paano kaya kung hindi nag agaw buhay sa hospital si Clifford? Sana ay masaya kaming pamilya, sana ay hindi kailangan ng anak kong mangulila sa isang ama




*****************************
Papunta palang tayo sa exciting part chaaarrr hahahhahahahha

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon