PROLOGUE
Bilugan ang buwan. Tanging ito lang ang nagbibigay ng ilaw sa daan.
Naglakas ng loob ang magbabarkadang sina Coleen, Diane, Nadine, Celina at Emma na pasukin ang isang sementeryo. Susubukan nila kung totoo ang kwento tungkol sa Bloody Mary na matagal ng usap-usapan. Doon kasi nila naisipan gawin iyon dahil alam nilang malakas ang mga espirito roon.
"Huwag na kaya nating ituloy," natatakot na sabi ni Emma habang nasa likuran ng apat na kaibigan. Siya ang pinakaduwag sa mga ganitong bagay. Hindi niya kayang makakita ng multo o kung anumang nilalang.
Pinagpapawisan ang kanyang noo kahit na malamig sa lugar dala na rin siguro ng sobrang takot. Nangangatog din ang kanyang mga tuhod na anumang oras ay maaari siyang maihi.
"Nandito na tayo! Ngayon pa ba tayo aalis? Sayang effort, ah. Tumakas pa naman ako kina mommy. Walang magbabackout!" maawtoridad na sabi ni Coleen, ang kinikilalang lider ng grupo. Nanahimik na lamang si Emma sa likuran dahil sa mga sinabi ni Coleen.
Wala na silang magagawa dahil sa utos na rin ni Coleen na siya namang laging dapat na masunod. Nagpatuloy na lang muli sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa destinasyon. Sa gitna ng sementeryo ay may makikitang lumang simbahan. Doon sana nila balak gawin ang ritwal.
"Ang baho naman dito. Eeww!" maarteng turan ni Diane sa mga puntod na nakapaligid sa kanila. Mga bukas na nitso, mga nagkalat na buto at bungo at mga nabulok na bulaklak ang nasa kanilang paligid.
"Huwag ka ngang maarte. Magiging ganyan ka din someday," birong sabi ni Celina kay Diane.
"As if naman. Ako ang magiging pinakamagandang bangkay in the world," pagmamalaki ni Diane.
"Ikain mo na lang yan."
Tanging ingay lang na likha ng kuwago at paniki ang maririnig sa lugar. Malamig na hangin ang dumadampi sa balat ng bawat isa kaya't nagsitaasan ang kanilang mga buhok sa katawan.
"Creepy!" ani Emma.
Ilang minuto lang ay natunton na rin nila ang lugar. May kalumaan na ang lugar dahil na rin sa kapabayaan nito. Sira-sira na ang mga bintana nito at nilulumot na rin ang mga haligi nito. Gayon din ang malaking pintuan niyo na animo'y napag-iwanan na ng panahon.
Hinawakan ni Coleen ang malaking pintuan ng simbahan sabay itinulak. Umalingawngaw ang napakalakas na pag-ingit nito.
"Aaaaaahhhh!!" sabay sabay nilang tili. Lumabas mula sa loob ang isang itim na pusa. Nanlilisik ang mga mata nito sa kanila na tila nagpapahiwatig na huwag silang pumasok. Nakatayo rin ang purong itim na balahibo nito kasabay ang paglabas ng mga matatalim na kuko.
"Guys, no quitting. Pusa lang yan. Andito na rin naman tayo," ani Coleen sa apat. Nagkatinginan na lang ang lahat at buong tapang na pumasok sa lumang simabahan.
Sira-sira ang mga upuan sa loob ng simbahan. Wala ring kailaw-ilaw na tanging ang nagbibigay lang rito ng ilaw ay mula sa flashlight na hawak-hawak nila at ang liwanag mula sa buwan n dumadaan mula sa bintana.
Nilibot nila ng tingin ang kabuuan ng simbahan. Agad nilang ipinwesto ang kanilang mga gamit para sa kanilang gagawin na pagtawag kay Bloody Mary. Kumuha sila ng itim na kandila saka sinindihan at humarap sa salamin matapos iyon.
"Are you ready guys?" tanong ni Coleen na siyang nasa gitna at may hawak ng kandila. Nasa likod lang ang kanyang mga kaibigan na pinipigilan ang mga sarili na matakot. Binanggit niya ang unang bloody mary.
BINABASA MO ANG
Seeking Bloody Mary (Published Under VIVA-PSICOM)
رعبHindi lubos akalain ni Emma na sisingilin sila ng kanilang nakaraan matapos ang sampung taon dahil sa pagtawag sa Bloody Mary. Ngayon, buhay nila ang magiging kabayaran sa kanilang pagkakasala. Ano ang kaya nilang isugal?