Chapter 3

4 0 0
                                    

Chapter 3

"Sir last day ko na po ngayon.." pagpapaalam ko kay Sir Dick.

"Ano? Huling araw mo na? nagpapaalam ka na? Aba, uunahan mo pa pala ako?" sabi ni Sir Dick. Si Sir Dick ang may-ari ng lahat ng restaurant branches nitong resto na pinagtatrabahuhan ko ng libre including yung sa restaurant branch sa loob ng resort. Bata pa at single. Di kami nagkakalayo ng edad. :)

"Loko ka sir, ibig kong sabihin, huling araw ko na tong magtatrabaho ng libre rito sa restaurant niyo.Bayad na ako dun sa nautang kong pagkain."

"Ahh ganun ba? haha.. nagbibiro lang naman. Ikaw talaga. Tungkol pala sa trabaho mo rito sa resto, since you're doing very well sa trabaho aalukin sana kita ng trabaho na iyan dahil kailangan pa namin ng waitress dito."

"Ah, Sir kasi i'm still studying, and gusto ko talagang kunin yung trabaho pero pwede po bang part-time lang?" tanong ko kay sir, ang alam ko kasi puro full time ang nagtatrabaho rito.

"Oh. No problem. Bigay mo sa akin ang sched. mo at kami na bahala mag-adjust."

"Talaga Sir? Yes! Thanks Sir, I really need din kasi ng part time job." Buti nalang may naidulot din na maganda itong libreng trabaho ko ng ilang araw. At least nagyon, totoong may trabaho na ako.

"So, aasahan pa rin ba kita rito tommorrow?"

"Sure Sir. Expect me here tommorrow."

***

Ang haba ng pila, nakakainis. Ganito palagi rito sa Unibersidad ng Pueblo. Iskolar ako rito. Ngayon ang araw ng enrollment para sa huling taon ko sa kolehiyo. BS Psychology ang kinuha kong course at mahal na mahal ko ang course na yan.

Tirik na tirik ang araw kaya kahit nakapayong na ako eh parang niluluto pa rin ako sa kugon.

"Aray!" daing ko.

"Sorry miss." paghingi ng tawad nung lalaki.

"Anong sorry? Natusok yung tenga ko dahil sa tulakan niyo ng mga kaibigan mo tapos sorry?" Kainis to ang tatanda na tulakan pa rin ng tulakan. Natusok tuloy ng payong yung tenga ko, buti na nga lang at tenga lang hindi mata.

"Ano gusto mo?"

"Umalis ka sa harapan ko." I command.

"Bakit sa'yo ba to? Nakapila rin ako kanina pa tapos gusto ko mo umalis nalang ako? Di yun pwede." Dami pang sinasabi.

"kainis!" yun nalang ang sinabi ko at inirapan nalang yung lalaki at hindi na pinansin.

***

Here I am inside the classroom waiting for our next professor. Next subject? World Literature.

"Hello miss, pwede umupo sa tabi mo?" yung lalaking dahilan kung bakit natusok yung tenga ko sa pila nung enrollment day.

"Hinde." mariin kong sagot sa kanya. Biruin niyo naging kaklase ko pa itong mokong na 'to.

"Ang sungit mo noh?"

"Hinde." Bahala ka diyan, makulit ka, puro 'hindi' ang makukuha mong sagot.

"Meron ka?"

"Hinde"

"Lilipat na ako ng upuan?"

"Hinde"

"Okay, dito na talaga ako uupo."

"Ay mali, OO,lumipat ka."

"Wala na tapos na ang chance mo sagutin yung tanong na yun, no more second chances..haha" sabay tawa nung lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Doing That Again!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon