Si Raki at Ako

26 0 0
                                    

I sit beside the cutest boy in the office. Mabuti ko syang kaibigan. Constant lunch buddy. Madalas ka-kwentuhan at ka-hagikgikan. We, most of the time, like the same things; boots, plain white t-shirts, faded jeans, dark chocolates, etc. Siya si Raki Garcia. Matangkad. Mabait. Matalino. Certified crush ng bayan.

Ako si Iya Pascual. Sabi nila, mabuti din akong kaibigan. Ms. Go-With-The-Flow. Ms. Congeniality. Ms. Bungisngis. Little Ms. Brightside. Funny. Certified one of the boys.

Madalas kaming mapagkamalan na mag-boyfriend ni Raki. Sobrang magkasundo kami sa maraming bagay at madalas din kami makitang magkasamang nagla-lunch, nagka-kape, kumakain sa labas, at paminsan-minsan, umiinom. Pero magkaibigan lang talaga kami. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagkaka-gusto sa kanya. Siguro dahil tomboy ako noong high school. Tipikal sa mga nasa all-girls school. Truth be told, ni hindi ko man lang nga siya crush. Masyado kasi syang maputi para sa akin. Cliche' ang tipo ko; tall, dark, and handsome.

Parang si Trooper James Oreta.

To be continued...

DECEPTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon