Past: Part 2
"This is so depressing." saad ni Mama sa sarili saka siya sumalampak ng upo sa sofa at hinilot-hilot niya ang sintido niya.
"What happen?" tanong ko habang nanonood at kumakain ng popcorn.
"Hindi naibigay ni Mr. Castro ang blueprint na ginawa niya dahil nawala raw ito ng biglaan." napailing si Mama. "Such a lame reason, kaya tinaggal ko na siya at maghahanap nanaman kami ulit ng panibagong architect." dagdag niya pa.
Tumungo na lang ako na akala mo wala ako alam sa nangyari pero ang totoo iyan na sa akin ang blueprint ni Mr. Castro, ama ni Marie, kinuha ko 'yon kahapon pa at nagawa ko na nga iyon sunugin kanina.
"Kamusta naman ang pag-tutor sayo ni Hulya?" tanong ni Mama habang nanonood na rin siya ng TV.
Lumingon ako sa kanya. "Ma, bakit hindi mo sinabi na yung tutor ko na si Hulya at yung kinupkop natin seven years ago na batang lalaki ay iisa?" biglaan ko tanong sa kanya. Kung sinabi niya lang kasi ang tungkol dun edi sana hindi ako nakipagtalo sa kanya tungkol sa pagkuha ng tutor ko, 'no.
Tinaasan niya ako ng kilay "I though you knew."
"Now you know I don't."
"Hindi mo man lang namukhan si Hulya." takang tanong niya.
"Ma, nakita mo ba ang itsura ngayon ni Hulya, ibang-iba na siya. Dati naman hindi siya baduy kung manamit, hindi rin naman siya nagsosout ng salamin at wala naman siyang brace dati, kaya paano ko naman makikilala siya kung iba na ngayon ang itsura niya." saad ko.
Tumungo-tungo si Mama. "Oo, iba na nga ang itsura niya pero hindi naman siya nag-iba ng pangalan ah."
Napasinghap ako. "I just forget about him for awhile. Anyway, ang importante naman alam ko na, na siya yung Hulya-ng kinupkop natin seven years ago." nakangiting sambit ko.
"Are you gald that Hulya is back?"
Tumungo na lang ako bilang tugon at ningitian na lang ako ni Mama.
"Okay, I go to bed now. 'Wag kang magpuyat Sand may pasok ka pa bukas ng maaga." paalala ni Mama.
"Yes, Ma." tugon ko tapos umakyat na si Mama patungo sa kwarto niya.
***
Muli ako naka-receive ng tulip at teddy bear, napabugtong-hininga tuloy ako habang hawak-hawak ko yung bulaklak at yung stuff toys. Sinabi ko naman kay John na tigilan na ang panliligaw sa akin dahil may gusto na kong iba pero patuloy pa rin siya sa pagbibigay.
"Oh, kala ko ba tumigil na sa panliligaw sayo si John. So, what's the meaning of that?" turo ni Bianca sa hawak ko.
"Hindi siguro siya marunong makaintindi." sakristo kong sambit.
Napabugtong-hininga si Bianca. "Bakit kasi hindi na lang si John ang piliin mo, 'wag na yung first love mo na baduy naman."
"Watch it, Bianca!" I warned. "Hindi importante sa akin yung itsura. Basta mahal ko siya. Tapos!"
"You weird, Drew." at napailing-iling na lang siya sa akin.
Sinabi ko kaila Joyce at Bianca ang tungkol sa nararamdaman ko kay Hulya. Noong una ko makita si Hulya alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya hanggang sa nauwi sa pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. Siguro nga bata lang ako nun pero ngayon nasa tamang edad na ko naitindihan ko na, na hindi lang talaga basta-basta crush or puppy love (or whatever you could called that) ang nararamdaman ko para kay Hulya, noon, dahil totoo ngang mahal ko siya. Totoo ngang na-inlove ako sa kanya, noon at hanggang ngayon. Hindi nga makapaniwala si Bianca na ma-i-inlove ako sa 'tulad' daw ni Hulya kaya ganyan na lang siya kung makapagsalita sa lalaking pinili ko. Si Joyce naman support lang sa akin para nga raw fairly tale ang istorya namin ni Hulya tapos humirit naman si Bianca kung pang-fairly tale nga ang istorya namin ni Hulya magiging pamagat daw nun ay 'Beauty and the Beast'. Kinainisan ko naman ang sinabing 'yon ni Bianca kaya three days ko talaga siya hindi kinausap hanggang sa humingi siya ng tawad sa akin kaninang umaga at sympre hindi ko naman matitiis si Bianca e kaya pinatawad ko na siya ang kaso sakristo pa rin siya kay Hulya. Anyway, ganyan na talaga si Bianca hindi na siya magbabago.