My Reflection: Last Part ♡

223 17 57
                                    

Pumunta ako sa isang bar. Yeah, gusto kong magpakalasing dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ano bang nagawa kong mali? Naging mabuting anak naman ako diba? Nag-aral akong mabuti para maka pagtapos ng highschool. Gusto ko maging proud sya sakin, pero wala. Never nyang tinanggap ang kakayahan na meron ako. Siya na ama ko mismo. Ni minsan hindi nya pinadama sakin na naging proud sya sa kong anong achievement meron ako. Kaya ngayon umiiyak na naman ako.



Nakakailang shot na ako pero di parin ako nalalasing. Ngayon lang naman ako uminom. Ngayon lang ako nagkakaganito. Bigla namang nag ring ang phone ko. Sasagutin ko na sana kaso enend nya ang call. Saka ko palang nakita na ang dami na nya palang tawag. Sorry Skyler :( Happy sana ako ngayong araw nato eh kaso nawala naman yung saya ko. Tumungga ulit ako at maya-maya ay nag ring ulit. Si Skyler. I answered his call.




"S-Sky?"


"Jeun? Anong nangyari sayo? Kanina pa ako tumatawag. Ba't di mo sinasagot? Nag-aalala na ako sayo Jeunisse."Sabi nya.


"So-Sorry S-Skyler."


"Anong nangyari sayo? Ba't ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?" Nag-aalala na yung boses nya. Dahil dun, umiyak na naman ako. Ano bato? Ba't ba hindi nauubos ang mga luha ko?


"S-Sky, I need you."


"Where are you?"


"I-Im at the Knights Bar."


"Bar? Anong ginagawa mo jan? Stay there. Behave Jeunisse! Okay? Papunta nako."


"Okay."


"I love you."


"I love you too Sky."


"Hintayin mo ko jan." And he hunged up.




Nakayuko lang ako habang tumutulo ang mga luha ko. Tutungga na sana ako ng may humablot sa baso na hawak ko.



"I told you to behave. Not to drink. Ang kulit mo!" Sabi nya sabay yakap sakin.


"What happened?" Umiyak na naman ako. Ang sakit na ng mga mata ko. Nakakapagod na ang umiyak. Pero parang ayaw matuyo ng mga luha ko sa mga oras nato. Kumalas naman sya sa yakap.



"Stop crying please. Namamaga na yang mga mata mo. Tell me what happened?" Sabi nya kaya ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Isang ekspresyon lang ang nakita ko sa mukha nya, at ito ay galit.

My Reflection (Short Story - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon