Chapter 2- Di kita Tatantanan

16 0 0
                                    

Chapter 2

Di kita Tatantanan

"Who are you?" tanong sa akin nung hindi ko kilalang lalaki na nakaupo sa aking harapan. Nabulunan ako sa pagkain ko at napatunganga na kinakabahan habang nakatingin sa di makapaniwalang ekspresyon niya sa mukha.

Di ko alam ang isasagot sa kanya...

"I said who are you? What are you doing here?"

"Ahmmm" speechless talaga ako.

"Kelangan ko pabang ulitin yung tanong ko?"

Ayan, marunong naman palang managalog, english pa ng english.

"Hindi ko alam" yun nalang ang  naisagot ko sa kanya. Eh sa talaga namang hindi ko alam ang isasagot sa kanya, dahil una sa lahat hindi ko alam kung bakit ako pinapakain dun sa loob ng libre, anong inaasahan nyong isasagot ko?

"Anong hindi mo alam? Bobo ka ba at hindi alam sumagot ng simpleng tanong?"

"Aba, ang yabang mo ha, bakit matalino ka ba para husgahan na isa akong taong bobo? ako yata pinakamatalino sa pamilya namin dahil grade one palang ako marunong na akong magmultiply hanggang tatlong numbers."

"Sagutin mo nalang kaya ang tanong ko bakit ka kumakain sa table na pinareserve ko para sa girlfriend ko?"

Ahhh. Para sa girlfriend niya pala to?

Teka kung dito ako pinaupo nung waiter kanina at pinaserve niya to para sa girlfriend niya...

Ibig sabihin...

 ako ang girlfriend niya?

Diba? Tama naman siguro ang logic ko.

Eh bakit hindi ko yata alam yun?

"Ibig sabihin girlfriend mo ako?" tanong ko sa kanya para malaman kung tama ba ang naisip ko. Wala nang ibang dahilan yun.. sigurado ako na yun 'yon. Tsk.

"Bobo ka ba talaga o ano? Obviously you are not my girlfriend that is why I'm asking you what are you doing here. I was expecting my girlfriend sitting here but it was you instead." may pagkainis sa tono ng boses niya.

Ay, mali pala ang logic ko, bwiset na logic, parang feeling pa tuloy ako sa tanong ko sa kanya.

"If you are expecting your girlfriend here, then where is she? Obviously, the waiter you have been asked to save this seat have mistaken me as your girlfriend, it is not fault anymore." Inienglish ko na rin siya. Napanganga naman yung lalaking pagkayabang yabang. Ano kala mo? Sa sobrang bobo ko na pati english ay di ko alam gamitin? Huh! Masyado niya akong minamaliit kung ganun.

"Mr. Bean!" sigaw ng lalaki na halatang galit at tinawag nga si Mr. Bean. Lumapit sa amin yung lalaking kanina ay sumalubong at nagpaupo sa akin kanina rito.

"Yes Sir?" Kinakabahan si Mr. Bean sa mayabang na lalaki.

"Who is this girl?"

"Sir, she is Miss Donna your girlfriend."

Napahawak sa batok yung lalaki na parang inaatake lang ng pagka highblood.

"Are you crazy? She is not Donna. I don't even know her!" pasigaw pa rin na sabi niya sa waiter na si Mr. Bean. Kawawang Mr. Bean pati pala sa tunay na buhay ganito parin siya, parang sa napapanuod ko lang. haha.

"I'm Donna" singit ko naman. Eh ako nga kasi si Donna diba? Naningkit yung malaking mata nung lalaki at tinitigan ako."O bakit? Di ka naniniwala?" dagdag ko pa. Donnafey kasi ang whole name ko. Eh ang baho pakinggan kaya I prefer na Donna nalang. Yun din naman ang nickname na nakasanayan ko at ng mga nakakakilala sa akin.

"So it seems that you and my girl shares a same name." sabi nung guy na mukhang narealize na kung bakit ako napagkamalan ni Mr. Bean na gf niya. Pareho pala kami ng name.

"Gaya gaya" bulong ko sa sarili ko. Gaya gaya ng name eh.

"Anong sabi mo?"

"Wala sabi ko kaaya aya, dahil ang ganda ng pangalan namin." Pagkatapos kong sabihin 'yon. Tumayo na yung guy.

"Mr. Bean, it seems that my girl will not come anymore. Hindi ko na kailangan pang magbayad ng reservation dito dahil siya naman na ang kumain dito" sabay turo niya sa akin.

"Hoy! Hayop ka! Anong ako magbabayad? Biktima lang ako dito, hindi ko yun intensyon! Malay ko bang ibang Donna pala yung tinutukoy nitong si Mr. Bean?" pagdipensa ko sa sarili ko. Aba ako pa ang balak pagbayarin, samantalang problemado na nga ako sa pera kung paaano pa ako makakasurvive sa lugar na 'to? Manigas siya dahil wala akong pambayad.

"Bye" yun nalang sinabi niya at tuluyan na ngang umalis ang hayop na 'yun. Tumingin ako kay Mr. Bean at parang may awa sa mga mata niya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Sorry dahil nagkamali ako, akala ko kasi ikaw talaga ang gf ni Sir Al. Di ko pa kasi yun nakikita. Ayan tuloy at napahamak ka pa at kailangan pang bayaran ito" sabay turo niya sa lahat ng pagkaing nasa table.

Napalaki yung mata ko at napanganga.

"Wehh?? Mr. Bean wag ka naman mag-jojoke ng ganyan."

Napailing siya bago sumagot ulit."Miss Donna, hindi ako nag-jojoke, kinain mo na rin naman yan kaya wala nang ibang magbabayad niyan kundi ikaw lang."

"Ehh paano na yan? wala akong pambayad? Mr. Bean naman kasi bakit kailangan mo pang magkamali?"

"Ma'am minsan sa buhay ng tao kailangan mong magkamali para matuto."

"So natuto ka naman ba?"

"Oo."

"Arrggghh. Paano ko ba ito mababayaran? Namomoroblema nga ako kanina kung ano ang ipambibili ko ng pagkain. Akala ko libre na lang talaga ito kaya natuwa pa ako, yun pala pahamak lang talaga, Arrgghh, kainis talaga! tapos yung lalaking malaki ang mata umalis kaagad! Bwiset sya talaga, iniwan ako rito, siya dapat magbayad nito dahil siya ang may pera!"

"Huminahon ka Miss Donna" sabi ni Mr. Bean

"Paano na to Mr. Bean? Kasalanan mo rin talaga 'to eh"

"May paraan naman para makabayad ka Ms. Donna" sabi ni Mr. Bean.

" Ano?" mukang wala naman na akong ibang choice....

***

"This is your order Ma'am" sabay serve sa mag couple nung order nila. Pangatlong araw ko na 'tong tinatrabaho. Kabayaran dun sa kinain ko. Kainis talaga! WALA itong bayad kaya mas lalong naiinis ako. Para lang sa kinain ko tatlong araw ng trabaho na walang bayad? Sabi kasi ni Mr. Bean 3,500 pesos yung halaga nung kinain ko at dahil wala nga kasi akong pambayad, ito ang naisip niya. Ang gawin akong isang waiter dito sa isa pang branch nila sa Makati sa loob ng tatlong araw ng libre. Bwiset talaga.

Kapag nakita ko talaga yung lalaking nang iwan sa resort nuon at nagpabaya sa akin, sisingilin ko siya.Pati yung gf niya na gaya-gaya ng name. Humanda rin ng konti..

Makita lang kita, di kita tatantanan..

He's Doing That Again!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon