Gusto Kita
Story by Right HandMga tauhan
CJ Medrano
Enrico Robles
Lulu Robles
Morgana Robles
Morrison Pineda
Norita MedranoHuling Kabanata
Kinabukasan nang umaga, malungkot na nag-iimpake ang mag-inang Norita at CJ dahil uuwi na lang sila sa kanilang kamag-anak sa Tarlac. Doon na sila maninirahan sa kapatid ni Norita na si Doris.
Habang inilalagay ni Norita ang mga damit niya sa malaking bag ay ganoon din ang ginagawa ni CJ. Inilalagay niya ang mga damit galing sa cabinet sa kaniyang bag.
Malungkot na nagsalita ang binatilyo, "Nay, sorry po. Alam ko, disappointed kayo sa akin. Panigurado, kung buhay lang ngayon si Tatay, binugbog niya din ako."
Itinigil sandali ni Norita ang ginagawa at lumapit sa anak at niyakap ito.
"Pinatatawad na kita anak. Pero hindi ko talaga kasi lubos maisip, ano bang ginagawa mo at ang bata bata mo pa, masyado kang naging mapusok."
Hindi nagsasalita si CJ. Nananatiling nakayakap ang ina niya sa kaniya. Yumakap na rin siya noon.
Muling nagsalita si Norita.
"Haayyy, bakit ba kayong mga kabataan, masyadong hayok sa sex? Masyado kayong nagpadala sa sarap na dulot nito. Alam mo ba na ang sex ay exclusive lang sa mag-asawa? Kahit ang magkasintahan pa lang, hindi pinapahintulutang gawin iyon. De lalo na kung sa hindi nyo jowa..."
Sa totoo lang, ngayon lang narinig ni CJ ang tungkol sa sinabi ng ina.
"Pero 'nay, masarap po kasi ang dinudulot nito.."
"Yung sarap na sinasabi mo, hindi pa rin dapat maranasan 'yan ng magjowa pa lang o nung tinatawag nilang magka-FUBU. Kasi 'yang sarap na 'yan, 'dyan ka din makakagawa ng kasalanan gaya ng panghahalay pagka naging hayok ka na nang todo. Maari ka din makakuha ng sakit kung di mo na mapigil ang pagkahayok at kung kani-kanino ka na lang nakikipagsex. Ang sex, sabi ko nga, exclusive lang 'yon sa kanilang mag-asawa. At ang mag-asawa lamang ang may karapatang bumuo ng bata na magiging bunga ng pagmamahalan nila. 'Yun ang porpose ng reproduction. Kasi kung bubuo kayo ng bata at hindi naman kayo mag-asawa, anong magiging buhay ng bata? Kung sasabihin mo naman na pakakasalan mo 'yung nabuntis mo, ang labas nun ay hindi pa rin sa tamang proseso nabuo ang bata. Ang bata, kailangan siyang mabuhay na nasa loob siya ng isang tahanan o pamilya. Yung may nanay at tatay na binasbasan sa kasal. Hindi 'yung nanay at tatay na 'yung isa, may asawang iba, 'yung isa, dalaga o binata pa lang, o kaya'y hindi pa sila mag-asawa talaga."
"Pero nag-iingat naman kami. Hindi namin hinahayaan na may mabuo..."
"Hijo, mali pa din iyon. Huwag nating ipilit na maging tama 'yung mali. Isa pa, menor de edad ka pa. Saka ayan, muntik ka pang mapatay ni Sir. Buti na nga lang talaga, hindi ka na niya kakasuhan..."
"Pero sorry pa din po Nanay. Dahil sa nangyari, mawawalan na tayo ng trabaho... sorry po talaga." noon din ay tumulo na ang luha ni CJ.
Paalis na noon ang mag-ina nang lumabas galing kuwarto niya si Lulu upangmapigilan pa sina CJ.
Papalabas na sila sa gate nang marinig nila si Lulu.
"Wait, hindi kayo aalis. Walang aalis.. CJ, huwag mo ako iwan.."
Nasa likuran ni Lulu noon si Enrico. Ganundin si Morgana.
"Hayaan mo na sila Lulu. Mabuting mawala na sila dito dahil ayokong..."
"But Dad, I love CJ." sagot ni Lulu. Hinawakan nito ang braso ng binatilyo.
"Lulu, alam mo ang ginawa ng lalaking 'yan sa ate mo. Hayaan mo na sila or else, nandito sila pero itutuloy ko siyang kasuhan."
BINABASA MO ANG
GUSTO KITA
RandomAng kuwentong ito ay Rated SPG dahil sa ito ay may temang sekswal at mga lengwaheng hindi angkop sa mga batang mambabasa.