10

72 4 0
                                    

Chapter Ten
“ANG GANDA! ANG GANDA TALAGA!”
Sumabay sa malakas na sigaw ni Jisoo ang tawa ni Haein habang minamaneho ang sasakyan. Kapapasok lang nila ng Baguio pero manghang-mangha na siya sa nakikitang mga bundok sa paligid. Nakababa ang bubong ng top-down sports car ni Haein.
Noong una, duda pa siya kung okay ba na iyon ang dalhin nila eh matataas ang kalsada sa Bagio lalo na papuntang Sagada. But Haein assured her about the car. At mukhang maganda ngang ideya na iyon ang dinala dahil mas ramdam niya ang lamig ng simoy ng hangin na tumatama sa mukha niya.
Wala siya sa ibang bansa na may malalamig ang klima, pero feeling niya wala na siya sa Pilipinas. Ibang klase ang ganda ng nakikita niya.
“We’ll stay here for a two days tapos saka tayo aakyat ng Sagada,” wika ni Haein nang makarating na sila sa guest house na pag-aari din ng pamilya nito.
Parang kahit yata saan sila magpunta at magbakasyon ay may properties talaga ang mga ito. Nakakaloka. Parang gusto na niyang maniwala na hindi lang basta-basta ang yaman ng mga Jung.
They are filthy rich. Hindi lang halata dahil down to earth ang mga ito at hindi ipinangangalandakan sa lahat. Sometimes she wonders why he had to slave on her father's company.
“Sure ka ba na okay lang na wala ka sa office for one week?” maya-maya ay tanong niya sa asawa habang inaayos ang gamit nila sa master bedroom ng guest house.
Pinaspasan niya talaga lahat ng articles niya sa office para makapag-file ng bakasyon. Maayos na tinurn over niya sa team niya ang mga dapat i-monitor araw-araw dahil online ang work environment nila. Samantalang si Haein naman ay mas kailangan hands on sa trabaho nito.
“They can always call me if we have a critical situation. Tatanggap lang ako ng tawag kapag ang Daddy mo ang tumawag sa akin,” sagot ng asawa niya.
Ibang klase din ang closeness ng dalawa. Sabagay, bata pa man sila ni Haein ay palaging pinupuri na ito ng tatay niya. Kaya nga siguro kahit wala silang dugong Chinese eh, ipinakasal siya dito.
Wala na naman siyang reklamo sa bagay na iyon. She loves him and she can see their future together.
Ilang anak kaya ang type niya? Napahagikhik siya sa naisip.
Bago sila umalis ng Manila ay nakipagkita din muna siya sa mga kaibigan. The girls were all supportive with her newly resurrected feelings for Haein. Kanya-kanya ng tips ang mga ito kung paano niya maaakit pa si Haein. Gusto niyang pati puso nito ay maakit niya.
“Where do you want to go first, my wife?”
Kinilig na naman siya sa pagtawag nito. Lalo pa nang hilahin siya nito mula sa pag-aayos ng damit para yakapin at humarap sa magandang tanawin ng Baguio. Ang sarap-sarap mag-cuddle dahil sa mababang temperatura ng lugar. Masarap magyakapan sa ganitong lugar!
“Gusto ko ng strawberry pancakes tomorrow, so maybe sa Strawberry Farm muna? Saka I want to try their taho. I want to try all the delicacies.”
Mahinang tumawa ito. Mainit ang hininga na tumama sa sintido niya. She tightened her arms around him when she shivered from the cold and his warm breath.
“I’ll make sure na masusubukan mo lahat ng pagkain dito. Let’s also have a date at Burnham Park.”
“Oo, gusto ko din yan. Gusto ko sumakay dun sa mga swans nila.”
“Gagawin natin lahat ng gusto mo, my wife.”
Kinilig siya to the highest level. Parang hindi totoo na naririnig niya ang mga sinasabing iyon ni Haein. Ibang level na rin talaga ang relasyon nilang dalawa. Sana wala nang katapusan itong nararamdaman nilang dalawa. Sana hindi na matapos. Sana masaya na lang sila palagi. After all, she deserves all of these.

HINDI MAKAHINGA SI Jisoo habang inaakyat ang Groto. Malapit na sila sa tuktok pero hinihingal na siya. Mali yata yung biglaang akyat na ginawa niya. Kinakapos siya ng hangin palibhasa ay kulang na siya sa exercise ng katawan.
Si Haein nga parang wala lang dito at normal lang ang paghinga habang kasabay niyang umaakyat na hawak ang kamay niya.
Ni wala man lang bahid ng pawis at fresh na fresh pa ang itsura samantalang siya mukha nang gusgusin, hindi pa makahinga ng maayos.
“Are you okay, my wife?”
“I-Im…hah…okay…hah.” Malakas na nagpakawala siya ng hangin mula sa baga. “Grabe, dapat na talagang mag-exercise ako! Konti pa lang ito pero halos mawalan na ako ng hangin sa katawan.”
“Hindi naman tayo nagmamadaling makaakyat sa taas, my wife. We can take it slow. Wala tayong hinahabol.”
Napalabi siya. “Hapon na kasi, hubby ko. Gusto ko abutan yung picture taking sa taas tapos suot pa natin yung traditional Igorot clothes.”
Kasalanan niya kung bakit sila hinapon sa pamamasyal. Nakatulog kasi siya pagkakain ng lunch kanina.
“Meron pang ganun sa Botanical Garden, pupunta din tayo bukas.”
“Pero maganda daw sa taas, eh.” Malapit na rin naman halos sila sa tuktok. Kitang-kita na niya ang buong katawan ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Madami pa ring deboto ang naroroon at nagdadasal. “Gusto mo bang mauna na sa taas? Hihinga lang ako ng kaunti dito.”
“Hey, sabi ko naman hindi tayo nagmamadali.” Itinaas nito ang magkasugpong nila na mga kamay. “I won’t let this hand go.”
Naunahan siya ng grupo ng mga dalagitang kiligin sa sinabing iyon ni Haein. Kanina pa siguro nakikinig ang mga ito dahil panay na ang sulyap sa asawa niya. Nagniningning ang mga mata ng mga ito na parang nakakita ng crush.
Nagsalubong ang kilay niya. Syempre nagseselos siya. Kaya binitiwan niya ang kamay ni Haein saka umabrisite dito tapos pinagsalikop muli ang mga kamay niya. Tinaasan niya pa ng kilay ang mga babae nang lumingon sa ginawa niya.
Narinig niya pa ang mahinang tawa ni Haein. Alam niyang siya ang pinagkakatuwaan nito pero wapakels siya. Asawa na niya ito at ayaw niyang may ibang titingin dito ng kakaiba.
“Halika na, hubby ko. Gusto ko na mag-pray sa taas. Hihingi pa ako ng maraming-maraming babies para sa ating dalawa,” wika niya na sadyang ipinarinig sa grupo.
“Maraming-marami talaga, my wife? Mga ilan ba?”
“Pang-Kpop group. Mga nine or thirteen. Gusto ko ng mga idols.”
Doon na lumakas ang tawa nito. Sumimangot lang lalo siya dahil mas madaming babae ang tumingin dito. Inakbayan siya nito saka masuyong hinalikan sa pisngi.
“I love it when you’re jealous,” mahinang bulong nito. Napakalapit na naman ng mukha nito sa kanya. “Let’s hurry up, my wife. Para masimulan na agad natin yang Kpop group mo.”
Nasa taas na sila nang ma-gets niya ang huling sinabi ng asawa. Namula ang buong mukha niya.
“Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Naiinis lang ako dun sa mga babaeng tumitingin sayo.” Sumulyap siya dito. “I mean, may karapatan naman akong magselos, di ba?”
“Of course, my wife. Just like I have right to punch every guy who looks at your way.”
“Hay, wag kang assuming. Walang lilingon sa asawa mong ito.”
“Wala talaga. Dahil mata lang nila ang walang latay kapag sinubukan nilang tingnan ang sa akin.”
Tiningnan niya ang mukha ni Haein. Seryosong-seryoso ito na nakatitig sa kanya. Grabe, ang swerte niya. Nakikita niya kasi sa mga mata ng asawa niya na siya lang talaga ang nakikita nito. Sa dami ng babaeng naglipana sa Baguio, sa kanya lang nakatuon ang mga mata nito.
Magkahawak-kamay nilang pinagmasdan ang malaking rebulto ng Birhen ng Lourdes. She was silently praying and saying thanks for giving her and Haein a chance. A chance to build a life together.
Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Napalingon siya at nagsalubong ang mga mata nila. Kanina pa ba siya nitong pinagmamasdan?
“I won’t let go of this hand, Jisoo,” mahinang bulong nito.
Ngumiti siya ng matamis. “Same here, hubby ko.”
Lumarawan ang saya sa mga mata nito. Hinayaan niyang muli siyang ikulong sa mga bisig. Matagal nga halos sila sa magkayakap pero wala namang pakialam ang mga turista na kasama nila sa Groto. Maya-maya pa ay sabay silang lumapit sa alayan ng kandila. Bumili siya kanina sa baba ng magkayakap na kandila. Sabi ay para sa mag-asawa daw iyon at pampamilya.
Tama, bubuo na talaga sila ng pamilya ni Haein. Hindi siya papayag na walang mangyayari sa kanila mamaya.
Nakailang sindi na siya ng posporo pero hindi pa rin magmitsa ang hawak niya. Na-frustrate siya nang naubos na halos ang tali ng kandila ay ni hindi man lang iyon naglingas. Weird dahil lahat ng katabi niya ay malalakas ang apoy ng mga kandila. Parang bale-wala pa nga na malakas ang hangin.
“Fake si Manang sa baba,” naiinis na sabi niya. “Ni hindi man lang masindihan itong kandila na binili ko.”
“Hala, malas yan, Ate,” singit ng isang babae na nagsisindi din ng kandila. Nakatingin ito sa hawak niya. “May asawa ka na ba?”
Tsismosa din ito, ah. Wala siyang balak pansinin ito. Pero nainis siya nang sulyapan nito si Haein na nagmamasid sa paligid. Ang sarap pa ngang kuhanan ito ng picture habang nakatingin sa tanawin. Pang-picture perfect.
“Sabi sa amin, kapag di daw maglingas ang kandilang pampamilya ay may kaakibat daw iyong malas sa pamilya nang may hawak.” Nakakunot ang noo na binalingan niya muli ang pakialamerang babae. Hindi na ito nakatingin kay Haein. “Well, sa probinsiya lang naman namin iyon.”
Lalo siyang nainis. Basta na lang niya isinuksok yung kandila kahit walang lingas.
“Ang dami mong alam, Miss,” naiirita na sabi niya. “Sa inyo lang iyon. Di ko naman itinatanong.”
Ngumiti ito ng makahulugan. “Siya ba ang asawa mo? Bagay na bagay kayo.”
“Don’t look at my husband,” she hissed.
Natawa lang ito kaya tumalikod na siya pero napatigil nang muli itong magsalita.
“Misis, kahit anong mangyari wag mong bibitiwan ang kamay niya. Sayang yong hirap mo. Sayang yong love niya sayo.”
“Hey…”
Nagulat siya nang hawakan ni Haein ang balikat niya. Parang bigla siyang nagising. Agad na lumingon para tingnan ang babae sa likuran. Pero nakatalikod na lang din ito at may iba nang kinakausap. Nag-iisip pa siya kung lalapitan ba ito nang hilahin na siya ni Haein na may nakitang souvenir shops.
Medyo nawili na siya sa paglilibot kaya nawala na sa isipan niya ang weird na babae. Bago bumalik sa guest house ay dumaan muna sila sa Burnham Park para kumain ng street foods. Feel na feel niya ang date nilang iyon ng asawa. Hindi na kasi siya bumitiw mula sa pagkakahawak sa kamay nito.
“Ano yun?” curious na tanong niya kay Haein nang may dumaan na mga babaeng may dalang baso. “Parang Korean fish cake yun, ah!”
“Gusto mo din?” nakangiting tanong ng asawa niya.
“Oo naman!” Tumayo na siya sa pagkakaupo sa bench.
“Okay, my wife. Ako na hahanap kung saan nabibili yun. Dito ka na lang muna sa bench at baka mawalan tayo ng upuan kapag umalis pa tayo.”
“Okay, hubby ko.”
Kinikilig na kinawayan niya si Haein. Gustong-gusto niya ang ginagawang pag-aalaga nito sa kanya. Kinuha niya ang cell phone mula sa bag at tiningnan ang mga selfies nila kanina habang namamasyal. Ilan sa mga kuha doon ay nakahalik sa kanyang pisngi ang kanyang asawa.
Pinili niya ang nasa Groto sila saka in-upload sa social media. Sunud-sunod agad ang likes at comments. Nag-PM pa sina Heejin na kinikilig din sa mga sinend niyang photos.
Jisoo: Kung kinikilig kayo, mas lalo na ako no!
Heejin: Siguraduhin mong may patutunguhan yang kilig na yan, Jisoo!
Shinhye: May pamangkin na ba kami pagbalik nyo?
Jisoo: Wag kang atat. Mang-aakit pa lang ako mamaya.
Heejin: Ano?! Mamaya pa? Tama na yang lakwatsa, Jisoo! Umuwi na kayo at magpakarami!
Hyeyoon: Girls, relax. Jisoo, kung di mo madaan sa santong dasalan. Daananin mo na sa santong paspasan!
Jisoo: Roger, Attorney!
Napapangisi pa siya sa usapan ng mga kaibigan nang i-off ang data at ibalik ang phone sa bag. Tumayo na rin siya at inilibot ang mga mata. Kanina pang wala si Haein. Hindi kaya naligaw na iyon?
Nang dumaan ang sampung minuto pa na wala ito, mabilis na kinuha niya ang gamit at itinapon ang kalat nila kanina. Panay ang paglinga niya sa lahat ng anggulo. Iikutin niya ang Burnham Park makita lang ito.
“Hay, Jisoo. Dapat di ka na lang nagpabebe kanina,” naiinis na wika niya sa sarili.
Malapit na siya sa may likod nang mapansin niya si Haein. Sa tangkad ba naman nito ay kitang-kita niya talaga agad. May hawak na itong fish cake na ni-request niya kanina. Lalapitan na sana niya ito nang mapansin na may kausap ito.
Kumunot ang noo niya nang mapansin kung gaano ka-seryoso ang mukha ng asawa. Kinabahan siya lalo nang may kamay na biglang umangat at humawak sa braso nito—Shit!
Mabilis na tumalikod siya nang makita ang mukha ng kausap ni Haein.
What the actual fuck is she doing here? Gigil na sabi niya sa isip. Hindi siya makapaniwala na kasama nito si Jimin. Sari-sari ang emosyon na nararamdaman niya na gusto niyang magmura nang malutong-lutong.
She felt so much pain, betrayed. Also, so much jealousy. Parang asido sa sikmura niya ang nasaksihan na magkasama ang asawa niya at ex nito.
Niloloko ba siya ni Haein? Ang akala ba niyang isang masayang pagsasama nila ay isang palabas lang para dito? Is he still in love with Jimin?
“Nakalimutan mo na ba, girl na kinuha mo lang yan dun sa damsel in distress niyang jowa?”
Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi nang maalala ang sinabing iyon ni Hyeyoon.
Oo nga pala, hindi nga pala siya ang first choice nito. Bakit nga ba nalunod siya sa isang panaginip na hindi totoo?
Dahil mahal ko siya, sagot niya rin.
And she will still give him the benefit of the doubt. Wala sa sariling bumalik siya sa bench na pinag-iwanan ni Haein. Nakakaawa na siguro ang itsura niya dahil agad na umalis ang couple na naabutan niyang naglalampungan doon.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si Haein. Nakangiti pa rin ito. Wala na ang seryosong mukha nito na nakita niya habang kausap si Jimin.
“Hi, my wife. Sorry natagalan ako. Ang daming costumers dun sa stall ng Korean food—What’s the matter, my wife? Umiyak ka ba?”
Pinilit niya ang ngumiti kahit parang may humihila sa mga labi niya pababa.
“Ang tagal mo kasi. Saan ka ba nagpunta?”
“Doon lang, my wife. Sorry na.” Hinawakan ni Haein ang magkabilang pisngi niya at pinalis ang mga luhang nagpapatakan.
“May kinausap ka siguro kaya ang tagal mo, no?” Please Haein, please don’t lie to me.
“Mahaba lang talaga ang pila, my wife.”
“Wala kang kinausap? Wala kang nakitang kakilala?”
“Wala.”
Damn you! Deretsong nakatitig ang mga mata nito sa kanya. Hindi niya akalain na ganito kagaling na sinungaling ang pinakasalan niya. Lahat ba ng sinabi at pinapakita nito sa kanya ay kasinungalingan lang din? Did he really care for her?
Or was it just only her? Tang’na. Ang sakit nang umasa.

I Love You The Best (Haesoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon