H M O

4 1 0
                                    


"Zoe may tao sa labas. Tignan mo nga kung sino iyon, nag sasaing na ako rito."
Sambit ni mama.

Bumaba naman ako agad. "Teka lang." Tapos natigil ang pagkatok sa pinto.

Sino kaya to?

Pag bukas ko nakita ko ang kaibigan ni kuya na si Axel.

"Oh, hanap mo si kuya?"

Tumango siya sakin. "Oo eh. Andiyan ba siya?"

"Namalengke eh. Pasok ka na muna, hintayin mo nalang siya rito."

"Ma, andito si kuya Axel."

Pinunas ni nanay yung kamay niya sa tuwalya bago lumapit sa amin. "Axel, ilagay mo na rito ang bike mo. Upo ka anak, tubig? Zoe ikuha mo nga ng tubig si Axel. Dito, upo ka muna." Pinagpagan pa ni mama yung upuan bago pa-upo-in si kuya Axel.

"Salamat po. Salamat Zoe." Kinuha niya yung baso sa kamay ko.

"Mag ba basketball kayo?" Tanong ko sa kaniya saka umupo ako sa gilid.

"Oo eh. Papayagan naman siya ni tita no?" Bulong niya sa akin.

Tumawa naman ako. "Oo naman, lalo na kung isasama niyo ako!"

Lumapit siya sa akin tapos inakbayan ako "Okay! Sige!" Tumawa pa siya.

Hala. Hindi ako nagbibiro.

*

"Oh mag-iingat kayo, Axel at Brian kayo na ang bahala kay Zoe. Pag nagkasugat ito kayong dalawa ang i sho-shoot ko sa ring. Iwan mo na rito yung bike mo Axel." Joke ni mama. Pero feeling ko totoo yun. "Zoe, ikaw na ang bahala sa kuya mo saka kay Axel, alam mo naman yang mga yan feeling malakas ayaw magsapin ng likod kaya ikaw na ang magpaalala sa kanila at kapag nakita mo na pawis na sila ikaw na mismo ang mag time out sa game nila para masapinan. Yung tubig ng kuya mo ha. Nasa gilid nitong bagpack. Mag iingat kayo."

Pinasuot na ni mama kay kuya Brian yung bagpack bago kami paalisin.

Wala na kase si papa, kaya si mama sobra rin kapag nag aalaga sa amin. Alam ko rin naman na mahirap talaga magpalaki ng mga anak lalo na kapag wala yung katulong mo. Diba nga sabi sa kanta two is better than one, pero sa lagay ni mama wala na siyang choice.

Gets naman namin ni kuya kung bakit ganiyan ka over protective ni mama.

"Hoy! Tignan mo yung dinadaanan mo!" Sigaw ni kuya doon sa driver ng tricycle na ang bilis magpatakbo, buti nalang nahila ako agad ni kuya Axel.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako sa kaniya bago pakalmahin si kuya, kung over protective si mama di rin papatalo si kuya. Lalo na at lagi siyang pinagbibilinan na ingatan at alagaan ako. Kaya di rin papatalo sa kasungitan itong si kuya.

"Mga tao na talaga ngayon. Mapa matanda o mapa bata, pareho pareho na ng ugali minsan. Nakakainit ng ulo." Sabi ni kuya habang naglalakad kami, tahimik lang kami ni kuya Axel na nakasunod sa kaniya.

"Wala na tayong magagawa paps. Ganun na talaga sila eh, kaya tayo nalang ang maging bigger person. Tayo nalang ang umunawa." Sabi ni kuya Axel, tapos tinatapik-tapik niya pa yung balikat ni kuya habang nasa gilid niya ako. "Diba Zoe?"

Nag thumbs up naman ako sa kaniya.
"Yes! Words of wisdom with kuya Axel and kuya Brian, tara wag nalang kayong mag basketball, mag podcast nalang tayo." Biro ko sa kanila.

Natawa naman sila kaya kumalma na rin si kuya. Akala ko talaga mapapa away na kami.

*

"Good game paps!" Patakbong sabi ni kuya Axel papunta sa akin habang si kuya kasunod niya.

"GG." Tugon ni kuya

Inabutan ko agad sila ng tubig, nagtama pa yung daliri namin ni kuya Axel kaya ngumiti siya sa akin.

"Kuya, panyo oh. Magpalit na kayo ng damit doon, pag kayo natuyuan ng pawis. Ako pa ang papagalitan ni mama."

"Para kang si mama." Joke ni kuya sa akin kaya pabiro rin akong sumimangot sa kaniya.

Napatingin ako kay kuya Axel, tas nakangiti lang siya sa amin, tas tumingin siya sa akin... Tas bigla siyang ngumiti bago uminom ng tubig.

Bakit ganun? Bakit ganto?
Alam ko na naman na kung ano ba yung meaning ng crush, sabi ng kaklase ko, crush is just paghanga mabilis lang mawala.
Pero habang tumatagal, lalo kong napapansin yung mga kilos niya, yung way kung paano niya akong tratuhin..
Alam ko naman na ginagawa niya yun kase best friend niya si kuya kaya ayoko na mag assume. Pero hindi ko rin naman mapigil yung nararamdaman ko.

Parang ayokong aminin, ayoko kase na mas lumala. Pero parang... nagugustuhan ko na ata si kuya Axel???


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hear Me Out Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon