Kabanata 24

112 7 9
                                    

Kabanata 24


Ano ba 'yan dapat tinanong na niya 'yong status ng love life ni Tray!


Hina naman ng interviewer.


Bakit wala si Chloe?


Sayang wala si Chloe mas nakakakilig sana though puro personal naman tinatanong ni Tanya kay Tray.


OMG! Ang guwapo ni Tray!


Ilan lamang iyan sa mga nababasa kong komento sa katatapos na interview ko kay Tray. I gritted my teeth, 10 minutes lang ang binigay na time sa amin para sa interview malamang hindi ko maitatanong ang mga 'yan.


Good thing na rin dahil gusto ko na makalayo at agad na makauwi. This day is too much. I couldn't take it anymore. Pagkatapos ng interview ay agad na akong pumunta sa dressing room para kunin ang aking mga gamit. Hindi ko na hinintay na makapagpaalam sa kampo nila Tray. Si Mr. Juanisto na ang bahala. Sinabi ko na lang na biglang sumakit ang tiyan ko at gusto ko na umuwi.


Habang naglalakad pabalik sa apartment, tumutulo ang luha ko. Nakayuko ang ulo ko habang nagiingat na lang akong naglalakad para wala akong mabangga.


Hindi ko na siya makilala pa. lahat ng mga sinasabi niya kanina ay tagos sa puso at hindi ko na maintindihan pa. Dati naiintindihan ko pa siya, ngayon hindi na. Siguro... napagod na rin anag puso kong intindihin siya.


Because of too much understanding for him, I already neglected to understand my own feelings and emotions. Siya na lang palagi ko inaalala. Siya na lang pala ko iniintindi. Paano naman ako?


Funny how things between us ended so very fast without my anticipation. Hindi lang relasyon namin ang nawala pati ang relasyon namin bilang magkaibigan.


Sayang. Paulit-ulit na sinasabi ng isipan ko ang salitang sayang. Sayang ang pagkakaibigan. Sayang ang siyam na taon. Sayang ang matagal naming relasyon bilang magkaibigan. Sana hindi na lang ako nagtake ng risk. Sana pinigilan ko na lang.


Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Naalala ko na naman iyong mga alanganin ko noon, ito na nagkatotoo na nga. Ang sakit.


Painful is such an understatement. Masyadong nadurog ang puso ko.


Wala na...


Natapos na.


Ang walang hanggang pagkakaibigan, natapos na rin.


Hindi lang ako nawalan ng boyfriend... pati bestfriend... na akala ko makakasama ko buong buhay ko.


Hindi ko maiwasang magsisi. Iniisip ko, kung nanatili kaming magkaibigan hanggang ngayon siguro maayos pa rin kami. Hindi ako sobrang nasasaktan ngayon. Hindi niya rin ako masasaktan.


Why, Tray? Bakit? Ano'ng kulang?


Insecurities building up once again. Mr. Avenida's words kept on playing on my mind.

Hanggang Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon