2

4 0 0
                                    

Napapaisip ka ba minsan kung mayroon bang taong nakatadhana para sa 'yo?

May nilaan kaya ang Panginoon sa 'yo?

May makakasama ka kaya hanggang sa pagtanda sa hirap at ginhawa?

May balak ba si kupido na tamaan ka ng pana niya?

May tao kayang darating sa buhay mo para batiin ka araw-araw ng 'good morning' at 'good night'?

O kaya taong magpapaala sa 'yo na kumain ka on time?

Ang sarap siguro sa pakiramdam no'n, 'yong tipong may taong nag-aantay sa 'yo sa pag-uwi mo.

May taong sasabayan ka sa bawat pagkain mo.

Mag-aalaga sa 'yo sa tuwing magkakasakit ka at handa kang samahan sa lahat ng lugar na gusto mong puntahan.

Kung sakaling mayroon man ngang para sa iyo, ipagdarasal ko na sana sa pagdating niya ay handa ka na...

Handa ka ng harapin ang lahat ng saya at lungkot, lahat ng problema at ginhawa, lahat ng failure at success na darating sa relasyong susubukin mong pasukin.

Na sana sa pagdating niya ay mabubuo niya  iyong puwang na mayroon ka sa buhay mo at gano'n din ikaw sa kaniya.

Sa ngayon, habang wala pa siya, hayaan mo munang maging masaya ka ng kahit ikaw lang dahil sa oras na dumating siya, huwag mo na siyang pakawalan pa.

Pero kung sakali man din na wala talagang inilaan sa iyo ang maykapal...

Lord, ba't naman gano'n? Lord, may suggestion daw siya... baka naman!

-----

xoxo, ryl.

RYL's RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now