Valentines Special :)

78 1 4
                                    

Kaninang umaga pa ko nakasimangot. Paano ba naman, lahat na ata ng katrabahong nakakasalubong at nakakatabi ko, iisang tanong lang ang ibinabato sa akin.

"Sinong ka-date mo?"

Kapag sinagot mo naman ng "Wala", hindi maniniwala. O di kaya, tatawanan ka pa!

Sinong hindi mababadtrip dun?! >:-/

Uwian na. At nandito kaming lahat sa locker. Halos lahat nagkakagulo dahil may kanya-kanyang date.

Hindi na ko makikisali sa kanila, malaki na sila. =_____=

Napalingon ako ng may tumapik sa likod ko. Si Grace pala.

"Hoy, bruha. Valentines na Valentines, nakasimangot ka. Wala ka bang---"

"Sige. Ituloy mo yang sinasabi mo, tutuluyan ko din yang mahabang buhok mo!" Pinandilatan ko pa sya. Nakakaasar eh. =_____=

"Hahahaha! Eto naman, ang init agad ng ulo. Cool ka lang, bru. Cool, you know?" :D

I just gave her a cold stare then back to what I'm doing.

"Ewan sayo. Makauwi na nga!"

"Teka! Sabay-sabay na tayo nina Ruth, palabas na rin naman kami."

Wala na kong nagawa kundi hintayin silang matapos sa pagkukulay ng kanya-kanyang mukha. I just rolled my eyes.

Mabilis naman silang natapos kaya niyaya ko na agad silang lumabas.

Nang nasa labas na kami, magpapaalamanan na sana kami ng may itim na van na bigla na lang huminto sa harapan namin. Sabay-sabay pa kaming napaatras.

"Kikidnapin ata tayo, boi!" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Rissa. O______O

"H-hindi naman siguro." Nangininig na sabi naman ni Ruth. =S

"Batuhin na lang natin para matakot ng lumabas!" Matapang na sabi ni Rose.

Akma na kaming kukuha ng mga bato ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng van sa likuran. Handa na sana kaming kumaripas ng takbo ng matigilan ako. May naririnig kasi akong tunog.

Gitara? May naggi-gitara sa loob ng van? O_o

"Teka lang..." Pigil ko sa mga kasamahan kong magkakanya-kanya na sanang pulasan.

Natigilan din sila. Kabilang na ang mga kasamahan din namin sa trabaho.

Malakas ang tunog ng gitara na tila naka-attach iyon sa isang malaking speaker.

Now Playing: TRUE

by. Ryan Cabrera

"I won't talk, I won't breath... I won't move till you finally see that you belong with me..."

Inaninag ko ang pigura ng lalaki sa loob. Pamilyar ang boses nito.

Parang boses ni... Panget? O_o

"You might think I don't look... But deep inside in the corner of my mind, I'm in touch to you..."

Dahan-dahang lumabas ang lalaki sa loob ng van.

=___=

o__o

O___o

When I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon