"Iya, may lakad ka sa Sabado after shift"? tanong sa akin ni Raki.
"Hmmm... wala naman, bakit"? sagot ko.
"Inom daw tayo sabi ni Trooper, hindi daw matutuloy pag hindi ka sumama", biro ni Raki.
"Wow ha! Pero sige, sasama ko", tugon ko.
Natapos ang work week at dumating na ang oras ng takdang usapan. Sa bahay ni Alma ang usapan. Malapit lang sa office at may videoke at inflatable pool. Ayos! Sakay ako ni Raki sa kotse nya at si Alma sa kotse ni Trooper. Matagal ng magkasama sa trabaho sina Trooper at Alma. Samantalang kame ni Raki ay parehong baguhan.
Pagdating ay nag-umpisa na kame agad mag-videoke. Unti-unti ding dumaloy ang alak at hindi nagtagal, dahil hindi naman ako malakas uminom, nahihilo na ako ng kaunti. Lumabas ako at naglublob sa pool. Sumunod sila at nagpatuloy ang kwentuhan at tawanan.
Marahil dahil puyat kame lahat dahil galing sa trabaho, unti-unting tumahimik at nakaramdam na ng pagkalasing ang lahat maya-maya lang. Ang sarap ng pakiramdam ng nasa tubig ka at medyo may tama.
Chillax mode: ON.
Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako ng mahigit sampung minuto. Pagkagising ko ay naramdaman kong may kung anuman na malapit sa aking mukha. Nagulat na lamang ako nang matauhan ako at naramdaman ko na hinahalikan pala ako ni Trooper. Nanlaki ang mata ko at medyo naitulak ko sya dala ng pagkagulat ko. Nakita ko na kameng dalawa na lang ang nasa inflatable pool. Nakatingin pa rin sya sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
DECEPTION
Short StorySometimes we deceive the people we love because we are so scared of the truth ourselves.