I Love You, Goodbye // Chapter 17

22 0 0
                                    

=Tupe's POV=

Tulad ng sabi ni Janna, bumalik na daw kami, kaso ang problema pagbalik namin, wala na yung mga kaklase namin sa room.

PE time na pala, pwede na kaming maglaro ng kung ano basta dun lang sa mga lugar na pinaggaganapan ng sports or games. Sumabay na si Janna sakin papunta sa Gym, pero syempre hindi sa locker room haa? Magkahiwalay yun.

Hahahahahaha!

Pagkalabas ko hinintay ko si Janna sa labas ng locker room ng girls.

Napalingon ako sa kanya paglabas nya.

Wow *O*. Ang ganda nya pagnakatali yung buhok nya, pano ba naman, simula nagmeet kami nakalugay lagi buhok nya.

Tapos, ang sexy nya pa..

~(*+﹏+*)~

Tupe! Gising! Ano ba yang iniisip mo!!

"Tupee!! Okay lang ba?"-Mosh

"Y-Yes. Oo."-Me

Nganga parin ako. Grabe! Nag-iinit mukha ko dito.

Pano ba naman. Ang suot kasi ng Girls pagPE, T-shirt at shorts. Tapos may extra silang Jogging pants in case yun gusto nilang suotin.

"Hahahaha! Kuya!! Hahahaha! Your face!! Why are you blushing?!"-Mich

Nakoo!!! Nandito na ang kapatid kong happy-go-lucky. Hahahaha!

"A-Ahh? Ehh."-Me

"Hahaha. Sige una na ako sa labas, hintayin ko nalang kayo dun."-Mosh

Nagthumbs up pa sya ng dalawa sa amin ni Mich.

"Huyy! Ikaw kuyaa haa! Lalo mo syang nagustuhan noh? Dahil maganda't sexy sya. Dibaa? Nakoo!! Sasabihin ko kanila Mom and Dad yan mamaya. Hahahaha!"-Mich

Umalis na si Mich at pumasok sa Locker Room.

Ako naman tumakbo na sa labas at sumunod kay Mosh.

"Hi Miss, anong pangalan mo?"-Basketball Varsities

"Oo nga Miss, ang ganda mo."-Basketball Varsities

Nakoo. I smell fight huh.

"Excuse me?"-Me

"Christopher!"-Mosh

Hinarangan ko si Mosh sa mga varsity players.

Hindi sila tagarito sa school kaya di ko alam ugali nila. Mamaya, di pala sila good.

Galing sila sa ibang school, yung makakalaban namin sa basketball. Nandito sila para magpractice. At mamaya naman may practice din kami.

"Wow haa? Who are you? Bakit ka nandito?"-Boy 1

"Eh school ko 'to eh. Bakit ba?"-Me

"Talaga? Kung ayaw mo ng gulo, ipahiram mo na samin si Miss ganda."-Boy 2

"Kung away ang makapagpapalayo sa inyo sa kanya. Pwes lalaban ako."-Me

"Christopher. Di mo 'to kailangan gawin."-Mosh

"No. Tuturuan ko lang ang mga lalaking 'to na mukhang hindi tinuturuan ng magagandang asal sa school nila."-Me

Pumasok si Janna sa Gym. Marami kasing estudyante dun. Mas ligtas sya dun kesa dito sa labas.

nagsimula na nga ang away.

Masakit pero tatanggapin ko lahat ng sakit na to kung kaligtasan naman ni Janna ang kapalit.

-Janna's POV-

Tumakbo ako papasok ng Gym para tumawag ng teacher o kahit sinong nakatatanda para awatin sila Christopher.

You Are My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon