Chapter XXIV - Goodbye

53 10 0
                                    

Past

Nang mapakalma ko na ang sarili ko, hinarap ko si Time Keeper. "Thank you." halos pabulong na sambit ko.

"Para saan naman?" tanong niya.

"Sa pagdamay sa akin." sagot ko naman.

"Tsss, wala lang 'yon." nakangiting tugon niya.

Nabalot ng sandaling katahimikan ang paligid namin hanggang nag-umpisa magsalita si Time Keeper. "Andrew Sand, may nagawa kang labag sa batas ko."

Napakunot ako ng noo. "Batas mo? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko. "At kailan ka pa nagkaroon ng batas?" dagdag ko pa.

"Una, May sinabi ka kay Hulya na hindi pwedeng sabihin, 'yon ay sabihin ang pangyayari na hindi pa nagaganap sa panahon na 'to. At pangalawa, matagal na kong may batas na ganun." bigla siyang napakamot ng ulo. "Nakalimutan ko lang sabihin."

Inis ako na pasapo sa ulo. Lumabag ako sa batas niya na hindi ko alam na nag-e-exist pala. Maiiwasan ko sana 'yon kung sinabi niya sa 'kin ang tungkol doon. Kahit kailan talaga nakakainis 'to si Time Keeper.

"Batas mo 'yon at sa ganung kaimportanteng detalye paano mo nakalimutang sabihin sa 'kin 'yon, ah?" taas kilay sambit ko sa kanya. "Anong klase ka ba talagang nilalang?!"

"He-he-he. Relax ka lang, Andrew Sand." napahawi siya ng buhok. "Anyway, dahil lumabag ka sa batas ko kailangan mo harapin ang consequence nun."

Napakunot ako ng noo. "Ano?! Hindi ko naman alam na may batas kanh ganun, ah. Ngayon mo nga lang sinabi sa 'kin 'to tapos kailangan ko harapin yung consequence mo. Unfair ka naman."

Ibang klase rin ang talent nito ni Time Keeper e kaya niyang baguhin sa isang iglap lang ang mood ko, mula sa pagiging malungkot ko napalitan niya na 'yon kaagad ng irita at sobrang inis. Hay! Grabe, siya!

Ningisian niya ako. "Walang unfair sa batas, Andrew Sand."

Pero ganito na talaga si Time Keeper at kahit ganito ang ugali niya, gugustuhin ko pa rin siya maging kaibigan.

"Don't be so unreasonable, Time Keeper."

"Mababawasan ang oras mo." he suddenly said.

"Ilan?" I askes, curioused.

"Hindi na sapat ang oras mo, Andrew Sand." tanging sagot niya lang sa 'kin, na hindi man lang niya pinapansin ang tanong ko.

* * *

Kanina lang nasa kwarto ako kasama ang nakakairitang nilalang na 'yon. Ngayon, hindi ko maunawaan kung paano ako na punta sa labas ng bahay namin pero isa lang naman ang sagot sa kababalaghan na 'to e. Si Time Keeper.

Napabuga tuloy ako ng hangin. May sinasabi siya na kunti na lang ang oras ko 'yon yata ang consequence niya dahil sa paglabag ko raw sa sinasabi niyang "batas". Hay naku! Saan ba talaga galing ang nilalang na 'yon?!

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid ko. Tahimik at masyadong madaliim sa daan. Wala ring masyadong tao ang dumadaan. Sabi ng utak ko na bumalik na lang ako sa loob ng bahay namin pero ewan ko ba kung bakit hindi sumunod ang katawan ko sa gusto ng utak ko, wala kasi ako sa sariling lumakad hanggang makarating ako sa gitna ng kalye.

"SAND!" isang nakakakilabot na sigaw ang nagmula sa likuran ko. Agad ko nakilala ang boses na 'yon. Si Mama.

Lilingon na sana ako pero may sumilaw sa mata ko kaya hinarang ko ang kamay ko sa liwanag upang makita kung anong bagay ang nagpapasilaw sa akin

TickingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon