Raegan's POV
"Waelford!" Sigaw sakin ng prof.
Nagising naman ang diwa ko. "P-po?"
"Ugh! You're not listening again! Pay attention Ms. Waelford, kung ayaw mong ma-detention mamaya!" Bulyaw niya sakin.
"Kay." Maikli kong sagot at inirapan siya. Hmp.
Okay, my name is Raegan Kate Waelford. Seventeen, 1st year college taking BS in Tourism. Blah blah blah. Fine. Mataray ako, maldita. So what? May ipapagmaldita naman ako eh. Pero don't worry, sa mataray lang ako nagtataray. ;)
"Uy bebe. What happened ba?" Bulong sakin ni Hailey since baka pagalitan kami ng prof taray namin.
Si Hailey Mitchigan, isa sa mga bestfriends ko. Siya lang din ang nag-iisang bestfriend ko na kaparehas ko ng course, at luckily, ka-blockmate ko.
"Uhh. Wala." I half-heartedly answered.
"Wala means meron in your language. So tell me, ano yun?" She insisted.
"Okay fine. You know me well. Pero wala talaga to. Nothing important."
She gave me a death glare. Have I told you na mas Amazona to kesa sakin?
I sighed in defeat. "It's just about my dream kagabi."
"Ahh. Pero nakokontrol mo naman diba?" Tanong niya. Isa siya sa mga nakakaalam na isa akong lucid dreamer.
"Iba kagabi eh. I can't control it. May ibang kumokontrol. I think it was that guy, he----"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "Oh my God, a guy? Anong itsura niya be? Gwapo ba? Geez, tell me!"
Napailing ako. That's Hailey, Amazonang mahilig sa mga lalaki.
"Hindi ko makita ang mukha niya. Pero he's wearing a black tuxedo." Sabi ko.
"Tuxedo? As in like Christian Grey?!" Hala. Tuwang-tuwa? Nga pala, she's a fan of Fifty Shades of Grey na movie. I'd better read the novel, thanks.
I groaned. "Stop being a fangirl."
"Nagtatanong lang eh." She pouted. "So, ano naman at nababagabag ka dun?"
"Dudeee! Unang-una, kontrolado niya ang panaginip ko!"
"At pangalawa?" Tumaas ang kanang kilay niya.
"He kissed me." Napakagat ako ng labi ko nang maalala ko yung panaginip na yun.
"Yun lang pinuputok ng buchi mo? That was just a dream, Rae." Sabi niya.
"Oo nga, panaginip lang yun. But it seems so....real." Sabi ko.
"Lucid dreams are opaque dreams kaya para talagang totoo, duh?" She rolled her eyes heavenwards.
Hindi na lang ako nagsalita. I can't explain eh. Hindi ko din maidedefend ang sagot ko. Ang alam ko lang, hindi siya basta basta lucid dream ko.
May kung ano o kung sinong kumokontrol sa panaginip ko. His touch, his kiss, everything seems real. Bakit ba napakamisteryoso niya?
See you again tonight babe.
Kinilabutan ako nang maalala ko yung last na sinabi niya. See you again tonight. Ibig sabihin makikita ko siya ulit mamaya sa panaginip ko? Ano kaya ang mangyayari?
-
A/N:
Another chapter. Tee-hee. Abangan ang sizzling scenes sa mga susunod na chapter. Vomments anyone
BINABASA MO ANG
Wild Dreams [SPG]
RomanceGabi-gabi tayong nananaginip. Kada tao ay may iba-ibang panaginip. I am a teenager at nananaginip din tulad ng iba. But a different kind of dreams. Normal kaya ako? Normal ba na ang isang babaeng tulad ko ay nananaginip ng mga wild na bagay? Normal...