Issues About Parents

8 0 0
                                    

Chapter Four : Issues About Parents

Bata pa lamang ako, hindi na ako malapit sa magulang ko. Hindi ako nakakapag open ng problema sa kanila dahil nahihiya ako dahil alam kong di naman nila ako matutulungan. Sa buhay ko, never kong naramdaman ang comfort nila. Pag napapagalitan nila ako, iniiyak ko nalang ito. Sa nga pangyayari madalas sabihin nila sa akin na "pangit ako, maitim, gandang-ganda sa sarili, maarte, at kung ano-ano pang masasakit na salita na hanggang ngayon ay natatandaan ko pa at hinding-hindi ko makakalimutan.

Noong Grade-VI ako, may film showing kami noon. Sinundo ako ng mga kaibigan ko sa bahay namin. Sa di inaasahang pagkakataon, napahiya ako sa harap nila. Pinalo ako at sinabihan ng kung ano-ano ni Mama. Laking pasasalamat ko dahil may mga kaibigan akong nag cheer-up sa akin noon. Hiyang-hiya talaga ako noon.

Madalas nilang sinasabi na "sana di nalang nila ako naging anak" Hindi naman ito issue sakin pero ang sakit na nararamdaman ay pang habang-buhay. Ang sakit na ramdam na ramdam mong pinagsisisihan nilang naging anak ka nila.

Noong recognition namin, sabi ng honorable guest namin "lahat daw ng magulang ay sinusuportahan ang kanilang mga anak, dapat daw sila ang pinakanagagandahan/naggwapuhan sa kanilang mga anak" itaas daw ang kamay ng walang ganoong magulang. Sa sitwasyon, hindi man ako nag taas ng aking kamay, ramdam kong isa ako sa sinabi ng aking guest.

Maraming pagsubok man ang aming kaharapin, maaaring tutulungan ako/tayo ng Diyos para malagpasan ito. Gaano man kasasakit ang bitawang mga salita ng ating mga mahal sa buhay, dapat matuto pa rin tayong magpatawag. Ang Diyos nga nagagawang magpatawad, tayo pa kaya?

Naniniwala akong dadating din ang araw na mararamdaman ko ang labis na pagmamahal ng aking magulang. Dadating din ang panahong makakapag open na ako ng problema sa aking mga magulang. Alam kong wala pa lamang aki sa tamang edad para lubos maintinduhan ang mga pangyayari.

Ang tanging tanong lamang na paulit-ulit pumapasok sa aking isip ay ang "bakit sa lahat sakin lamang sila tumrato ng ganito?" Ang aking mga kapatid noong nasa ganitong edad pa lamang ay lubos ng nakakasalamuha ang aking magulang. Naiinggit ako sa kanila. Alam kong masama pero wala akong magagawa.

Aamining kong may mali ako sa mga nangyayari sa pagutan ko at ng aking mga magulang. Lagi man nila akong sinasabihang "papansin" "pampam" "itahimik ko ang bunganga ko" at marami pang iba alam ko sa puso ko na may kaunti silang pagmamamahal sa akin. Mahirap bang intindihin na kaya ko lamang sila laging kinakausap ay dahil gusto kong makapag simula ng conversation sa kanila?

Ok lang. Sabi nga "love is all about suffering" I am willing to suffer for my family.

Masyado nga yatang mapaglaro ang tadhana.

Pero hindi ako susukong umayos ang aking buhay.

Everything has a right time.

Right time for different stories.

We must learn how to wait.

A/N : Hi guys! How's summer? Hoping you are enjoying it. Enjoy every moment. Learn to treasure it. God bless. Spread the vibes guys.

All Rights Reserved 2015

Mind the Business of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon