1

15 0 0
                                    

I miss you nagulat ako sa natanggap kong message mula kay Ace. I know he is in a relationship this time and so I am. It's been years since the last time I saw him and I know deep in my heart I miss him so badly, He is the love i can never had and I still remember the time he ask me not to fall inlove with him.

<throwback>
Eila, gusto mo ba ko?  di ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, kung sasabihin ko ba ang totoo na mahal ko na sya o magpapanggap na kuntento na ko sa kung anong meron kami, di ko alam kung pano kami humantong sa ganitong set up, basta ang alam ko lang broken hearted ako non at sa kanya lang ako komportableng magsabi ng lahat ng nararamdaman ko ng mga oras na yun, ito yung panahon na ayokong mahusgahan ng mga taong malalapit sa akin, kaya sya ang napili kong kausapin, he is not my friend that time, we just have a mutual friend so we know each other, sya yung isa sa tao na pagnakasalubong ko ay masasabi kong kakilala ko, hindi ko sya tinuturing na kaibigan, basta kakilala lang, pero nagulat nalang ako isang araw mahal ko na sya

Please Eila, kung magmamahal ka wag ako, wag mo kong mahalin.
hindi pa man ako nakakapagreply sa kanya ay nagmessage na sya ulit sakin, nung oras na yan di ko namalayan na umiiyak na pala ako

bakit naman? tanong ko nalang sa kanya, kahit alam kong masakit ang magiging sagot nya ay tinanong ko nalang para naman hindi nya mahalata na nasasaktan na ako.

Basta wag ako. wag mo kong mahalin

Hahahaha, feelingero ka naman, di porke may nangyari satin ay mahal na kita.

di ko alam, tumawa nalang ako kahit nasasaktan na ako, dahil alam ko sa mga panahong yun, mananatiling bed buddy kami. Sa akin ang katawan nya pero hindi kailanman ang puso nya.

Eila? bumalik ako sa realidad ng magmessage sya ulit sakin

oh? kamusta? kilala mo pa ko? hahahaha

oo naman, ako pa ba?

hahahah, takte di pala tayo friend dito sa fb?

kaya nga, hahahah, di ko rin napansin, i miss you, di mo ba ko namimiss?

miss na miss kita kung alam mo lang, pero alam kong mali, may boyfriend ako at base nalang sa gamit nyang profile picture alam kong may girlfriend din sya, back with the old days, na pag nag-aaway kami non ng ex ko sya ang takbuhan ko, sya ang katabi ko sa kama, na kahit pareho kaming nasa relasyon di ko alam kung bakit sya at sya pa rin yung gusto kong piliin, na pag magkasama kami kahit na alam kong mali parang tama pa rin ang lahat, siguro hindi lang nila kayang pantayan yung magmamahal na meron ako para sa kanya

Namimiss syempre sagot ko nalang din sa kanya. Tatlong taon na mula nung huli kaming nagkita, I don't wanna cheat with my current boyfriend, I know I love him pero di ko alam parang sa isang message nya ng I miss you nabuhay ulit yung pagmamahal na matagal ko ng itinago para sa kanya

bakit ba kasi hindi tayo friend dito? hahahaha, wala kong makausap para na kong mababaliw lagi.

miss na kita,  di ba tayo magkikita?

hahahaha, di ako pwede baliw, dito jowa bahay, next time siguro

haixt, sige sige next time, kainis miss ko na kasi yung ano, alam mo na yun, wahahahahaha

hahahahah, luko ka. bawal. kamustahin mo naman ako, puro ka kalokohan eh

Oh kamusta ka ba?

ok naman. hahahaha, maya ka na chat baka makita ni jowa.

haha, geh geh

I am now in a serious relationship, siguro kaya di ko rin namalayan na matagal na pala kami hindi nagkakausap dahil masaya naman na ko ngayon, mahal ko yung jowa ko, actually we already living together and I never see myself lying beside him anymore. not until today. napabuntong hininga nalang ako at napahawak sa dibdib ko na parang bang kinakapa at hinahanap yung pagmamahal na meron ako para sa kanya noon, I don't wanna cheat anymore.

Cheating with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon