Chapitre Cinq

7K 263 69
                                    



The Duel


"Hoy, pansin niyo ba?" Biglang tanong ni Kyshin habang naka-tambay kami rito sa kubo.


"Alin?" Tanong ni Crest.


"Na ampanget mo, tanga." Sagot nito kaya agad na sumama ang tingin sakanya ni Crest.


Putangina, magsisimula na naman sila ng bangayan.


"Itigil niyo 'yan." Walang emosyong saway ko sakanila kaya agad naman nilang i-tinikom ang bibig nila.


Nilibot ko ang tingin sa mga kasama kong may kaniya-kaniyang mundo. Si Cyler na seryosong nakikipagusap sa dalawang lalaki, si Sirene na nakikita kong nagnanakaw ng tingin kay Cyler habang may kung anong ginagawa sa laptop niya, si Harm na as usual busy na naman sa pagbabasa ng libro, si Kyshin at Crest na pinag-aawayan ang gitara.


"Ang boring." Nakangusong sabi ko.


"Bigti ka." Nakangising sabi ni Kyshin kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Putangina ka." Inis na asik ko.


"Ari," Tawag ni Harm sa'kin kaya tuwang-tuwa na nilapitan ko siya.


"Bakit?"


"There's a students at the other side of the quadrangle they're playing an electric guitar, why don't you practice with them?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.


Hindi dahil sa sinabi niyang may tumutugtog ng electric guitar sa kabilang side ng quadrangle, kundi dahil ang haba ng sinabi niya.


"Harm, may lagnat ka?" Nag-aalalang tanong ko bago sinalat ang noo at leeg niya.


Agad naman akong napa-layo at napanguso nang bigla niyang tapikin ang kamay ko at tingnan ako ng masama. Narinig ko pa ang nang-aasar na tawa ng dalawang tanga sa likod kaya nilingon ko sila at sinamaan ng tingin.


Nakangusong naglakad ako palapit kay Khaios na tumatawa habang nakikipag-asaran sa kakambal niya.


"Khai," Tawag ko kaya agad itong napatigil at nagtatakang tiningnan ako.


"Why?" Tanong niya.


"Samahan mo ako." Sagot ko kaya agad itong tumayo at lumapit sa'kin.


"Where?"


"Bibili ng pagkain sa cafeteria at maglilibot sa buong school." Ngiting-ngiti sabi ko.


"Ay, bet!" Agad na sagot niya.


"Libre mo." Nakangiting sabi dugtong ko.


"Huwag na pala, kaya mo na 'yan." Akmang babalik na ito sa pagkakaupo niya nang bigla kong nahawakan ang dulo ng blazer niya.


"Khai," Tawag ko sa kaniya bago siya nginitian ng malaki.


"Ayoko, hindi mo ako madadaan sa ganyan." Umiiling na sabi niya.


"Please." I said while pouting and showing him my puppy eyes.


Tiningnan ako nito ng masama. "Fine." Nakabusangot na sagot nito.


Agad ko siyang hinawakan sa kamay at kinaladkad palabas ng kubo. Pinagtitinginan pa kami habang naglalakad papunta sa cafeteria kaya naiinis ako.


"Bakit ba nila tayo tinitingnan ng ganon? Alam kong maganda ako pero parang tanga naman." Reklamo ko na ikinatawa niya.


"Hayaan mo lang, may kasama ka kasing gwapo kaya ganon." Nakangising sabi niya.


Dance The Pain Away Where stories live. Discover now