Shunless - 1.2

83 1 0
                                    

Nagising si Aisha dahil sa maingay na tunog na narinig niya. Idinilat niya ang kanyang dalawang mata. Kulay pink na  Kisame agad ang bumungad sa kanya.

Kulay pink na kisame? -__________- tanong niya sa sarili at napailing.

Umupo siya sa kama at tumingin sa paligid.

Base sa mga gamit na nandito sa loob, kwarto ito ng babae.

Kulay pink kasi halos lahat mula sa taas hanggang sa baba pati ang mga gamit.

Ang weird naman ng design ng kwartong ito. bulong niya sa sarili.

Nasaan na nga ba siya? Bakit nandito siya? Anong nangyari?

Ang alam niya lang mayroong lumapit sa kanya na babae habang kumakain siya sa cafeteria tapos biglang may nagtakip ng panyo sa mukha niya.

Teka? Nakidnap ba siya?

Nanlaki ang mga mata ni Aisha sa naisip. 

"Kung nakidnap ako, bakit ako nasa kwartong ito?" sabi niya sa sarili na tila nababaliw.

Nagulat na lamang siya nang biglang may pumihit ng doorknob sa pinto sa gilid ng sofa na nasa harap ng kama na hinihigaan niya.

Napahiga agad siya ng wala sa oras at nagpanggap na natutulog.

"Pakawalan mo na siya." ani ng isang pamilyar na boses.

Boses ito ng babae.

Parang siya. 

Ngunit ano'ng ginagawa niya dito?

"The hell are you saying?!" pagalit na sabi ng kausap ng pamilyar na babae.

Hindi alam ni Aisha kung sino ang mga kasama niya sa kwarto, kahit pamilyar ang boses ng unang babaeng nagsalita ayaw niyang paniwalaan ang nasa isip niya. Baka kasi namali lang siya ng rinig. Pero kahit ganoon, alam niyang siya ang pinag-uusapan ng dalawang ito.

"Hindi niya gagawin ang gusto mo dahil uuwi na siya." mariing sabi ng pamilyar na boses, nakarinig siya ng yabag papalapit sa kanya pagtapos.

"HINDI!" sigaw ng kausap nito.

Hindi na niya napigilan at napaupo na siya sa kama.

Tinignan niya ang dalawang babaeng nag-aaway.

Hawak ng isang babae ang buhok ng isa pang babae, nakatalikod ito sa kanya kaya't hindi niya makita ang mukha nito. Nakadagdag pa ang dilim ng kwarto.

Pero naaalala niya ang babaeng nakasabunot sa isa pang babae, ito yung babaeng nanghingi sa kanya ng pabor.

Tama. Siya ang may pakana nito! sabi niya sa kanyang sarili.

Hindi siya napansin ng dalawang ito kaya't lumapit siya para awatin silang dalawa.

Hindi niya talaga mapigilan ang sariling tumulong sa iba.

"Tama n----" napahinto siya nang bigla niyang makita ang mukha ng babaeng sinasabunutan. 

Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa pamilyar na babae.

Kaya pala pamilyar ito. Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa babaeng ito.

Hindi niya akalain na kaya nitong gawin ito sa kanya.

Alam niyang galit ito sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na ang sarili niya pang bestfriend ang sangkot sa pangingidnap sa kanya.

"K-kyrr..." nauutal na sabi niya dito at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha niya.

***

"Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ang inuutos ko." sabi sa kanya ng babaeng nanabunot kay Kyrr kanina.

NAsa tapat sila ng isang school. Alam naman niya ang gagawin pero hindi pa rin niya maiwasang hindi magback out.

Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya.

Ayon sa mga nababasa niyang newspaper, ang school na ito ay hindi ordinaryong school. Isa itong Monster School for Boys.

Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang pumasok dito para lang hanapin ang isang tao.

Bakit kailangan niyang pumasok sa Shunless University?

"Bakit mo ba ito ginagawa?" tanong ni Aisha sa babaeng nasa tabi niya.

"Don't ask. Or else..." pananakot nito sa kanya.

"Oo na. Just don't hurt her." sabi niya at tumingin kay Kyrr na mahimbing na natutulog sa likod ng van na sinasakyan nila.

Gusto niya mang magback out, hindi niya magawa dahil pinagbantaan siya ng nito na papatayin si Kyrr kapag hindi niya ito sinunod.

Nasa teritoryo sila ng babaeng ito kaya't wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sumunod dito.

"Good." ngumisi ito sa kanya. Binuksan nito ang pinto ng van at bumungad sa kanila ang malaking gate ng Shunless University. "Go." wika nito at saka siya itinulak palabas.

Natatakot niyang tinignan ang gate ng school na ito.

Simple lang naman ang kailangan niyang gawin eh. Ang pumasok dito at hanapin ang nagngangalang Sandrio Villaser.

Kinapa niya ang papel na ibinigay ng babaeng iyon sa bulsa niya. Hindi niya alam kung ano ang nasa loob nito pero bilin ng babae na wag itong buksan at ibigay lang sa Sandrio Villaser na iyon.

Napansin naman niyang wala na ang van sa likod niya. Umalis na ang mga ito.

Kinakabahan siya. Alam niyang may mangyayaring hindi maganda.

Pero para sa kaibigan , gagawin niya ang utos ng babaeng kumidnap sa kanya.

Papasok siya sa Shunless University...

Pero may isang tanong na naglalar sa isipan niya kanina pa...

Papaano siya makakapasok nang hindi napapansin ng kahit isang estudyante ng school na ito na nakapasok ang isang babaeng katulad niya?

*************************;

Part II. >_< Late na siya. Sensya. XD Mouahahah. Lychee ~ 

Kada chapter nito ay 3 parts. Wala lang. naisip ko lang siya. XD Para maikli yung kada parts. Hoho ~ 

Dylan Montero  --------------------->

Hanggang sa muli. <3

~ JL

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHUNLESS [SOON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon