5

270 18 10
                                    


"Loves, sino yung nasa labas kanina?"


Para namang nanay ko 'tong si Tricia kung makatanong! 'Yon ang salubong niya sa akin pagbalik ko sa loob ng condo nila at dumiretso sa kusina. Pagkatapos kong sabihan si Flynn na umalis nalang dahil may ginagawa kami ni Tricia sa loob ay sumunod naman agad siya at hindi na nagpumilit na pumasok. Na-convinced ko naman siya na condo ko 'to at nandito si Tricia kaya pumayag nalang siya na umalis na muna.


"Uh... friend lang," simpleng sagot ko sa kanya at tinulungan ko na siyang magluto.


Madali lang naman siya turuan dahil lahat ng sinasabi ko ay sinusunod niya. Nang patapos na kami magluto ay tinulungan ko na siyang mag lapag ng plato sa dining area nila. Tumulong din naman si Aika dahil wala daw siyang magawa.


"Stir fry chicken broccoli?" sabi ni Ate Aika habang nakatingin sa niluto namin.


"Ah, yes...Hindi ka ba kumakain n'yan ate Aika?" Tanong ko sa kanya. Mukha kasing ayaw niya dahil tinignan niya ako tsaka siya tumingin kay Tricia.


"Okay lang naman sa 'kin 'yung luto... but paano si Patty?" Tanong niya at tinuro si Tricia sa tabi ko. "Pescatarian siya, 'di ba? Hindi siya kumakain ng meat and poultry. Nakalimutan mo ba?"


Shocks, oo nga pala. How did I forget about that?


"Ja?" Nilingon ko siya. "I'm sorry, I forgot —"


"No, no, loves," nginitian niya ako ng malapad. "It's okay naman. Makakain ko naman 'yung broccoli and... nagpaturo lang ako sa'yo magpaluto para if ever na wala ka rito, ako ang magluluto kila mama."


"Still..." I sighed. "I'm sorry na nakalimutan ko. We've been together for a year and nagawa ko paring kalimutan."


Bakit? Bakit ako nagu-guilty? Laro lang 'to dapat, 'di ba? 


Laro lang.


"Loves," hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti para pagaanin ang loob ko. "It's okay. Diet rin naman ako kaya okay lang na broccoli ang kainin ko. May natira pa namang —"


"I'm sorry... I'm sorry nakalimutan ko," umiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko. It feels so wrong na ganito ang nararamdaman ko ngayon. It's just a game... pero bakit nagkaka-ganito ako ngayon?


"It's okay, I understand,"inangat ni Tricia ang ulo ko. "Alam ko namang makakalimutin ka, kaya okay lang."


"Hello?" Sabi ni ate Aika bigla at kumaway kaway sa amin. "Nandito pa ako, oh?"


Napalingon kami ni Tricia sa direksyon ni Ate Aika na nakaupo na, hinihintay na lang kami ni Tricia. Nakasimangot nga siyang nakatingin sa amin habang hawak hawak ang kutsara at tinidor sa mag kabila niyang kamay.


"Ang sarap ng luto niyo ngayon, ha?" Ate Aika said habang inaamoy ang niluto namin ni Tricia. "Not to mention, malandi pa 'yung dalawang nagluto na nasa harapan ko. Harap-harapan ba naman akong sinasampal ng pagiging single?"

Beyond The Sunset's RainbowWhere stories live. Discover now