Shunless - 1.1

98 5 9
                                    

** 

HUMINGA siya ng malalim bago pumasok sa loob ng classroom. Pinaghahandaan ang alam na naman niyang susunod na mangyayari. Hawak-hawak niya ang isang plastic bag na naglalaman ng mga notebooks at assignments ng kaklase niya na pinagawa sa kanya kahapon.

Isang malalim na hininga na naman ang pinakawalan niya at tuluyan nang pumasok.

Kung titignan ang loob ng classroom, hindi mo masasabing isa itong private school para sa mga elites, para kasi itong isang dumpsite kung saan itinatapon ang mga basura.

Lahat ng mga estudyante sa loob ay may sari-sariling ginagawa, parang may mga sarili silang mundo na hindi kayang pasukin ng iba.

May naninigarilyo sa isang sulok, mga nagbabaraha, nagmmake up, nag-aaway at kung ano pa.

Napailing nalang siya sa kanyang nakita.

Wala talaga silang kwenta. nasabi nalang niya sa sarili.

Buti nalang at walang nakapansin na pumasok siya dahil alam niyang kukulitin na naman siya ng mga ito.

Humakbang siya para umupo sa pinakaunang upuan. Doon siya ipinwesto ng guro nila umpisa pa lamang ng klase.

Ngunit papalapit pa lang siya ay may natapakan siyang isang bote ng tubig.

*CRRRK*

"Shit!" usal niya sa sarili.

Kahit papaano ay nabigla siya. Unang beses niyang magmura.

Hindi niya akalaing maapektuhan siya sa mga nangyayari sa mga kaklase niya.

Sanay na naman siya sa mga ito dahil araw araw ganito ang dinadatnan niya pero sa araw-araw na papasok siya ay parang bago pa rin sa kanya.

Napansin siya ng isa niyang kaklaseng babae. 

"OMG! Aisha!" nanlalaki ang mga matang tawag sa kanya nito.

Tinignan naman niya ito ng masama.

Ang daldal. bulong niya sa sarili.

Napailing ulit siya.

Napatingin sa kanya ang buong klase.

Nanlalaki rin ang mga mata ng mga itong tumayo at iniayos ang mga sarili.

Lumapit sa kanya ang pinakapresidente ng klase nila at iniabot ang kamay nito na para bang may hinihingi.

Iniabot niya ang plastic bag dito at umupo sa upuan niya.

Parang mga aso namang nagsitakbuhan ang mga kaklase niya sa harapan kung nasaan ang class president.

Isang malalim na buntong hininga na naman ang kumawala mula sa bibig niya.

Nakakailang buntong hininga na ba siya?

Kung kanina'y may mga sariling mundo ang mga kaklase niya ngayon nama'y nasa harapan na niya ang mga ito.

Lahat sila'y nakangiti sa kanya.

"Salamat Aisha! The best ka talaga!" sabay-sabay na sabi ng mga ito sa kanya.

Isang tipid na ngiti ang pumorma sa mga labi niya bilang sagot sa mga ito.

"Users." may narinig siyang bumulong sa tabi niya.

"Kyrren..."(Kay-ren) banggit niya sa pangalan nito. Ang bestfriend niya.

"Tanga ka pa rin talaga." diretsong sabi nito sa kanya at naglakad palabas ng classroom nila.

Sanay na naman siya sa pagtataray nito pero gaya ng nararamdaman kapag pumapasok siya, nasasaktan pa rin siya.

"S-sorry Kyrr." sa huli, iyan nalang lagi ang lumalabas sa bibig niya.

** Lunchbreak

Tahimik na kumakain si Aisha sa isang sulok ng cafeteria ng school nila nang biglang may tumawag sa kanya.

"Aisha!" humihingal itong tumabkbo papunta sa kanya.

Kunot-noong tinignan niya lamang ito.

Ngumiti ito nang matamis bago nagsalita. "Pwedeng humingi ng pabor?" mas lalong lumapad ang ngiti ng babae.

Tinignan niyang mabuti ang mukha ng babaeng ito.

Hindi niya ito kilala pero mukha naman itong mabait.

Gusto niya sanang tumanggi pero hindi niya magawa. Bakit nga ba hindi niya kaya?

Ngumiti siya rito at nagsalita.

"Sige. Ano ba 'yon?" 

Nagliwanag ang mukha ng babae dahil sa sinabi niya.

"Halika. Sumunod ka sa'kin." tumalikod ito sa kanya.

"Tanga." may narinig na naman siyang bulong.

Boses ni Kyrr.

Napayuko nalang siya habang naglalakad.

**

Dinala siya ng babaeng tumawag sa kanya kani-kanina lang sa isang bakanteng room.

"Anong ginagawa natin dito?" nakangiti pa ring tanong ni Aisha sa babaeng humatak sa kanya. Pero hindi niya maipaliwanag kung bakit nakararamdam siya ng kaba.

Humarap ito sa kanya at tinignan siya ng direkta sa mga mata saka biglang... ngumisi?

Nagtaka naman si Aisha sa kinilos ng babae.

Kani-kanina lang parang anghel ito pero ngayon parang naging demonyo nang dahil sa pagngisi.

"B-bakit ka ganyan makatingin?" napaatras si Aisha.

Hindi na niya makita ang mala-anghel na mukha nito kanina tila nilamon na ito ng isang itim na kapangyarihan at naging demonyo.

"May favor ako sa iyo right? So let me tell you what it is."  lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. 

Ano bang gagawin nito sa kanya?

Bigla nalang siyang nakarinig ng mga yabag mula sa likod niya.

At bago pa siya makapagreact, may nagtakip na ng isang panyo sa bibig niya.

Pinipilit niyang kumawala sa mga may hawak sa kanya pero hindi niya magawa.

Hanggang sa nakatulog siya dahil sa gamot na nakalagay sa panyo na nasa bibig niya.

Mas lalong lumapad ang ngiti ng babae sa kanyang mga labi.

Lumapit siya kay Aisha at inilapit ang bibig sa tenga nito.

"Gagawin mo ito. Sa ayaw at sa gusto mo." bulong niya.

Sobrang saya nang nararamdaman niya ngayon.

Alam niyang mangyayari ang dapat na mangyari.

Sumusunod ang lahat ayon sa plano.

"Sige. dalhin niyo na iyan." sumunod naman ang dalawang lalaking nagtakip ng panyo kay Aisha kanina.

Susunod na dapat siya nang biglang magsalita ang isa niyang kasama.

"Sigurado ka bang gagawin niya?" napangisi siya sa tanong ng babaeng ito.

"Oo." sabi niya nang hindi lumilingon.

Napapailing nalang na sumunod ang babaeng kausap niya papunta sa nakaparadang van nila sa likod ng school.

Kinuha nalang niya ang gamit niya na nakalagay sa isa sa mga table sa loob ng room na iyon at saka sumunod sa mga naunang kasamahan.

A/N: Part 1 muna. Bukas ang part 2. :D Haha boring ba kapag 3rd person POV? :3 sinasanay ko lang sarili ko.. Mahilig kasi ako sa 1st person XD Nyt na. Happy 5th months B.K. <3 Loveloveyousomuch. *U*

Shan Aisha Fajardo ----------------------------------------------->

~Siomai

SHUNLESS [SOON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon