He's Doing That Again!

11 0 0
                                    

He's Doing That Again!

Copyright 2013

-----------------------------------------------------------------------------------------------

It was my first time to be on a resort like this, paano ko nga naman ba kasi to maaford kung entrance palang nito pang-isang buwang allowance ko na sa school including all expences such as projects and other needs for school. Kung hindi lang talaga dahil sa maswerte ako sa mga bunutan na 'yan, baka hanggang sa mamatay ako, hanggang palengke, eskwelahan at bahay lang namin ang natanaw ng mata ko.

Syempre biro lang, mag-aaral pa ba ako kung habang buhay ko nang kinikita na yun  lang ang pupuntuhan ko. Syempre hindi.

Naglalakad lakad lang ako sa resort na to, nakakamangha sa sobrang ganda. Iisipin mo na sa sobrang ganda nito nasa probinsya ka na, pero hindi eh, nasa gitna ito ng maynila. Parte ng maynila na animo'y walang polusyon. Malinis ang paligid at kakaunti lang ang mga tao, mga may kaya sa buhay lang.

Tapos na ako magswimming kaya pahinga muna ako. Solo lang akong nandito, paano ba naman akong makakapagsama ng iba pa kung pang-isahang tao lang yung GC na nakuha ko. Kuripot naman kasi nung nagpaparaffle.Yung mga kaibigan ko naman hindi rin afford dito.Kaya ano pa nga ba ang magagawa ko kundi lang magsolo at lubusin nalang ang pagkakataong ito kahit hindi masyadong masaya, ayos lang. Experience lang naman ang gusto ko.

Pasalamat ko nalang talaga at hindi natapat sa araw na may pasok ang effective date nung GC na yun, kaya eto, sabado at nagamit ko naman.

Two days ang one night accomodation ng resort na 'to ang nakuha ko, yun nga lang walang food allowance at pocket money na kasama, kaya naman yung ipon ko na ang ginamit ko. Ang mamahal ng pagkain. Nakakalula ang mga presyo ng pagkain at nakakapanghinayang na sa isang gastusan ko lang ikakain ang halaga ng pera na ilalabas ko.

Kaya naman heto ako, sobrang gutom na gutom na naman.Huli kong maayos na kain ay yung cup noodless kagabi na nabili ko rin ng presyong ginto sa loob ng resort na ito. Sa sobrang di ko na matiis ang gutom at ako'y talagang desperada na. Sinubukan kong pumasok sa isa sa mga restaurant ng resort na yun. Pagkatapat na pagkatapat ko palang sa pintuan ng restaurant, may sumalubong na kaagad sa akin na isa sa mga waiter ng restaurant.

"Miss Donna?" tanong nung lalaking waiter nung pagkakita niya sa akin.

 "Yes" sagot ko naman sa tanong niya na may kasamang pagtataka.

Bakit naman ako kilala nito sa aking panaglan? Oo, Donna ang pangalan ko at walang ako ni isang kusing na ideya kung bakit nya ako kilala at tinatanong kung ako nga si "Donna."

"This way Ma'am" agad naman niyang sabi nung pagkasagot ko ng Yes sa tanong niya. Ako naman, sumunod nalang sa kanya tutal naman papasok yun sa loob ng restaurant.

"Please sit." sabi nung waiter pagdating namin sa table na pinuntahan namin at hinila niya ang upuan para paupuin ako.

Ako naman kahit na nagtataka ay umupo narin.

"You must be hungry Ma'am, wait for a minute or two and the food is served."

Napanganga ako sa sinabi nya na the food will be serve in a minute?

"Teka, walang akong pambayad sa mga pagkain nyo rito." diretsahan kong sabi sa waiter dahil yun naman ang totoo.

"No Ma'am you don't have to pay anything." pagpapaliwanag niya.

"Okay" yun nalang sinabi ko at umalis na yung waiter. Nagtataka pa rin ako. Ang alam ko kasi talaga, excluded ang food sa Gift Cert na nakuha ko. O baka naman hindi ko lang pala napansin na included with food pala ang GC na yun. Tsk. Kung sinuswerte nga naman ako oh, masusubukan ko na rin sa wakas na makakain sa ganito ka high class na restaurant, Libre pa.

Habang naghihintay ako sa umano'y aking pagkain. Iginala ko naman ang aking paningin sa kabuuan ng restaurant. Iilan lang ang tao sa loob at malayo pa sila mula sa kinauupuan ko. Bakit kaya dito pa sa malayo ako pinapwesto nung waiter na yun? Pwede namang sa bungad lang para mabilis akong makalabas, para naman akong may kakausapin na kailangan pa na sa tahimik na part ako papaupuin. Pero ayos na to, mag-iinarte pa ba ako, eh makakalibre na nga ako diba?

Pagkatapos nga ng mga talong minuto, inihain na sa aking harap ang pagkaing hindi ko kilala, first time ko itong makita at mukha naman talagang masarap.

"You can start eating this Ma'am while I get the other foods." polite pa rin na pagkakasabi sa akin nung waiter. Napakaaccomodating nung staff na yun which is good dahil natatanggal ang pagkailang ko sa loob ng restaurant. At dahil sa sinabi na rin naman nung waiter na pwede na akong kumain, walang patumpik tumpik at sinimulan ko na ang pagkain. Habang kumakain,may iba pa ring pagkain na hinahain yung waiter. Nakakapagtaka sa dami parang may okasyon lang.

Sa huling pagkain na inihain sa akin nagsalita ulit sa akin yung waiter.

"Ms. Donna, Sir AL will be here in 10 minutes."

Hala, sinu naman yung Al na yun?

Di ko na naitanong sa waiter dahil sa umalis na siya kaagad kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkain pa. Masasarap talaga ang mga pagkain. Magkano kaya ang mga ito? Sigurado ginto rin ang presyo.Kung cup noodles pa nga lang dito mahal na, pano pa kaya kung ito?

Habang nakayuko ako at kumakain dahil sa ang focus ko ay ang pagkain lang, enjoy eh. Hindi ko na naramdaman nang may umupo sa harap ko at biglang nagsalita.

"Donna, sorry I'm late. I was caugt up in a traffic. I'm really sorry if I made you wait." paliwanag niya. Saka ko palang iniangat ang ulo ko para makita itong lalaki na nasa harap ko at puro hingi ng tawad ang ginawa. Nung makita niya ang mukha ko pagkaharap ko sa kanya, nanlaki ang mata niya at bakas dito ang pagtataka. At nagtanong siya..

"Who are you?"

....to be continued.....

He's Doing That Again!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon