CHAPTER ONE

30 4 2
                                    

"Seraaaa!" Naka ngiting sigaw ng kababata ko ng nag lalakad nako papalapit sa kanya.

"Ang aga aga kong pumunta dito kasi ang sabi mo dapat 12 pm sharp nandito nako, kanina pako hintay ng hintay sayo ang tagal mo! Anong oras na? Tignan mo 2 pm na!" Sabi ni Kelly sakin habang naka pout, hahaha na miss ko talaga tong babae na to. Hindi siya nag bago lagi parin niya akong nilelecturan.

"Oo na sorry na, sinabi ko lang yun kasi alam kong mabagal kang kumilos hahaha ayoko din naman mag hintay ka dito ng matagal sa airport eh. But I'm glad you didn't change." Sabi ko sakanya habang naka ngiti, natutuwa talaga ako at naka balik na ulit ako dito

"Anong sorry sorry ka diyan? Hindi ako tumatanggap ng sorry lang! Ikaw ngayon manglilibre dahil pinaghantay mo ko!"

" Alam kong sasabihin mo yan hahaha. Halika na nga, madami pa tayong pupuntahan." Pagkasabi ko nun hinatak ko na siya.

Ako nga pala si Sera Jeong, Umuwi ako ng korea 3 years ago dahil mas pinili ko na doon mag aral, alam kong masakit na mapahiwalay ng tatlong taon sa bestfriend ko pero kailangan eh, pumayag din naman siya tska di kami nawalan ng communication ni Kelly.

"Alam mo ba Sera? May nakilala akong cute na guy kanina sa airport. Gosshhh!! Baka siya na yung destiny ko!" Psh. Destiny? I don't belive in destiny, tao lang din ang gumagawa ng destiny. Tss.

"Tsk. Destiny agad? Paano mo naman nasabi yun?" Lumingon ako saglit sa kanya at ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa daanan, nag insist kasi ako na ako nalang ang mag drive.

"Nag kabungguan kami kanina, nag mamadali kasi ako kasi nga sabi mo kailangan 12 pm sharp nandun nako. Kaya nagmamadali akong bumaba ng kotse at nag kataon na nag mamadali rin siya at tumatakbo din, kaya ayun! Nag kabungguan kami." Sabi niya habang may pakilig kilig pa.

"Ay nako ayun lang eh. Psh."

"Ayan ka nanaman Sera eh! Lagi ka nalang tutol pag dating sa destiny."

"Bakit? Eh sa wala talagang destiny eh, Tao lang din ang gumagawa niyan. Kung hindi ka kikilos dimo makikita ang taong para sayo." Pag eexplain ko sa kanya.

"So anong point mo?"

"Ang sinasabi ko lang, wag kang masyadong umasa sa destiny. Kung hindi ba naiwan ni Cinderella yung isang pair ng sandals niya, mag kakahappy ending pa kaya siya na katulad ng nangyari sa totoong istorya?" Pag eexplain ko ulit sa kanya ng hindi siya tinitignan.

"Ummm, siguro?"

"Oh diba? Walang kasiguruhan? Dimo naman kasi pwedeng sabihin na destiny yun dahil lang parehas ang ginagawa niyo nung araw na mag kita kayo, sa umpisa mo lang masasabi yan na destiny dahil umpisa palang. Pero ang totoo hindi pa siya ang taong karapatdapat sayo, meron pang deserving, at pano naman ang taong yun kung pinagpipilitan mo na destiny mo na nga ang isang tao na nakikita mo pa lang ng lima o pitong beses? At dahil sa pag aakala mong destiny na nga, magugulat ka nalang maiiwan kana mag isa. It's just a coincidence. Not destiny."
Pageexplain ko sakanya at muka naman umuubra ang pag eexplain ko dahil nanahimik siya at mukang nag iisip, tinitigan ko siya saglit at nagulat ako sa susunod na sinabi niya.

"Kaya ba simula nung araw na yun, Kinalimutan at iniwan mo siya? Dahil alam mong may mas better pa sa kanya? Na dahil alam mong hindi pa siya ang taong yun?" Natulala ako sa sinabi niyang yun, hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun.

"A-ah A-ano... I mean --"

"Nandito na pala tayo Kelly." Naka ngiti 'kong sabi sakanya at Pag puputol ko na din sa dapat sasabihin niya. Ayoko ng marinig pa ang bagay na matagal ng nabura at nag laho.

"A-ah... O-oo nga! Hahaha, Halika na!" Sabi niya sabay nag madaling lumabas ng kotse, matagal na nung huli namin tong binisita.

Talagang malaki na nga ang ipinagbago ng lugar na ito, makikita mo ang malaking fountain sa gitna ng daanan na datirati lang ay upuan lang ang meron dito, makikita mo din ang iba't ibang uri ng nag gagandahang bulaklak sa gilid na may nakasulat na "Don't Pick Flowers" na datirati lang ay puro puno at damo lang. Hindi mo nga maiisip na isa pala iyong hardin. Ngunit kung pagmamasdan mo siya ngayon para na siyang paraiso sa ganda.

