Snow POVDalawangbuwan ng nasa hospital si Rain, pero hindi parin sya nagigising..
"Rain, naalala mo paba yung una tayong nagkakilala? Alam mo ba dahil sa falling star nagkakilala tayo.. Hindi ko alam na may gusto karin sakin n--.."- pagtingala ko unting unting minumulat ni Rain ang mata nya...
"Sino ka?"- wag kang magpag panic Snow... Intindihin mo muna ang kalagayan nya..
"Hindi mo ba ako naaalala?"
"Bakit ka umiiyak?"- hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko..
"Hindi mo kasi ako naaalala.."- hindi ko na mapigilang humagolhol..
" hoy! Wag kanang umiyak... Sino ka ba talaga?"
"Ako lang naman po ang asawa mo.."
"May asawa na pala ako?? Kwento mo nga pano tayo nag kakilala hanggang kinasal tayo.."
"Sige na nga! Ganito kasi yun.. Nagkakilala tayo sa garden, nahihintay ako palagi ng falling star at para makita ka..blah blah blah...."- yun kwenento ko lahat sakanya..
"Yun pala nangyari... Pwede pala kitang iwan kung gusto ko no?"- may palagay lagay pa sya ng kamay sa baba nya... Na kwento ko na kasi sakanya tungkol sa kasal na pwede kaming maghiwalay kung gugustuhin nya dahil wala syang pirma
"Subukan mo lang.. Malilintikan ka saakin.."- sabay palo ng braso nya.
"Hindi ko alam na may sadista pala akong asa-- aray!!"- bigla syang napahawak sa ulo nya..
"Teka lang tatawag ako ng doctor.."- nagmadali akong pumunta sa nurse station..
"Doc, kamusta na po sya??"- tanong ko sa doctor..
"Mrs. Normal lang na sumakit ang ulo nya dahil unti-unting bumabalik ang alaala nya.. Pupuntahan ko muna ang iba ko pang pasyente.."-
"Anong sabi ng doctor?"- tanong ni Rain.. Nandito na pala parents nya at si mama at papa tinawagan ko kasi sila kanina..
"Normal lang daw na sumkit ulo mo dahil unti-unti ka na daw makakaalala.."- umupo ako sa side ng bed nya ng bigla nya akong niyakap..
"Nakalimutan ka man ng isip ko, hindi ka naman nakalimutan ng puso ko."- at hinalikan nya noo ko.
BINABASA MO ANG
Falling Star (One Shot Story)
Novela JuvenilPag-mamahal ang nananaig kahit kamatayan ang kalaban. Gagawin ang lahat para sa minamahal Pagtitiisan ang lahat ng pagod para sa minamahal. ~Ganyan magmahal si Snow Flake.