Kabanata 15

82 6 7
                                    

Kabanata 15


"Gusto rin kita... Tray," ulit ko.

Limang segundo... sampung segundo... wala pa ring nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin na parang hindi naniniwala. Titig na titig din ako sa mukha niya. Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko. Dahil sa ulan, mas lalo akong nanlamig. Konti na lang ay mahuhulog na ang payong na hawak ko dahil sa sobrang panginginig ng kamay ko.

"P-pagod ka lang. Umuwi ka na, Tanya," nanikip bigla ang puso ko. Ang luhang pinipigilan ko ay lumabas na.

"H-hindi ko rin alam kung kailan nag-umpisa. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko rin sinasadya. Ayoko... pero hindi ko na rin mapigilan, Tray," yumuko ako para itago ang mukha ko.

"Ang hirap. Ayokong dumating tayo sa puntong magkakasiraan tayo. Pero tama ka, it's all about risks. Love is a risk. Hindi natin malalaman hangga't hindi natin susubukan. Kakapit na rin ako sa 'malay natin.'"

"This is worth the risk, Tanya. Gamble with me. Sigurado ako rito." Mas naiyak ako rito sa sinabi ni Tray.

"Paano kung hindi? Paano ako? Paano tayo?"

"Tayo. Pangako." I closed my eyes, still afraid, but what can I do? It's my heart that is telling me to gamble in this love.

"Paano nga kung hindi?" I almost whispered.

"Ipipilit pa rin natin, Tanya. Alam kong masyado pa tayong bata para maging sigurado sa hinaharap pero habang papunta na tayo doon, papatibayin natin ang relasyon natin. Sa bawat araw na dadaan mas tatatag tayo, pangako. Para kapag dumating tayo sa punto na pagod na tayo, may panghahawakan tayo para hindi sumuko."

Umawang ang labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Maniwala ka, Tanya, kaya natin 'to. Enjoy lang natin. Wala namang magbabago eh. Simula noon hanggang ngayon at pati kinabukasan magkasama pa rin tayo. Pangako. Hindi kita iiwan."

And I know the moment I stepped that crossed line... everything changed.

Wala kaming pinagsabihan na kami na. Hindi na rin siya nanligaw pa at agad ko na siyang sinagot. Para saan pa? Gusto naman na namin ang isa't-isa. Matagal na rin kaming magkasama. Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa. The courtship? He can always do that... every day.

Hindi namin pinagsabi pero hindi ibig sabihin na tinatago namin. Kung makahalata sila at tatanungin kami... willing kaming sabihin. Hindi ako iyong tipo ng babae na ipangalandakan ang ganitong bagay. I prefer the private. I prefer lowkey. Si Tray naman, okay lang siya sa kahit ano. After all, it's all about understanding each other.

"JS Prom natin sa February 14, sasama ka naman ano?" lumingon sa akin si Tray. Ang haba ng pila dito sa canteen, lunch na kasi kaya siksikan. Nagpunas muna ako ng pawis bago siya sinagot. Habang nagpupunas ng pawis, pinapaypayan niya ako gamit iyong pamaypay na palagi kong dala.

"Ano'ng date na ba ngayon?"

"29."

Ang bilis ng araw. It's been two weeks pala nung maging kami ni Tray. Bumuntonghininga ako at nagkibit balikat.

"Oy dapat sumama ka..." nanlalaki ang mga mata niya. Lumapit din siya sa akin sa ako binulungan. "1st monthsary natin 'yon."

Uminit ang pisngi ko. Oo nga!

"Tingnan ko." Saka ako nag-iwas ng tingin.

Those kinds of events are not my thing. Sa kainan p'wede pa. Baka sa kainan part lang siguro ako mageenjoy kung sakali mang sasama ako.

Buong araw akong ginugulo ni Tray sa JS prom na 'yan. Sasama raw kasi siya. Gusto niya ata mapanatag na sasama ako eh hindi pa naman ako umo-oo sa adviser namin. Bukas na kasi ang deadline ng pagcoconfirm kung sasama bas a JS prom o hindi. Sa February 1 na rin daw kasi maguumpisa iyong practice shit kuno sa JS prom na 'yan.

Hanggang Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon