Kabanata 03
Kinabukasan, araw ng Linggo, makikitang nasa garahe si CJ habang nililinis ang kotse ni Enrico.
Nasa ganoong kalagayan siya na hawak ang hose nang biglang dumating si Morgana.
"Hoy CJ, pwede bang pakibili mo ako diyan sa grocery ng limang flavored beer. Ngayon na!" malakas ang tono ng boses ng dalaga.
Dahil sa pagkakagulat ni CJ sa lakas ng boses ni Morgana ay di sinasadyang matapat kay Morgana ang hose na hawak niya kaya napasigaw ang dalaga nang mabasa ito.
"Aaaaahhhh!!!! Ano ka ba CJ? Bakit mo ako binasa?"
Nataranta naman si CJ. Agad niyang binitawan ang bukas na hose at dali-daling dinampot ang pamunas ng kotse para ipahid sana sa damit ni Morgana. Nang makita naman ng dalaga ang pamunas ay nagsalita siya.
"Hoy ano ba? Bakit yan ang pamumunas mo?" masungit na wika ni Morgana.
Dahil doon ay binitiwan din agad ng binatilyo ang pamunas ng kotse at saka niya idinampi ang kamay sa itaas na bahagi ng suot na tshirt ni Morgana kaya naman napadikit ang palad niya sa dibdib ng dalaga.
Nagulat si Morgana dahil doon.
"Bastos ka! Bakit mo ako hinipuan?" galit nitong pagkakasabi.
"S-sorry po Ma'am!" ang natatarantang sagot ni CJ. "Natataranta kasi ako."
"Loko ka! Ano bang papagpagin mo sa damit ko? Eh tubig ang bumuhos sa damit ko, hindi naman alikabok? Bastos ka talagang bata ka!"
"Sorry po talaga Ma'am. Saka wala naman akong naramdaman... Mukha namang nakabra ka."
"Sabihin mo bastos ka lang. You're so pervert!"
Dahil doon ay dinampot ni Morgana ang hose at galit na galit na itinapat sa binatilyo kaya basang-basa na din si CJ.
Nang biglang lumabas si Enrico. Naabutan niya ang ginagawa ni Morgana kay CJ.
"Morgana, stop! Bakit mo binabasa si CJ?"
"Buti na lang, lumabas ka Dad. Alam mo ba ang ginawa ng bastos na batang 'to sa akin. Binasa niya ako at hinipuan sa dibdib." sumbong ni Morgana sa ama.
Bumaling si Enrico kay CJ "totoo ba 'yon?"
"Sir, hindi ko po sadya. Nataranta lang po kasi ako. Sorry din po..."
Dahil doon ay muling nagwika si Morgana, "Anong hindi mo sadya? Sinadya mo. Itinapat mo sa akin ang hose kaya nabasa ako. Tapos, hinipuan mo din ako dito."
"Sir hindi po. Nagulat lang po talaga ako. Saka natataranta lang ako kaya nahipuan ko siya."
Nagsalita si Enrico, "Alam nyo, masyado akong stress kaya huwag na ninyong dagdagan pa." sabay baling kay CJ, "ah CJ, tapos mo na ba linisan ang kotse?
Tumango si CJ "Opo ser!"
Ngitngit naman ang naramdaman ni Morgana. Inaasahan niya kasing kakampihan siya ng Daddy niya ngunit balewala lang sa kaniya 'yung nangyari. Kaya naman tumalikod na siya at siya na lang ang pupunta sa grocery store para bumili ng alak niya.
Noon din ay umalis na rin si Enrico sakay ng kotse kaya naiwan na lang sa kinatatayuan niya si CJ.
Habang nakatayo si CJ ay napangiti siya dahil sa pagkakadaiti ng palad niya sa dibdib ni Morgana. Sayang nga lang at totoong di niya iyon naramdaman dahil nakabra ang dalaga. Bigla naman niyang hinubad ang nabasang tshirt niya at pinunas ito sa kaniyang katawan.
Nasa ganoon siyang kalagayan nang biglang dumating si Lulu. Ngunit pagpakita ni Lulu sa hubad na katawan ni CJ ay nailang siya. Bigla niyang iniwas ang mata niya sa pagkakatingin dito.
"Ikaw pala, Lulu. May kailangan ka ba?" tanong ni CJ kay Lulu.
"Ah a e wala. Sige diyan ka na!" sagot nito sabay alis.
Nagulat naman si CJ sa naging gawi ni Lulu. Usually, tatarayan din siya neto pero bigla lang siyang dinedma.
Sa totoo lang, di lang basta nailang si Lulu nang makita niya si CJ na nakahubad pangitaas. Ang totoo, di pa rin maalis sa isip niya ang ginawa niyang pagpapantasya sa binatilyo kagabi. Sa sobra yatang wild ng kaniyang imagination kagabi ay nagkaroon ng epekto sa kaniya. Bigla siyang nahiya kay CJ dahil alam niyang walang gusto ang binatilyo sa kaniya.
Samantala, patuloy pa ring iniisip ni CJ ang nangyaring nadaiti ang kaniyang kamay sa malusog na dibdib ni Morgana. At kahit nung nasa eskwela siya ay naiisip niya pa rin ang maganda't sexy'ng anak ng amo niya.
Tulala noon si CJ habang nagsasalita ang kanilang guro na si Miss Didi Quintos. Tungkol sa reproduction ang lesson nila ngunit walang nauunawaan si CJ sa sinasabi ng kanilang teacher gawa nang pinagpapantasyahan niya si Morgana nang mga sandaling iyon. Kaya naman dahil sa pagiging tulala niya ay napansin siya ni Miss Quintos.
"Medrano, nakikinig ka ba sa akin?" tanong ni Miss Quintos
Hindi umiimik si CJ. Nakatulala pa rin. Dahil doon ay kinalabit na siya ng classmate niyang si Ison. "CJ, tawag ka ni Ma'am."
Napatingin bigla si CJ kay Ison, "ha?" sabay tingin sa kanilang guro, "Ma'am...?"
"Medrano, nagsasalita ako dito tas hindi ka nakikinig! Ang sabi ko, what is fertilization?"
Tumayo si CJ, "Ma'am, fertilization is a reproductive process in which the sperm cell of a male person unites with egg cell of a female person. And during the process, the chromosomes of the sperm and egg will merge to form a zygote, which will devide to form an embryo."
"Ok correct Medrano. Please take a seat." wika ng kanilang teacher.
Noon din ay umupo na si CJ. Muli namang magsasalita si Miss Quintos ngunit nagtaas ng kamay si CJ. "Ah Ma'am..."
"Ano 'yon Medrano?"
Tumayo si CJ, "Maari po ba ninyo ipaliwanag sa amin kung paano po magyu-unite ang sperm cell at egg cell.."
Natahimik si Miss Quintos. Paano nga ba niya ipapaliwanag? Noon din ay nagsalita siya.
"Loko ka Medrano! Kailangan ko ba talagang ipaliwanag kung paano magyu-unite 'yong mga yon? Umupo ka na nga! Gets nyo na 'yon kung paano!"
Nagtawanan naman ang lahat ng estudyante sa room na iyon.
itutuloy ...
BINABASA MO ANG
GUSTO KITA
RandomAng kuwentong ito ay Rated SPG dahil sa ito ay may temang sekswal at mga lengwaheng hindi angkop sa mga batang mambabasa.