The life after Marriage

188 5 1
                                    


"Simon ano na naman ba ang ginagawa mo!? Kanina pa kita tinatawa-" napatigil si Yumi sa pagsigaw ng makita nya si Simon na nakatulog na sa sofa

Imbis na magalit ay napangiti pa sya kanina nya pa tinatawag ang asawa dahil nagpapatulong sya sa pag aayos ng gamit na dadalhin nila sa bakasyon nila

It's been six months since they're married masaya at hindi maiiwasan magtampuhan pero parte yun ng buhay mag asawa hindi hinahayaan ni Simon na matulog sila ng hindi nagkakabati

Pupunta sila sa Japan sa isang araw kaya naghahanda na sila simula kasi ng pagkakasal nila ay hindi pa sila nagkakaroon ng matinong honeymoon dahil inasikaso muna ni Simon ang kailangan nya sa company wala naman problema sakanya yun dahil pinapayagan din naman sya ni Simon na ipagpatuloy ang pagiging Doctor nya

"Ang lamig nilalamig ako " yumakap ng mahigpit si Simon kay Yumi nakadating na sila sa Japan at winter kaya hindi sanay si Simon dahil matagal na din naman syang hindi nakakapunta sa ibang bansa

"TSS." Nagulat si Simon ng ayun ang sabihin sakanya ni Yumi

"Wife Are you hungry? What do you want I'll cook for you " paglalambing nya kinuha nya ang kamay ni Yumi at pinaglaruan yun

"Hindi hindi ako gutom naiinis ako Simon .nakakainis yung amoy mo ang baho!  " irita nyang sabi

"Huh!? But you love this scent ikaw pa ang nagregalo sakin " takhang tanong ni Simon at inamoy amoy pa ang sarili

Tama ang sinabi ni Simon ang pabango ay regalo ni Yumi sa kanya noon birthday nya

"Basta mabaho maligo ka "

"Ang lamig lamig kayaa"angal ni Simon na parang bata

"Anong ginagawa ng heater Simon? Dun ka na maligo ka na "pinagtabuyan ni Yumi ang asawa

Si Simon naman ay nakasimangot na sinunod ang sinabi ng kanyang asawa dahil wala naman syang magawa

"Fuck! You scared me " gulat nyang sabi dahil pagkalabas na pagkalabas nya ng Cr ay nakita nyang nag aabang sakanya si Yumi na nakangiti ng malawak

"Hi darling " nanlaki ang mata ni Simon ng yakapin sya ni Yumi at inamoy-amoy pa

"It's cold let's do something fun " mas lalong gulat na gulat si Simon sa inakto ng kanyang asawa

Kung kanina ay halos pagtabuyan din sya ng asawa ngayon naman ay si Yumi mismo ang lumapit sakanya .

"Yuri how many times do I need to tell you !? I don't like this food " nagkatinginan si Simon at si Yuri dahil sa pagtataray ni Yumi

Kahit si Yuri na mataray talo pa din sya ni Yumi sa katarayan nya ngayon

"How many times do I  tell you too that I want this if you dont want then don't eat that's easy " asar na sabi nya

"TSS. I told you it's smells bad "

"Calm down ladies" pag awat ng kanilang ama si Simon ay takhabg takha na talaga sa inaakto ni Yumi simula kasi nung dumating sila sa Japan ay paiba iba ang mood ni Yumi

Isang linggo na sila na sa Japan at isang linggo na din nagtataka si Simon  kadalasan ay nagsusungit si Yumi hindi lang sakanya kung hindi pati kila Yuri at kila Kheijie tapos ang pinagtataka nya  pa kung dati ay ayaw ni Yumi ng sushi ngayon ay kain sya ng kain May mga pagkain din na weird na pinagkakain ni Yumi gaya na lang ngayon

Na halos di maipinta ang mukha ni Simon habang nakatingin kay Yumi na enjoy na enjoy kumain ng apple na may mayonnaise

"Ahhh" nakangiting sabi ni Yumi habang binibigay kay Simon ang apple na May mayonnaise

The Love of Silence (Simon Marcos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon