Chapter Thirteen
“Here Angelica,” nakangiting ani ni Madilyn kay Angelica habang inaabot ang binalatan nitong hilaw na mangga.
Nakangiting tinanggap naman iyon ni Angelica, “thanks!”
“Ano kaya ang gagawin ni Marlo, ngayon, ano?” tanong ni Madilyn kay Angelica habang pinanonood sya nitong lantakin ang mangga.
Napaisip sya sa sinabi nito. Nandoon na sya ngayon sa Hacienda. Matapos kasi nilang mag-usap ni Marlo nang araw na iyon, inakay agad sya nito pabalik ng Iloilo. Nagpaalam at nagpasalamat nalang sya kay Auntie Hanna at sa mga batang napamahal na din sa kanya sa ampunan.
Mangiyak-ngiyak nga sya nang magpaalam sa mga ito. After all, itinuturing na din nyang pamilya ang mga ito.
Ngayon din ang simula ng kondisyong ibinigay nya kay Marlo. Ito ang unang araw na papatunayan nitong mahal nga sya nito. Aaminin nyang nae-excite na sya sa kung ano man ang gagawin nito ngayon.
Nang mabalik sya sa huwisyo ay nagkibit-balikat sya bilang sagot sa sinabi ni Madilyn. “I have no idea,” aniya habang pilit na tinatago sa boses ang excitement na nararamdaman.
Tumango-tango naman si Madilyn habang nagbabalat ng mangga para sa sarili. “But seriously, Angelica, I think Marlo really loves you. Naikwento ko naman na sayo 'yung mga ginawa nya para sabihin ko kung nasaan ka, diba?”
Tumango sya sa kaibigan.
Naikwento na nga nito sa kanya ang mga nangyari at ginawa ni Marlo. Aaminin din nyang na-touch sya sa mga ginawa nito especially nang hindi ito nagpatinag sa ulan. Iyon pala ang dahilan kung bakit may sakit ito nang magkita uli sila.
“Well, yeah, but let’s see first kung ano ang gagawin nya,” aniya sa kaibigan.
As if on cue, they heard strums of guitar followed by a familiar voice.
“A hundred days have made me older
Since the last time that I saw your pretty face
A thousand lies have made me colder
And I don't think I can look at this the same
But all the miles that separate
Disappear now when I'm dreaming of your face…”
Napangiti sya. Of course, kilalang kilala niya ang may ari ng boses na iyon.
Napatayo sya saka agad na tinungo ang balcony ng kwarto nya. Sumunod naman si Madilyn sa kanya. Sa ibaba ay nakita nya si Marlo kasama ang kaibigan nitong si Aaron na may hawak na gitara.
Marlo look so dashing with his blue polo and white pants. May hawak din itong tatlong cream-colored tulips.
“I'm here without you baby
But you're still on my lonely mind
I think about you baby
And I dream about you all the time
I'm here without you baby
But you're still with me in my dreams
And tonight it's only you and me
The miles just keep rollin'
As the people leave their way to say hello
I've heard this life is overrated
But I hope that it gets better as we go…”
“Wow naman, ang sweet ni Marlo mo. Teka, uso pa ba ang harana sa panahon ngayon?” narinig nyang sabi ni Madilyn.
![](https://img.wattpad.com/cover/2409269-288-k443714.jpg)
BINABASA MO ANG
Hacienda Del Carmona Series 3: Tù Eres Mio ( You are Mine )
Roman pour AdolescentsLove and Revenge. Ano nga ba ang mahalaga? Posible nga bang mainlove ka sa taong pinaniniwalaan mong may malaking kasalanan? Hmmmm... Pwede nga ba? Ü Highest Rank: #335 in Teen Fiction Salamat po! :) (03-06-16)