★One-Shot★

67 4 2
                                    

"Hai!Ako nga pala si Zyrene Santos.At ito naman ang pinakamamahal kong boyfriend."Hinila niya ang lalaki at inakbayan niya ito."Uy!Magpakilala ka naman."Binangga ng mahina ni Zyrene yung lalaki.

"Hai.I'm Ace Villanueva."Walang kagana-ganang pagsasalita ng lalaki.

Pumasok sila ngayon sa isang mamahaling Restaurant para sa date nilang dalawa dahil 1st Anniversary nila ito ngayon bilang magsyota.

"Hon.Dun na tayo umupo."Wika ni Zyrene kay Ace.Pero tila nanlaki ang mga mata nito."Bakit anong meron?"

"Wa..Wa..Wala..Babe pwede sa ibang Restaurant na lang tayo?Ayoko ng maraming tao kapag nagda-date tayo.Gusto ko konti lang para hindi maingay."Nauutal na pahayag ni Ace kay Zyrene.Nagkibit balikat lang naman si Zyrene at sa isip-isip nito may punto si Ace.

"Fine.Pero saan?"Walang kaalam-alam na tanong ni Zyrene kay Ace.

"Basta.Tara na."Hinila agad ni Ace si Zyrene ng mabilisan na akala mo'y hindi niya ito girlfriend.

Lumabas agad ang dalawa at sabay na muli silang naglakad.

Huminto si Ace sa paglalakad."Babe.Wait lang naiihi lang ako."Namamawis ang mukha ni Ace habang nagsasalita.

"Ha?Walang malapit na Comfort Room dito."Sagot naman ni Zyrene.

"Dun na lang ako sa Restaurant na pinuntahan natin kanina."Mabilis na sagot ni Ace kay Zyrene.

"Wait.Sasama na ako."Mahinahony tugon ni Zyrene kay Ace.

"Huwag na.Mabilis lang ako.Dyan ka lang."Sagot naman ni Ace kay Zyrene at agad-agad itong kumaripas ng takbo.

Umupo na lang si Zyrene sa may bench na kalapit ng isang puno ng narra.Nagtataka siya kung bakit iba ang mga kinikilos ni Ace.Pero hindi niya ito pinagdududahan dahil may tiwala siya dito at isang taon na din silang magsyota.Habang nakaupo siya sa bench nag-iisip siya ng mapaglilibangan at may nakita siyang isang matulis na bato.Kinuha niya ito at umukit sa puno ng Narra na ang nakalagay ay ZyrAce Forever pinagsamang pangalan nila ni Ace.Mahal na mahal niya talaga ang lalaki na halos 100% ng tiwala ay binibigay niya dito.

"Babe.Ano yang sinusulat mo?"Tanong ni Ace habang papalapit na naglalakad patungo kay Zyrene.

"Tadaa!"Masayang sigaw ni Zyrene habang shini-shake yung kamay niya na nakaturo sa inukit niya.

"Wow.Ang sweet naman ng Babe ko."Nakangiting wika ni Ace kay Zyrene at saka ito hinalikan sa labi pero saglit lang.

"Syempre!Mahal na Mahal yata kita."Biglang niyakap ng mahigpit ni Zyrene si Ace na akala mo'y wala ng bukas.

Hinarap ni Ace si Zyrene sa kanya."Babe.Alam mo para kang Globe."Seryosong banggit ni Ace.Magpipick-up line siya kay Zyrene.

"Bakit?"Nakangiting tanong ni Zyrene dito.

"Kasi abot na abot mo at hawak mk na ang mundo ko."Saad ni Ace na nagpapula ng pisngi ni Zyrene na ikinaganda din nito."Babe.Huwag ka nga magpa-cute.Baka maagaw ka pa sa akin ng iba."Dagdag ni pa ni Ace na nakapagpatungo na ng ulo ni Zyrene."Uy!Ano ba harapin mo ko.Hahaha!"Tumawa ng mahina ang lalaki.Alam niyang namumula pa din yung babae hanggang ngayon.

*Tsup!*

Hinalikan naman ngayon ng babae ang lalaki.Alam talaga ng babae sa sarili nito na mahal na mahal niya si Ace.

"Alam mo huwag na tayo mag-date."Pahayag naman ng lalaki ng ikinalungkot ng mukha ng babae.

"Bakit?"Malungkot na tanong ng babae.Ayaw niya masira ang date nila dahil 1st anniversary nila ngayon.

Minahal kita,Kaso ginawa mo lang akong Tanga!(One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon