CHAPTER TWO

34 3 4
                                    

"Sera?" Rinig kong tawag mula sa likod ko, pag ka harap ko nagulat ako sa nakita ko...

Hindi ako makapag salita, tinititigan ko parin siya, alam ko halata sa muka ko ang pagkakagulat pero wala na akong pake. Ang hindi ko lang maipaliwanag eh ang lakas pa ng loob niya na tawagin ako sa pangalan ko pagkatapos ng lahat.

"M-mina?" Sagot ni Kelly na napaharap din sa tinitignan ko, bakas din sa muka ni Kelly ang pagkakagulat.

"Ummm, Ano kasi naisipan ko lang na bisitahin ang mga bata ngayon, K-kasi --"

"Kasi what?! From what I know simula nung araw na yon hindi kana ulit bumisita dito! At ngayon nandito ka? Wow! What a coincidence! Ang bilis naman yata ng balita at naka dating agad sayo! Kanino mo naman narinig na ngayon ang Balik ni Sera dito?! Balak mo bang manggulo nanaman?!" Sabi ni Kelly na ikinagulat ko din, alam kong nagulat din si mina sa sinabi niya dahil halata iyon sa muka niya.

"A-ano kasi... Nakita ko kayo kanina sa airport, kaya naisipan kong pumunta dito dahil alam kong pupunta talaga kayo dito --"

"At bakit?! Para guluhin ulit si Sera? Ang kapal din ng muka mo eh nuh? Pag katapos ng ginawa mo may lakas ka pa ng muka na humarap dito"

"H-hindi! Nandito ako para sana makausap si Sera" Napataas ang ulo ko na kanina lang ay naka yuko.

Anong sabi niya? Maka usap ako? Nagpapatawa ba siya? Sa tingin niya ganun kadali yun?

"Ang kapal din pala ng muka mo eh! Ngayon ka mag eexplain?! Ang lakas ng loob mong--" diko na pinatapos pa ang sasabihin ni Kelly at sumabat nako, dahil talagang gusto ng sumabog ng dibdib ko.

"Noon sana pwede pa, pero dimo ginawa. Noon mo pa sana sinabi ang lahat nung mga araw na hinahanap ko ang dahilan, pero ngayon? Sorry pero ayoko ng marinig pa yun" Pag kakasabi ko nun hinatak ko na si kelly at nag paalam na kay Sr. Claudia na aalis na kami.

Pagkasakay na pagkasakay namin hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw nalang ako sabay humagulgol ng iyak. Ramdam kong naka tingin sakin si Kelly pero alam kong hindi yan magsasalita dahil sa tuwing umiiyak ako pinapabayaan niya lang akong umiyak at ubusin ang lahat ng sama ng loob ko, tanging si Mina lang kumakausap sakin sa tuwing umiiyak ako.

Bestfriend ko si Mina noon, halos tinurin ko narin iyong kapatid; silang dalawa ni Kelly. Ayokong umaalis na hindi ko sila kasama laging gusto ko nasa tabi ko lang sila dahil nasanay ako na simula pag kabata ay kasama ko sila.

Sa tuwing umiiyak ako si Mina ang kumakausap sakin samantalang si Kelly naman tahimik lang na hinahagod ang likod ko.

Tahimik lang si Kelly sa tuwing umiiyak ako dahil daw baka pag nag salita siya eh makadagdag pa daw siya sa sama ng loob ko. Pero si Mina naman ay kabaliktaran ni Kelly, kapag umiiyak ako di niya kayang pigilan ang sarili niya na hindi ako kausapin at mag salita kaya nga madalas kapag umiiyak ako nakakapag sagutan kami, at si Kelly naman ang umaawat. Laging sila ang karamay ko, hindi nila ako iniiwan sa mga araw na kailanganin ko sila, at ganun din naman ako. Kaya hindi ko inaasahan na magagawa niya iyon saakin, ang sakit lang kasi...

Sa dinamirami ng gagawa sakin nun bakit siya pa?

"Bakit siya pa?" Tanong ko habang pinipilit ko ng itigil ang mga luha na kanina pa kumakawala sa aking mata, pero wala akong nakuhang sagot pabalik. Inasahan ko na talaga yun dahil alam kong hindi talaga sasagot si Kelly.

Sampung minuto din siguro kaming nanahimik sa loob ng kotse at nang medyo okay na ako, biglang nag salita si Kelly.

"Ako na ang mag dadrive, mag pahinga kana muna diyan" sabi niya sabay kuha ng susi at pinaandar ang kotse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon