1 Year Ago
Peach
Nandito ako ngayon kasama ang aking ate Keisha sa aming munting plaza habang nanonood sa aking kuya na nag lalaro ng basketball.
Maliit lamang ang aming plasa at masasabi mo gawa-gawa lamang ito at hindi pinag isipan dahil isang ring lamang ang nakalagay at hindi pa sementado. Katabi ng plasang ito ang bahay nga aming tiya kaya pwede kaming makapunta rito nang hindi pinapagalitan nina mama at papa.
Kay ganda ng panahon at sobrang sariwa ng hangin, hindi kagaya ng nasa syudad ka. Maririnig morin ang hiyaw ng mga nanood ng laro dahil maganda na ang laban. Hayyy, nakakapagod tumayo kung kaya't napag pasyahan namin ni ate na umupo muna sa maliit na papag na gawa sa kahoy sa gilid ng plasa. Pagkatapos naming umupo ay pinanunuod namin ang laro.
Kitang kita ko ang mga butil ng pawis na bumubuo sa katawan ng mga naglalaro na kasama nila kuya. Ramdam ko ang kanilang pagod dahil nasa 2rd round na sila.
Sa tuwing pumupuntos ang grupo nila ay pamapalakpak kami ng aking ate.
"Hooooh! Go kuya! "sigaw namin ni ate dahil umiinit na ang laban at lamang ang kalaban.
Hindi ko maiwasang tingnan ang lalaki na umagaw ng bola sa aking kuya at shinoot ito, kung kaya't mas nadagdagan ang puntos sa kabilang grupo.
Aaminin kong cute siya, hindi siya kagaya ng ibang lalaki na andaming abs. Siya ay may katamtamang kutis at chubby, medyo mahaba ang buhok at nakahati ito sa gitna. Hindi rin sobrang gwapo pero hindi rin pangit.
Siya yung tipo na pag kasama mo sa malapitan ay habang tumatagal mas lalong gumagwapo.
Hayy bakit ko ba naiisip ang lalaking iyon? Itinigil ko nalang ang pag-iisip sa lalaki at nag focus nalang sa laro.
Nasa huling round na ng laro at lamang ang kalaban nila kuya. Malapit ng matapos ang oras at nasa kabilang team ang bola, at iyon ay hawak ng lalaki. Pag na shoot nito ang bola ay siguradong sila na ang panalo.
At hindi nga ako nagkamali dahil sila ang nanalo.Napansin ko kanina na kapag shinu shoot ng lalaki ang bola ay tumitingin siya sa gawi namin. Siguro tititingnan niya ang aking ate dahil malabong hindi.
Maganda si ate Keisha at mas lamang lang siya sa akin ng isang paligo,pero charot lang dahil ako yata ang diyosa sa aming magkakapatid.
Napagpasyahan namin na pumunta muna sa bahay nila Auntie Prima para tumambay.
Sumunod din ang mga nasa kabilang team. Hindi ko alam na magkaibigan pala sila ni kuya Ryan.
Habang naglalara ng plant vs. zombie sa phone ni ate Keisha ay may tumawag sa akin, si kuya pala kasama ang lalaki na kanina ko pa napapansin habang naglalaro.
"Peach, si Arjay nga pala. " naghiyawan naman silang lahat maliban sa akin at sa lalaki na sinasabi nilang si Arjay.
Nang tingnan ko ang lalaki ay sakto namang tumingin siya sa akin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya dahil baka iniisip nito na kanina pa ako nakatingin sa kanya.
Papagabi na kaya napagpasyahan naming magkakapatid na umuwi na sa bahay.
Habang inaayos ko ang aking higaan ay hindi ko maiwasang isipin ang lalaki hanggang sa panaginip.
Hindi ko alam na yun na pala ang huli naming pagkikita.
BINABASA MO ANG
Mali at Tamang Pag-ibig
De TodoAng istoryang ito ay tungkol sa mali at tamang pagmamahal. Dito mo malalaman kung ok kapa ba sa ok lang o gusto mo namang maramdaman ang alam mong higit pa sa ok lang. *** Date started 11/06/22 On-going