1

5 1 0
                                    

Nagmahal ka na ba?

Nasaktan ka na ba?

Iniwan ka na ba?

Pinaasa ka na ba? Sinabihan ka na ba na ikaw lang ang mahal niya at mamahalin habang buhay at pakakasalan pa!

Pero ano, asan siya ngayon?

Ayon...

Ando’n at masaya sa iba habang ikaw ay nagmumukmok, nagkukulong, at nag-iiiyak sa kwarto mo at gabi-gabing nag-iisip at iniisip kung saan ka nga ba nagkulang!

Kung bakit niya nagawang mag-hi sa iba, kung bakit niya nagawang mag-chat sa iba, kung bakit niya nagawang makipag-date sa iba, kung bakit niya nagawang makipaghalikan sa iba habang kayo pa!

Lintik nga naman, nadali pa ng isang red flag.

Nagmahal ka lang naman ah! Bakit ka itatrato ng ganiyan pabalik?

Bakit ka niya pinapaiyak sa gabi?

Bakit hindi ka niya naisip noong mga panahong kayo pa pero may ine-entertain na siyang iba?

Bakit hindi ka niya nirespeto?

Bakit niya nagawa ang mga ‘yon?

DAHIL GAGO SIYA.

Dahil pinili niyang maging gago na tao at hindi mo kasalanan iyon.

Dahil mas gusto niyang maging gago kaysa makasama at mapabilang sa mga taong seryoso.

At hindi mo kasalanan iyon.

Hindi mo kasalanan na nagmahal ka ng gago.

Hindi ko kasalanan na nagtiwala ka sa isang gago.

Hindi mo kasalanan kung bakit ka umiiyak at nasasaktan ng dahil sa isang gago.

Hindi kasalanan ang magmahal.

Ayos lang na umiiyak ka sa gabi ng dahil sa kaniya, nagmahal ka, eh.

Ayos lang na nahihirapan kang i-let go siya dahil nasanay kang andiyan siya palagi na sinasamahan ka, na dinadamayan ka.

Ayos lang na umaasa ka pa rin na magbabago siya.

Ayos lang.

Pero sana...

Tandaan mo ang halaga mo.

Tandaan mong deserve mong maging masaya.

Eh, pa’no kung sa kaniya ka masaya?

‘Wag mong paikutin ang mundo mo sa kaniya. Masyadong malaki ang mundo para isiksik mo ang sarili mo sa isang taong hindi nakikita ang kahalagahan mo.

Madaling sabihin, ano?

Ang hirap nga lang gawin.

Naiintindihan kita, hindi kita pinepressure. Ikaw naman ‘yan, eh.

Ikaw lang naman ang makakatulong sa sarili mo.

Wala namang time limit at deadline ‘yan.

Basta kapag nakaahon ka na, ‘wag mo ng kalimutan ang sarili mo, ha? Ang halaga mo.

Palagi kang magtitira sa sarili mo.

Mahalin mo ang sarili mo higit na kaninuman.

-----

xoxo, ryl.

RYL's RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now