PROLOGUE

914 42 8
                                    

●●●●●

Halos maka rambol na sa bahay. Si tatay inaatake na naman sa puso. Ako ang panganay sa amin sa akin sila umaasa. Wala akong pinag aralan dahil tumigil ako sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay.

May pinili kong maging empleyado sa pabrika para makatulong sa magulang ko. Parehas na magsasaka si nanay at tatay at may pitong kapatid ako. Bali walo kaming magkakapatid. Kaya hirap na hirap talaga kaming pakainin ni tatay at inay. May araw na hindi kami kumakain. Tubig lang.

Hindi sapat ang perang kinikita nila at kinikita ko kaya minsan mag siside line kung may beauty pageant kung saan saan.

May pinapaaral pa kasi kaming mga kapatid ko. Gusto ko sana makisapalaran sa ibang bansa DH or domestic helper sa kuwit pero wala akong birth certificate nawala ng binaha kami ng bagong Yolanda.

"Ate si tatay!"nagsisisi iyak ang mga kapatid ko. Tinignan ko si sheila at siniyasan siyang patahanin ang mga kapatid namin. Siya ang sumunod na kapatid ko. Bente cinco na ako siya naman bente college na siya at hindi ako makakapayag na hindi siya makatapos para makatulong siya sa amin.

Kahit magkanda uga uga pa ako sa pagtrabaho para mapa-aral lang siya.

Ganon ko sila kamahal.

"Dito lang kayo, babalik ako dito shiela ikaw na bahala dito bantayan mo sila ng mabuti. Gawin ninyo na ang assignment ninyo si Ate na bahala sa lahat."nginitian ko sila kahit nanghihina ang tuhod.

Kailangan kung magpatatag para sa kanila.

"Sige ate, balitaan mo nalang kami."tumango ako sa kanya at nakisabay sa tricycle na pagaari ng kaibigan kong si dencio.

Matagal na kaming magkaibigan para ko narin siyang kapatid. Pero shuta na fall sa akin. Hindi anamn ako na a awkward sa kanya ganon  parin naman ang pakikitungo ko sa kanya. Kahit na iba ang tingin ninya sa akin.

Klinaro ko sa kanya na wala pa sa isip ko ang pag nonobyo. Kailangan ako ng pamilya ko. At nirerespeto ninya naman ang desisyon ko.

'Yon ang gusto ko sa kanya. Mabait, maalagaan, gentleman. Pero di siya ang tipo ko. Plus wala pa sa isip ko ang lablayp. Kahit ilang taon nalang lipas na sa kalendaryo ang edad ko.

Marami pang umaasa sa akin.

"Pakinilisan naman Dencio."aligaga kong wika. Sabay kagat ng kuko ko. Ito ang coping mechanism ko kung takot at tensyonado.

"Sige kapit ka."kumapit ako sa handle ng mahigpit. Hindi nga ako nagkamali. Halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Kaya kahit medyo may kalayuan ang hospital ay tila ang kapit lang.

"Thank you dencio. Ililibre kita ng fish ball Jung may oras. Salamat talaga."dali dali akong pumasok sa public hospital.

"Nay!"sigaw ko kay nanay na halos maglumpasay sa sahig sa kakaiyak. Naawa naman ako sa aking nanay.

"Pharsia. Ang ama mo!"nakisabay ako sa iyak ninya.

"Pa!"hagulhol ko. Puno ng panibugho ang puso ko.

Lumabas ang doktor sa kwarto ni papa or morgue.

"Kailangan ninya ng operahan sa madaling panahon kung hindi alam ninyo na ang mangyayari."
napatanga naman ako. Pinahid ko luha sa mata at pisngi ko.

"Akala ko ba Nay, patay na si itay?"magulong tanong ko sabay kamot ng ulo ko.

Hinampas naman ako ni Inay sa braso.

I'M JUST A SUROGATE MOTHER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon