“Anak, anong oras na, ako na ang bahala sa mga kapatid mo..” Sigaw ni Papa mula sa ikalawang palapag ng aming bahay. Siya na kasi ang naghanda ng mga uniforms ng kapatid ko at ako naman ang naghanda ng makakakain nila. First day ngayon kaya kailangan ay hindi kami ma-late. Pero alam naman natin na kung kailan talagang kailangan on-time saka pa na-l-late.
“Pa! Ayos lang, patapos na ako sa paghahanda ng lunchbox nila. Nakahanda na rin po ang agahan.” Dali-dali ko ng inayos ang aking mga gamit. Kumuha na lang ako ng sandwich na ginawa ko saka dali-daling kinain. Maya-maya ay narinig ko na ang mga hakbang nila pababa.
“Oh, bakit suot mo na bag mo? Aalis ka na ba?” Nagtatakang tanong ni Papa. Isa-isa niya ng pinaupo ang mga kapatid ko.
“Opo pa, aalis na ako, anong oras na rin kasi..” Tiningnan ko ang oras sa relo kong halatang luma na. Kahit naman luma na ay maayos pa rin ito at sadyang matibay. Ito ang huling regalo ng ina ko kaya ay iniingatan ko ng sobra.
“Ate, hindi ka ang maghahatid sa'min ngayon?” Tanong ng kapatid kong babae, siya ang bunso namin at nasa ikatlong baitang pa lamang siya. Patuloy ako sa pag-lilinis ng sapatos ko at pati nila.
“Oo Velle, pero si papa naman maghahatid sainyo kaya ‘wag kang mag-alala.” Narinig ko naman ang pag-yehey ng kapatid ko, mas gusto pa atang si Papa ang maghatid sa kanila.
“Ako na kaya maglinis niyan? Mukhang nagmamadali ka na kasi ate, madali lang naman maglinis ng sapatos. Hayaan mo na dyan.” Maya-maya ay narinig kong nagsalita ang kapatid kong sumunod sa akin. Nasa ikahuling baitang na siya ng elementarya at nagpapasalamat ako na kahit lalake siya ay hindi niya napapabayaan ang pag-aaral. Sa katotohanan nga ay siya pa ang mas matalino kaysa sa‘kin.
“Hindi na, madali lang nga kaya kaya ko na. Ang intindihin mo na lang ay ang pag-ubos ng pagkain mo diyan dahil anong oras na ‘di ba?” Sinuot ko na ang sapatos nang matapos ko ng linisan ang lahat.
“Papa! Bakit hindi ka pa kumakain? Don't tell me ihahatid mo muna sila bago kumain?” Nameywang pa ako na tila pinagsasabihan ang ama. Napailing at natawa na lang si Papa. “Pa! Huwag ka ng makulit, kumain ka muna. Kahit ‘yung sandwich lang tapos ay magkape ka or maggatas..” Binaba kong muli ang aking bag.
“Ano ka ba naman anak, mabilis lang naman ang paghatid sa kanila. Mamaya baka ma-late pa ang mga kapatid mo.” Lumapit ako sa kanila saka kumuha ng sandwich. Nagtimpla na ako ng kape saka sakaniya binigay ‘yon. “Pa, huwag ka ng tumanggi. Masama ‘yan ‘di ba? Kumain ka muna, desisyon ako pa.” Natatawang kinuha na lang iyon ni Papa. Natawa na lang din ang mga kapatid ko dahil ganoon talaga lagi ang eksena. Kailangan pang pilitin ni Papa bago kumain ng agahan.
“Nakakain ka na ba?” Tanong sa‘kin ni Papa nang sinuot ko na ang bag.
“Opo pa, nakakain na ako kaya kumain ka na rin po. Aalis na po ako ha? Ingat po kayo mamaya. Bye!" Mabilis na akong tumalikod at kumaway sa kanila. Mabilis kong sinuot ang helmet ko at sumakay na sa motor kong bago. Sadyang pinag-ipunan pa talaga ito ni papa para pang-regalo sa'kin noong nakaraang buwan dahil kaarawan ko. Napangiti ako dahil talagang kilalang-kilala ako ni papa. Bukod sa paborito ko ang kulay ay ito rin ang pinakagusto kong model ng motor.
Pinatakbo ko nang medyo mas mabilis sa normal kong pagpapatakbo ang motor dahil baka nga'y ma-late ako kung hindi ko bibilisan. Maingat pa rin naman ako kahit papaano. Lalo na't bago itong motor. Ayokong magasgasan o di kaya'y masira agad. Mahal ito kaya dapat lamang na ingatan. Lalo na ang buhay. Hindi pa naman ito nabibili. Kung sana nga ay may market lang kung saan pwede kang bumili ng unlimited life, tiyak walang mamamatay na tao. Sino ba ang gustong mamatay, 'di ba?
Napalingon ako sa kanan nang may mabilis na kotse ang papalapit din. Muntik na akong matumba nang bigla kong ni-break ang motor upang hindi kami magkabanggaan. Grabe 'yung tibok ng puso ko nang dahil sa nangyari. Akala ko ay magiging katapusan ko na at ng motor ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/296025772-288-k354942.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Her Like How You Love Me
Teen FictionWhen you are dying, and your life seems to turn gray but someone gave colors to it, it became harder to leave. Love is a wonderful feeling that makes a person's lifespan longer but we all know that death is inevitable. We can't just live an endless...