"Napakalaki ng ipinag bago nuh? Datirati lang malaya tayong nakakapag laro dito kahit saan tumakbo ayos lang, pero ngayon parang mas gugustuhin mo nalang titigan ang buong paligid dahil natatakot ka na baka sa isang maling apak mo maapakan mo ang isang magandang bulalaklak na tahimik na nakatayo kasama ang iba pang nag gagandahang bulaklak, natatakot ka na baka masira ang malaparaiso na nakikita mo." Sabi ni Kelly na naka tayo sa tabi ko, di parin ako maka alis sa kinatatayuan ko dahil tama ang sinabi niya, sa sobrang ganda ng nakikita ko ngayon parang mas gugustuhin ko nalang na titigan ito dahil baka sa maling apak ko may masira ako na ikinagaganda ng malaparaisong lugar na ito.

"Tama ka Kelly, ibang iba na nga ang lugar na ito. Kahit saan ako tumingin walang bakas ng nakaraan akong nakikita, lahat nag bago, lahat gumanda." Sabi ko ng hindi siya tinitignan at naka tingin parin sa paligid.

"Ate Kelly! Sino yang babaeng kasama mo?" Napatingin ako sa batang hinahatak hatak ang dulo ng damit ni kelly.

Hindi parin siya nag babago, kung ano ang itsura niya ng huli ko siyang nakita ganun parin siya lumaki nga lang siya ng kaonte.

Lumuhod ako para kahit papaano maging pantay kami, hindi parin siya bumibitaw sa pag kakahawak sa dulo ng damit ni Kelly.

"Hello Mae, ako to si ate Sera. Natatandaan mo pako?" Sabi ko sa kanya ng nakangiti, nakatitig lang siya sakin na tila ba sinusuri niya ako.

"Mayron isang bata, umiiyak sa gilid nilapit ko siya biglang tumakbo naman. Sayang lang pag punta ko nilayuan lang ako--"

"Bibigyan ko sana ng candy kaso tumakbo naman!" Sinabayan niya yung kinakanta ko, Ako ay may lobo ang tune ng kantang iyon kinanta ko yun sakanya dahil nung unang araw na mag kita kami umiiyak siya.

*FLASHBACK*

"Dika pwede sumali samin! Sa tuwing kasama ka namin ikaw lang ang pinapansin ng iba!"

"Pero sasali lang naman ako sa inyo eh, wala akong kalaro." Rinig kong usapan ng apat na bata.

"Di pwede! Inaangkin mo lahat lagi! Puro nalang ikaw!" Rinig ko ulit, kaya hinanap ko kung san nang gagaling yung away na yun at nang makita ko may tatlong bata na pinag tutulungan ang isang batang maliit.

"Hindi ka dapat dumidikit samin!" Sabi nang bata sabay tulak sa maliit na batang pinatutulungan nila, Napaupo sa lupa yung maliit na bata na kanina lang ay pinagtutulungan nila.

"P-pero *sob* S-sa sali lang naman ako *sob* S-sa *sob* Inyo eh." Sabi nung maliit na bata habang umiiyak pero laking gulat ko nung bigla siyang sipain nung isa sa tatlong bata.

Nung akmang lalapitan ko na sila biglang tumakbo yung maliit na bata habang umiiyak. Nilapitan ko yung tatlong bata.

"Alam niyo bang bad yung ginawa niyo? Umiyak siya... Diba sabi nila dapat daw nag mamahalan?" Sabi ko sa kanila sa mababang boses.

"Pero pag kasama po kasi namin sya lagi nalang siya yung napapansin." pag papaliwanag nung isa.

"Pero kahit na, dapat hindi kayo nag aaway away. Hingi dapat kayo ng sorry." Pag katapos kong sabihin yun, nginitian ko sila at hinanap yung maliit na bata.

Nakita ko siya sa ilalim ng lamesa nasa gilid lang siya habang umiiyak malapit sa puno, nilapitan ko siya pero bigla siyang tumakbo. Kaya napatingin nalang ako sa candy na hawak ko.

*END OF FLASHBACK*

"Ate Sera!" Bibong sigaw niya sabay yakap sakin.

"Namiss kita Mae, medyo tumangkad ka ah" pag bibiro ko na dahilan naman para tumawa kaming tatlo. Hinatak na niya kami at nag simulang makipag laro sa iba pang bata. Oo tama, nasa bahay ampunan kami. Dito kami madalas pumunta noon, binibisita ang mga bata at tumutulong sa iba't ibang gawain dito.

"Sera?" Rinig kong tawag mula sa likod ko, pag ka harap ko nagulat ako sa nakita ko...

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon