My Reflection: First Part ♡

247 20 75
                                    

"Jeunisse Zamora, Your a top student last grading, but now what happen? One more absent and I will really drop you in my subject. Ano bang nangyayari sayo? Pati mga quizzes and exams and baba ng nakukuha mo. May problema ba?" Mahabang litanya ni Mrs. Cruz, umiling lang ako sabay yuko. Napapabayaan ko na pati ang pag-aaral ko. Lintek na buhay to!

"I hope you can settle this. Sayang ang pagiging top mo sa klase. Kung may problema ka sana naman hindi yan maka apekto sa pag-aaral mo."

Tumango nalang ako sabay sabing "Yes ma'am. Sorry po."

"Okay you may go now." Sabi nya kaya lumabas na ako sa office nya at bumalik sa room.

Natapos ang klase ko buong araw na lutang pa din ang pag-iisip ko. Naiiyak ako. Pati pag aaral ko naapektuhan na. Bakit ba ganito kagulo ang buhay ko? Nadatnan ko ang bahay na maingay. Palagi naman. Lage nalang ganito. Lage nalang silang nag-aaway nina mama at papa. Naiiyak na talaga ako, di ba pwedeng kahit minsan maging masaya ang pamilya namin? Ganito nalang ba palagi? Nagkakagulo lage ang mga parents ko and they're planning to separate. Yun ang napakasakit na magigiba yung pamilyang kinagisnan mo. At isa pa, ang dad ko. He can't even afford to be proud at me to appreciate what I got. Lage naman akong nasa top, kadalasan lang talaga pang second or third lang ako and can't even reach the highest. His really expecting much from me, kaya nga nag aaral ako ng mabuti at sinisikap na maging top 1 sa klase para naman maging proud sya sakin. Pero ngayon, anong gagawin ko? Nagiging mababa na ang grades ko dahil na din sa epekto ng pag-aaway ng parents ko.

Dumaan ang ilang araw, ganun pa din sila. Walang pinagbago, but I'm happy na hindi sila naghiwalay kahit may plano na silang gawin yun. Naisip kaya nila ako? Ako na anak nila? Nakakatuwang isipin na sa tuwing tinitingnan ko ang mukha ko sa salaman, all I can see is my losyang na reflection sa mirror. Ni hindi ko na talaga naalagaan ang sarili ko. Tinatawanan ko sa sarili kong repliksyon na nakikita ko sa salamin. It's not me. Ibang iba sa Jeunisse noon. Walang buhay ang Jeunisse Zamora ngayon.

I don't have any friends kasi madaming nagsasabi na weird akong tao kaya lagi akong mag isa sa lilim ng pears tree. But one day, someone stood infront of me. Kaya naman tumingala ako para makita ko sya. He's handsome actually. Ngumiti sya sa akin.

"Pwedeng tumabi?" He asked.

"Di p-" di pa natatapos ang sasabihin ko eh umupo na sya sa tabi ko.

"Ikaw lang ba mag isa dito? Or do you have any companion with you?" He approached me. As a response, umiling lang ako.

"Ba't naman?" Ang kulet ng lahi nya.

"Because they think I'm weird as if I will eat them." I laughed bitterly. Pero mahina lang.

"Di ka naman weird eh." Sabi nya sabay ngiti. Ang gwapo nya, may dimple pa sya sa right cheek nya. At yung mga mata nya, parang animo eh kumikinang ang mga brown nyang mga mata.

"By the way, I'm Skyler. Skyler Dean Arevalo. Ikaw?"

"J-Jeunisse Zamora."

"Nice meeting you Jeunisse :)" and he offered a hand shake. Tinignan ko naman sya at yung kamay nya, before ko tanggapin yung hand shake nya.

"Friends na tayo ha?" Sabi nya at ngumiti nalang ako. Sana di trip yung pakikipag kaibigan nya sakin. Siya lang kasi ang nag dare na makipag kaibigan sakin.

[paki play po ng song while reading this part] --->

"Kanina ko pa namamalayan, ba't ang lungkot mo? It seems that you own all the sadness on Earth. Any problem?" Yumuko lang ako.

My Reflection (Short Story - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon