08

68 5 0
                                    

Chapter Eight
“BAKIT UMUULAN?”
Balak pa naman sana ni Jisoo na matulog sa hammock na nakakabit sa dalawang puno ng niyog sa harap ng rest house.
Pero hayun nga, napalitan ng madilim na kalangitan ang kanina ay magandang sikat ng araw. Ngayong panay ang bagsak ng ulan, mabigat sa pakiramdam na nasa terrace lang siya at nakatanaw sa dagat.
“Unpredictable ang panahon ngayon dahil patapos na ang summer,” wika ni Haein. Naupo ito sa tabi niya na may dalang mainit na kape na iniabot sa kanya. “Nalulungkot ka pa rin ba tuwing umuulan?”
Nagulat siya na alam nito ang maliit na bagay na katulad no'n tungkol sa kanya. Iilan lang tao ang nakakaalala ng tungkol sa bagay na iyon at alam pa nito ang dahilan.
Nagkibit-balikat siya. Malamang ay narinig nito kay Heejin. Promotor ito ng love team nila ni Haein at aminado na taga-supply ng lahat ng bagay tungkol sa kanya.
“Umiiyak ang langit, syempre malungkot ako.”
Tahimik na hinihipan nito ang tasa na hawak habang nakatitig sa kanya. “That’s not your reason.”
“What?
“Hindi yan ang rason kung bakit ayaw mo ng ulan, Jisoo.” Sumandal ito sa rattan chair. “Masyadong mababaw para sayo. At ikaw na yata ang pinakamalalim at mahirap basahin na taong nakilala ko.”
Medyo hindi niya alam kung ma-o-offend ba siya o matutuwa sa sinabi nitong iyon.
Ibig bang sabihin ay mahirap siyang intindihin para dito? Kaya ba lagi silang nagsasalpukan dahil magkaiba sila ng pananaw sa buhay? Kaya ba hindi sila pwedeng manatili together forever?
Nakakainis. Hindi niya talaga panahon ang tag-ulan.
“Nothing good happens to me when it rains,” sagot niya. Tulad na lang ngayon. “Umuulan nang mamatay ang Nanay ko, yung ina ni mama. I remember all of my pets dying during rainy season.”
May isa pa ngang pagkakataon na dinasalan niya ng rosaryo ang alaga niyang aso na agaw-buhay habang si Haein ang taga-sagot niya sa dasal noong first year high school sila.
Madaming memories na hindi maganda sa kanya tuwing umuulan. It includes Haein having a girlfriend. Pinapagalitan siya nito for pulling pranks on his girlfriends.
Umuulan din nang makita niya ito at si Jimin na magkasama noon sa school. That gave her a major stomach ache. Parang may humahalukay sa sikmura niya noong mga oras na yon na gusto niya lang umiyak.
“Siguro dahil wala pang nagbibigay sayo ng good reasons para maging masaya tuwing umuulan.”
“I doubt it.”
“C’mon, Jisoo. Umuulan ngayon. May nangyayari bang masama sayo?”
Napapitlag siya ng dumukwang ito papunta sa line of sight niya.
Biglang natakluban ang malungkot na tanawin at napalitan ng guwapong mukha ni Haein. Hindi siya agad nakahuma nang ngumiti ito at inipit sa tainga ang buhok na kumawala sa pagkakapusod niya.
Bumilis ang tibok ng puso niya. Sa katarantahan ay umiwas siya ng tingin at biglang humigop sa hawak na tasa. Nawala sa isipan na mainit pa nga pala yun. Napamura siya ng maramdaman ang init sa dila.
“Fak-it-ti-che—et!”
Mabilis na kinuha ni Haein ang tasa at ibinaba.
“Ilabas mo ang dila mo. Let me see.” Matigas na umiiling siya. “Jisoo, kailangan ko makita kung may sugat.”
“Aym hokey.”
Grabe, naiiyak siya at ramdam na niya ang pagkawala ng pakiramdam ng dila niya. May ilang luha ngang umalpas sa mga mata niya nang biglang umalis sa harapan niya si Haein at pumasok sa loob ng bahay. Pagbalik ay may dala itong yelo na nakabalot sa isang puting tela.
Tinangka niyang kunin iyon pero inilayo lang sa kanya.
“Ako na. Open up, Jisoo,” Haein said in a soothing voice.
Syet! Nakakahalina ang guwapong mukha nito. Ang boses at kung paano bigkasin ang pangalan niya. Doble-doble ang sasal ng puso niya.
Haein’s face is so close, she can breathe his scent. Nahihilo siya sa lalaking amoy na iyon. Wala sa sariling ibinuka niya ang mga labi. Dahil napasunod siya sa gusto nito, napabuntong-hininga na lang siya sa biyaya nitong magandang ngiti.
“See? Wasn’t that hard?” nakangiting tanong nito.
Umiling siya habang nakapatong sa dila ang tela na may yelo. Tulala pa rin siya habang hinahaplos-haplos nito ang pisngi niya.
God, I’m so hopeless.
Medyo naiinitan na rin siya sa sobrang pagkakalapit ng mga mukha nila kaya bahagyang lumayo na siya. Nawala ang magical moment na kanina’y nararamdaman niya. Iniiwas niya ang mga mata na sumandal sa rattan chair.
“See? Nothing good happens to me when it rains,” wika niya para mawala ang tensyon na nararamdaman. “Lagi akong nasasaktan.”
Ramdam din niya na nakatitig sa kanya si Haein. Di na lang siya lumingon dahil baka makita na nito ang kanyang pilit na itinatago. Makikita nito sa mga mata niya ang katotohanang tuluyan na siyang muling nahulog dito.
“Sabi ko nga, di mo pa lang nakikita ang tamang rason para maging masaya ka.”
Hinawakan ni Haein ang kamay niya at hinila siya palabas ng bahay. Napasigaw siya nang unti-unti silang mabasa ng ulan habang tumatakbo papunta sa dalampasigan. Kahit malakas ang ulan ay banayad pa rin ang alon. Malakas na hinampas niya sa balikat si Haein.
“Nababaliw ka na ba?!” galit na sigaw niya saka tumalikod at nagmartsa pabalik ng cottage.
Ngunit hindi pa nga siya nakakalayo ay pumaikot sa baywang niya ang mga braso ni Haein saka siya binuhat at inihagis pabalik sa dalampasigan.
Tawa pa ng tawa ang asawa niya habang hinahabol siya para hindi makabalik sa cottage. Sa halip na maasar at magalit pa dito, napatawa na lang siya dahil maraming buhangin na ang dumikit sa katawan at mukha nito.
Sumisirko-sirko ang puso niya at napapatulala pa sa kaguwapuhan nito. Singkit na singkit pa ang mga mata nito habang tuwang-tuwa na winiwisikan siya ng tubig sa mukha.
Napatigil sila sa paglalaro nang magpagulong-gulong sila sa buhanginan. Napaibabaw siya dito at nakaipit sa pagitan nila ang kanyang mga braso.
Unti-unting nawala ang mga tawa niya pero nanatiling may mga ngiti sa kanilang mga labi. Nag-init ang tainga niya nang muling isipit nito sa tainga ang basang buhok niya. She scrunched her nose and diverted her eyes from him. Iba kasi ito kung tumitig.
“Ang pangit mo,” natatawang sabi niya kahit kabaligtaran nun ang gusto niyang sabihin.
“Yeah?” He touches one of her cheeks and guides her to look back at him. “Bakit sobrang ganda mo?”
Halos pabulong iyon pero parang sumabog naman sa tainga niya. “A-Ano?”
Lalong lumalim ang dimple nito. Nasaksihan na naman niya ang nakakamatay nitong ngiti. “You’re so beautiful it makes my heart ache.”
Dumadagundong na ang puso niya at parang anumang oras ay ta-tumbling na pabalas ng kanyang ribcage. Papunta kay Haein.
Haein pulled down her head and met her lips half-way. Ninamnam niya ang malambot na mga labi nito. She’d never been this alive before this. Her heart thundered inside her chest and her body on fire.
Jisoo realized something in the middle of the rain habang nasa ibabaw ni Haein.
She has a love-hate relationship with the rain. Ang ulan ang madalas magpaalaala sa kanya na kahit kailan, hindi sa lahat ng pagkakataon ay puwede siyang maging masaya
At ngayon naman, ang ulan mismo ang nagdala sa kanya para aminin na niya ng buong puso ang totoong nararamdaman niya para dito.
She answered his kisses by kisses. Kung gaano kainit, sinusuklian niya ng doble. The rain drenched them both to the sand.
Ni hindi na niya alam kung ulan pa ba ang mainit na likidong naglalandas sa kanyang pisngi.
Why do they have to get married like this for her to realize this?
She don't want him to see her as the spoiled brat again. But how can she let go of him now?

I Love You The Best (Haesoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon